- BULGAR
- Dec 11, 2024
ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 11, 2024
Photo: Bea Alonzo - Instagram
Before the year ends, may bago na namang product endorsement ang aktres na si Bea Alonzo. And this time, Bea is now the endorser ng My Diamond, na isang kilalang jewelry store na makikita sa malalaking malls nationwide.
Last Thursday, isang malaking welcome event and launch ang ibinigay ng My Diamond kay Bea sa kanilang store sa SM Aura.
After that, nabigyan kami ng chance ng mga may-ari ng My Diamond na makausap si Bea.
“Unforgettable jewelry that I have? I remember my first diamond earrings ko na medyo na malaki na binili ng Mama ko nu’ng I think after ng One More Chance (movie niya with John Lloyd Cruz),” bungad ni Bea.
Gusto raw siyang bigyan ng mama niya ng gift na puwede nitong balikan ang alaalang dala nito. And then, we asked Bea na kung meron ba siyang dream wedding ring.
Tugon niya, “Hindi ko alam, depende siguro. Parang ayoko nang pag-usapan ‘yung mga ganyan. Hahaha!”
We told Bea na pasasaan ba’t ikakasal din siya dahil hindi na siya bumabata.
“Well, hindi naman marriage ‘yung laging end game ng lahat. We have different paths, different destinies and fate.
“Of course, it would be nice. But hindi ‘yun ang end goal (ko). If it happens I would be happy. But, it doesn’t mean that I would give myself up if it doesn’t happen or I would feel like a failure if it doesn’t happen ‘coz I feel like on my own, I’m happy,” sey ni Bea.
So, romance is out of the question now?
“Hindi naman,” diin ni Bea.
Aniya, “Hindi ko naman sinasabi na close talk na ako, ‘yung kino-close ko ‘yung doors ko. But right now honestly, I’m enjoying being single.
“I mean, ang dami kong nakikilalang bagong tao. So, but yeah, I’m still enjoying my own company.”
May pumutok na news kamakailan regarding a photo of Bea kasama ang isang guy na napagkamalang new dyowa niya.
Sagot niya, “Oo nga. But he’s a good friend of mine. But we’re not dating.”
But she’s dating naman some suitors?
“Uh, may mga nagpaparamdam. Siyempre, I’m single. But yeah, I’m not dating anybody exclusively,” pahayag ni Bea Alonzo.












