top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 27, 2024



Photo: Ms. Neri Miranda - Instagram


Matapos maging controversial kamakailan ang Kapuso actor na si Ken Chan na sinampahan ng syndicated estafa ng ilang investors sa kanyang negosyo, bulung-bulungan naman sa showbiz ngayon na diumano'y inaresto ang misis ni Parokya ni Edgar vocalist Chito Miranda na si Neri Naig-Miranda.


Sa event na dinaluhan namin sa Bacoor Government Center Christmas tree lightning last Monday ay isang source ang nagtsika sa amin na nakapiit daw sa isang kulungan sa Maynila ang dating aktres-turned entrepreneur.


Ang mismong staff daw ng kulungan na ito sa Maynila ang nagtsika sa aming source. 


Pero bukod sa nakuha naming chika, may ilan na ring naglabas ng balita sa social media na diumano'y inaresto si Neri dahil sa paglabag sa Section 8 ng Republic Act (RA) 8799 o mas kilala bilang "Securities Regulation Code" na nagsasabing "No one can buy, sell, or act as a salesman or associated person of a broker or dealer in the Philippines without being registered with the Commission on Security and Exchange (SEC)." 


Tsinek namin ang mismong Instagram account ng mag-asawa para makibalita kung ano ba ang ganap nila ngayon, pero 4 days ago pa ang huling post ni Neri kung saan binabati nito ang anak na nag-birthday, habang si Chito ay 8 hours ago ang last post na Lego figure naman na pag-aari raw ng kanyang anak ang ipinakita.


Marami ang naghihintay ngayon sa panig ng mag-asawang Chito at Neri para mabigyang-linaw ang kumakalat na balita.


Bukas ang aming kolum at pahayagang BULGAR para sa paglilinaw ni Neri Miranda.



Sinindihan na ang mga ilaw sa malaking Christmas tree at iba pang makislap na mga parol sa harap ng Bacoor City Government Office sa may Molino Boulevard, Bacoor City last Monday. 


Nasaksihan namin ang pasinayang ito sa pangunguna siyempre ni Bacoor City Mayor Strike Revilla. 


Kasama niya ang iba pang opisyales ng Bacoor gaya ng representante ng lungsod sa Kongreso na si Lani Mercado-Revilla, Vice-Mayor Rowena Bautista-Mendiola, Cavite's 2nd District (lone district of Bacoor) Board Member Ramon Vicente “Ram Revilla” Bautista, Agimat Partylist Bryan Revilla, BM Edwin Malvar at iba pang opisyales ng lungsod. 


Kasabay ng Christmas tree lighting sa Bacoor Government Center (BGC) ground ang opisyal na paglulunsad ng pamahalaan ng Bacoor ng programang Strike Festival. 


Ayon kay Mayor Strike, “Na-conceptualize ang Strike Festival ilang araw lang ang nakalipas. Naisip ko, dahil sa totoo lang, nakita natin ‘yung dinanas natin sa past few months. Dumaan tayo sa pagsubok — putok ng bulkan, bagyo at sunog, ‘di talaga tayo nakaligtas. 


“Ngayon, may dengue, may depresyon, may mga depressed na namamatay, nagpapakamatay dahil sa hirap. Pero sabi ko nga, ano ba'ng kailangan kong gawin this time? 


“Alam ko, hindi ganu’n kadali. Pero sabi ko, gusto kong mapaligaya natin kahit sa maliit na paraan ang mga Bacooreño. Kaya po natin ginawa itong Strike Festival.”


Ang event ay inorganisa ng Department of Tourist and Cultural Affairs headed by Mr. Edwin Guinto, brought together a diverse crowd, including city officials, employees, NGOs, at ang komunidad kasama na ang mga magulang at guardians ng 750 daycare children. 


Nakisaya rin ang mga barangay officials and Miss Tourism. 

The launch featured a series of exciting activities, including the announcement of the Strike Scholarship program for 750 daycare children, the ceremonial opening of the Christmas Bazaar, a vibrant lantern parade, and the highly anticipated Christmas tree lighting.


Ang Strike Festival program promises a month-long celebration filled with cultural events, entertainment, and community activities, culminating in a grand New Year’s Eve celebration. 

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 25, 2024



Photo: Vice Ganda - Instagram


Sa kainitan ng isyu kung tuluy-tuloy pa ring mapapanood ang Kapamilya noontime show na It’s Showtime (IS) sa GMA-7 o hanggang Disyembre na lamang ng taong ‘to, pinasaya ni Vice Ganda ang mga staff ng programa sa isang announcement niya during the show last Saturday. 


Nangako si Vice Ganda sa mga staff na pasasayahin niya ngayong Pasko ang mga ito kaya nagsigawan sa tuwa ang mga tao behind the camera ng IS.


Pahayag ni Vice, “‘Wag kayong mag-alala, sa pinakamamahal kong mga Kapamilya dito sa Showtime, hindi kayo maiiwan sa laylayan. Sisiguraduhin ko ‘yan.”

Nagbiro pa si Vice na hihingi siya ng tulong sa iba pang hosts ng IS para matiyak ang happiness ng mga staff.  


Esplika ni Vice, “‘Yan ang mga nagpapakahirap para sa programang ‘to. Tayo, eh, umaarte-arte lang dito from 12 to 2:30 (afternoon), pero sila, hanggang gabi, hanggang madaling-araw. Kaya pramis, may bonus kayo sa ‘kin. May bonus sa ‘kin ang Showtime family natin.”


Nagduda tuloy ang ilang mga netizens na may kinalaman kaya ang isyung mawawala na sa Kapuso network ang IS ang announcement ni Vice Ganda para pasayahin ang staff ngayong Pasko?

Hmmm…



Hindi namin pinalampas ang pagkakataon na tapusin ang panonood ng pelikulang Idol: The April Boy Regino Story na pinangunahan ng baguhang aktor/singer na si John Arcenas.


Ang Idol ay biopic ng iconic singer na si April Boy Regino sa direksiyon ni Efren Reyes, Jr..

Una, gusto naming makita ang performance ni John sa Idol bilang si April Boy Regino.


Happy kami for John and finally, nabigyan na siya ng ganitong kalaking break. And we hope, magsunud-sunod na ang mga projects ni John.


In fairness to John, nakapag-deliver siya nang mabuti bilang si April at boses mismo ni John ang ginamit sa Idol.

Sayang lang at ‘di nakuha ang Idol as one of the entries sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).


“Sa ‘kin po, okay naman po kung saan po mapunta ‘yung pelikula. Kasi siyempre, unang-una sa lahat, ipinasa-Diyos ko na kung saan mapunta, talagang naniniwala po akong may plano,” pahayag ni John.


Siyempre, may lungkot na naramdaman si John sa hindi pagkakapili sa Idol sa MMFF.

Sey niya, “Oo naman po, siyempre, malaking ano ‘yan.”


Napaaga ang pagpapalabas ng pelikula sa mga sinehan sa Nobyembre 27. 

Samantala, alaga si John ng talent manager na si Tyron Escalante ng Tyrone Escalante Artist Management o TEAM.


Sey niya, “Actually po, naging inspirasyon s’ya sa ‘kin, lalo na nu’ng mapasok ako, tapos nakita ko ang mga kasama ko, Jane de Leon, Kelvin Miranda, Alexa Miro.


“Marami pong malalaki, kaya parang naging challenge s’ya sa ‘kin na kailangan, hindi ako basta-basta. Kasi ‘yung mga artista ni Sir Ty, eh, talagang mahuhusay.”


Unang pagbibidahan ni John ang IDOL: The April Boy Regino Story na mula sa Premiere WaterPlus Productions at executive producer na si Marynette Gamboa.


“Ang pinaka-challenging na eksena po sa ‘kin dito is ‘yung nagalit s’ya sa Diyos,” diin ni John.

Pahayag niya, “Nagkasakit na po s’ya, kasi grabe po ‘yung sakit n’ya, eh, tatlong sakit ‘yung nakuha n’ya, very, very emotional.


“Tapos, ‘yung preparation ko rin po du’n, nag-workshop po ako, nag-personal workshop pa rin po ako para sa gusto ko pong ma-achieve kung ano ‘yung gustong sabihin nu’ng eksena.”


Nasa pelikula rin si Kate Yalung bilang si Madelyn Regino na gumaganap bilang misis ng yumaong singer.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 24, 2024



Photo: Julia Montes at Coco Martin - IG


Star-studded ang ginanap na red carpet special screening ng bagong Kapamilya drama series titled Saving Grace (SG).


Bida rito si Julia Montes, ang next child superstar na si Zia Grace, si Janice de Belen at ang Megastar na si Sharon Cuneta. 


Absent si Mega dahil kasalukuyang nagtu-tour pa sa US ng concert nila ni Gabby Concepcion. Pero sinuportahan naman si Julia ng mga naglalakihang Kapamilya stars sa pangunguna ng bida ng FPJ’s Batang Quiapo (BQ) na si Coco Martin at nina Cherry Pie Picache, Angel Aquino, Sylvia Sanchez, PBB’s first Big Winner na si Commander Nene

Tamayo kasama ang former housemate niya sa Bahay ni Kuya na si Chx Alcala.


After the screening ay tigalgal ang mga nakapanood ng first episodes ng SG dahil sa sobrang bigat ng mga eksena ng batang si Zia who played the role of Grace on ABS-CBN’s new drama series.


Ang SG ay halaw sa hit Japanese series na Mother. Dasal ng pangunahing bida sa serye na si Julia na makapagdala ng kagalingan ang mensahe ng kanilang version ng script sa mga manonood.


Ayon sa interbyu kay Julia ng ABS-CBN News, “It is close to home. I am praying this will help children, battered wives, physically or emotionally through whoever— sana may mag-speak up and magkaroon ng strength lalo na kung nabubugbog ka ng salita o pisikal. ‘Di mo na alam minsan kung tama pa bang lumaban nang tama.


“Sana po, mas maraming ma-resolve sa bawat isa. I am not saying sa abused lang ito, sana may ma-heal para sila rin, maging healing ng ibang tao. Sana, mas maraming ma-inspire. Sana, may ma-save kayo and nag-save sa inyo.” 


Sa red carpet pa lang, binalaan na kami ng headwriter ng SG na si Joel Mercado na sobrang nakakaiyak ang bagong proyekto na ito ni Julia.


And then, naispatan din kami ni Direk FM Reyes na mag-ready daw kami dahil tiyak na iiyak kami.


Hindi naman sinabi sa amin ni Direk FM na hindi lang kami basta iiyak kundi bubuhos and with matching hikbi sa pagluha ang mangyayari sa amin sa panonood ng SG.


Ang sinabi lang ni Direk FM, bilang paghahanda para sa Pinoy adaptation ng Mother, pinanood daw niya ang iba pang ginawang adaptation nito sa iba’t ibang bansa.


Malapit nang masaksihan ang inaabangang serye comeback ni Julia Montes bilang si Anna, isang guro na hahamakin ang lahat mabigyan lang ng pangangalaga at pagmamahal ang isang bata na inaabuso ng sarili niyang ina.


Desperado na mabigyan siya ng tamang pag-aaruga, si Anna mismo ang kukupkop sa kanyang estudyante na si Grace, na gagampanan ng promising child star na si Zia Grace.

Tampok din sa serye sina Sam Milby, Jennica Garcia, Christian Bables, Elisse Joson, Eric Fructuoso, Andrea Del Rosario, Adrian Lindayag, Aya Fernandez, Sophia Reola, Ramon Christopher, Mary Joy Apostol, PJ Endrinal, Emilio Daez, Karl Gabriel, Jong Cuenco, Daisy Cariño, Lotlot Bustamante, Alma Concepcion, Fe De Los Reyes, pati ang mga premyadong aktres na sina Janice de Belen at Sharon Cuneta.


Bago mapanood ang Kapamilya adaptation nito sa Prime Video, hinirang muna na most exported title sa Asya ang Mother nang magkaroon ng sari-sariling bersiyon nito sa iba’t ibang bansa gaya ng Turkey, South Korea, Ukraine, Thailand, China, France, Spain, Saudi Arabia, at Mongolia. 


Sa direksiyon nina FM Reyes at Dolly Dulu, unang mapapanood ang Saving Grace sa Prime Video, with two new episodes tuwing Huwebes, simula Nobyembre 28.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page