top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 20, 2024



Photo: Ai Ai Delas Alas at Leeseunggi - Instagram


Positibo si Comedy Queen Ai Ai delas Alas sa pagpasok ng 2025. Ngayon pa lang, marami na siyang nilu-look forward sa susunod na taon.  


“Ay! Lahat ng hula sa ‘kin ay bonggang-bongga. Looking forward ako sa 2025 and I think nagsimula na. Kaya super, super, super excited ako,” lahad ni Ai Ai nang makausap namin sa launch ng VBank ni Manong Chavit Singson na ginanap sa Bridgetowne Destination Estate along Eulogio Rodriguez Jr. Avenue during the Blackout Festival.  


Gusto raw gumawa ni Ai Ai ng pelikula para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa susunod na taon.  


“Kasi 35th anniversary ko din sa show business, kaya maganda ang 2025 para sa ‘kin. And I think ‘yung concert, movie, and ‘yung narinig n’yo, sabi ni Manong Chavit, kung ano ‘yung sinabi n’ya, tinutupad n’ya, kaya kasama ako sa movie ng GMA.”  


Sa kabila ng nangyari sa personal na buhay ni Ai Ai, she still considers 2024 as a good year for her.  


“Alam mo, 2024 is still a good year for me kasi marami pa rin akong shows sa Amerika. I think nagkataon lang ‘yun (hiwalayan with her hubby). So, I’m still thankful.  


“Nagpapasalamat pa rin ako kasi maraming blessings ang dumating sa ‘kin. And nagpapasalamat pa rin ako dahil may mga maliliit na bagay sa buhay natin like buhay ako, wala akong diperensiya, wala akong sakit — that is a blessing from above,” esplika ni Ai Ai.  


Bago pa ang interview namin kay Ai Ai, nagsabi na siya sa mga taga-media na um-attend sa launch ng VBank ni Manong Chavit na walang personal questions para sa kanya.  


“‘Pag tungkol sa love, ayoko munang magsalita kasi nasa recovering stage pa ako. Super self-care. I love myself very much,” diin niya.  


As part of her self-care, super dance, gym, pray, sleep, and read daw ang ginagawa niya.  


Sey niya, “Nagri-read ako ng books. Kindle, tama?  


“Oo, nakakatulong ang mga ginagawa ko na ‘yan. And ‘yung mga hindi ko ginagawa dati, gagawin ko like travel abroad. Pupunta ako Bangkok, etc.”  


Anyway, sinabi ni Manong Chavit na si Ai Ai ang kanyang paboritong inaanak sa kasal. Naitanong namin kay Manong Chavit kung isasama ba si Ai Ai sa gagawin niyang Korean movie projects next year. Isa na d’yan ang Korean drama series na Vagabond ni Lee Seung Gi.  


“I’m so happy na isa ako sa ambassadress ng VBank. God is good and maraming blessings na dumating. I hope hanggang next year.  


“Sabi nga ni Ninong, kasali ako sa mga movies ng mga Korean ano, kaya I’m super excited. Alam mo kung bakit? Idol ko ‘yun, si Vagabond, si Lee Seung Gi. ‘Di ba ang ganda nu’n? Putol ‘yun. Dapat 21 plus ‘yung episodes nu’ng palabas, pero putol. So, parang excited ako nu’ng sinabi ni Manong (Chavit) na dito ipagpapatuloy ‘yung palabas.”  


Paano nga ba siya naging paboritong inaanak sa kasal ni Manong Chavit?  


“Oo, kasi palagi raw akong ano, ‘yung bubbly daw kasi ako. ‘Ninong!’ ‘yung ganyan. ‘How are you?’ Kunwari nanalo si ano, ‘Nanalo si Pacman. Pengeng pera!’” kuwento ni Ai Ai delas Alas.


Anyway, sa isang groundbreaking na hakbang para baguhin ang financial inclusion sa bansa, opisyal na ilulunsad ni senatorial candidate Luis “Chavit” Singson ang VBank app sa Quezon City sa Linggo, December 22.


Nangangako ang makabagong digital banking platform na maghahatid ng maginhawa at secure na mga serbisyong pinansiyal sa mga Pilipino sa buong bansa, na magmamarka ng isang makabuluhang hakbang tungo sa pagbibigay-kapangyarihan sa mga komunidad na kulang sa serbisyo.


Sa kanyang mga pag-uuri sa probinsya, binigyan ni Manong Chavit ang mga manonood ng pampublikong demonstrasyon kung paano gumagana ang VBank app.


“Hindi lang ito tungkol sa pagbabangko, ito ay tungkol sa pagbibigay sa bawat Pilipino ng mga kasangkapan para makilahok sa ating ekonomiya,” paliwanag ni Manong Chavit.


Dagdag pa niya, “Ginagawa ng VBank na posible para sa sinuman, anuman ang lokasyon, na ma-access ang mahahalagang serbisyo sa pananalapi.”

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 19, 2024



Photo: Bong Revilla at Tom Cruise - FB


Punumpuno ng aksiyon ang ikatlong season ng Tolome! Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. na magsisimula na ngayong Linggo ng gabi, December 22, sa GMA-7.


Makapigil-hininga rin ang mga ginawang stunts ni Sen. Bong base sa trailer na napanood namin during the grand mediacon ng TWMNPSMNM na pagsasanib-puwersa ng GMA-7 at ng Imus Productions. 


Mapanganib ang mga ginawang stunts ni Sen. Bong, lalo na kung iisipin na kailan lang ay sumailalim sa isang major surgery sa paa ang bida ng serye. 


Aniya, wala naman siyang nararamdamang takot dahil ipinauubaya na niya ito kay Lord. Ang mahalaga ay makapagpasaya raw siya ng mga manonood.

“But nag-iingat ako. Nag-iingat pa rin tayo,” sambit niya.


Tapos na raw ang TWMNPSMNM by February 11, which is the start of the campaign. Tatakbo ulit si Sen. Bong for another term sa Senate. 


“Kaya nga, seven episodes lang. Special season, seven episodes s’ya na mapapanood, kaya tutukan n’yo ang pitong linggo starting December 22,” sabi pa niya. 


Kaya pala itinodo na niya sa Season 3 ang mga pasabog sa trailer na napanood namin.


Isa sa mga nakakatakot na stunt na napanood namin sa trailer ng TWMNPSMNM ay ang pagtalon sa tulay ni Sen. Bong kasama ang nahulog na kotse, kung saan naroon din si Beauty Gonzalez who plays the role of his wife. 


Si Sen. Bong na nga raw ang Tom Cruise ng Pilipinas na habang tumatanda, lalong gumuguwapo at palaban pa rin sa aksiyon. 


“‘Yun ‘yung gusto nating ma-achieve na kung kaya ng Amerika, kaya rin natin,” nakangiting sabi ni Sen. Bong.


After election ay gagawa raw siya ng pelikula. Na-shelve kasi ang movie na gagawin niya sana with the Megastar Sharon Cuneta na Alyas Pogi (AP) dahil sa aksidente niya. 

Kasama rin dapat sa AP movie si Christopher de Leon.      




Grateful naman si Beauty Gonzalez kay Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa pagpili sa kanya bilang  leading lady sa comedy-action show sa GMA-7, ang Tolome! Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (TWMNPSMNM). Kaya naman, very much willing siyang ikampanya si Sen. Bong sa muling pagtakbo nito bilang senador for free.


“Sinabi ko sa kanya, kahit walang bayad kasi magkaibigan kaming dalawa. And, uh, nakakahiya naman. Pero I don’t like asking those things, eh. My manager should talk about these things. But I told them for free ‘coz I love what I did with this whole thing.


“In fairness, ang dami kong billboards. Sabi ko nga sa kanya, nakakahiya. Parang mas marami pa kay Kathryn (Bernardo) doon sa EDSA. Hahaha!


“And you know, ang bait niya talaga sa pagbibigay ng tulong n’ya sa ‘kin. And he really respects me. Why not for free? We’re family.


“Ms. Lani (Mercado) is really nice to me. My husband loves him. My daughter loves our show so, I will do it for free,” esplika ni Beauty.

Speaking of Lani, there was a time raw na dumalaw si Lani sa set nila.


Kuwento niya, “Yes, nagpunta s’ya nu’ng Season 3. And I want to take this opportunity to thank Ms. Lani kasi nu’ng birthday ni Sen. (Bong), she really said beautiful things about me and Sen. na ‘yung show namin, naging successful.


Matiwasay ‘yung taping namin, walang nangyaring masama.”


Samantala, nagkuwento naman si Beauty sa buwis-buhay na eksena nila ni Sen. Bong mula sa tulay ay nahulog sila sa ilog.


“Ay, buwis-buhay talaga ‘yun. Buti na lang marunong akong mag-dive. I’m a certified diver, eh. So, ‘yun and kailangan, mahaba ang hininga mo. Palit-palit ng regulator. You have to have presence of mind. Kasi, ang chaka naman, Beauty Gonzalez, nalunod. Aguy!


“But I wasn’t scared because we have safety divers with us. But siyempre, sasakyan ‘yun. Tapos ‘yung mga tetano noon, ayaw mong magkasugat-sugat.


“So ‘yung presence of mind lang ba? Tapos, siyempre, senador ‘yan. Baka ma-Senate hearing ako ‘pag nalunod ‘yan, hindi natin kaya. 


“So, talagang presence of mind and a lot of prayers. At awa ng Diyos, pati nga ‘yung direktor namin, nag-blocking na rin sa underwater para na rin masigurado,” kuwento pa ni Beauty Gonzalez.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 18, 2024



Photo: Philip at Small Laude - FB


Pinagpiyestahan ng mga netizens ang tsika na may ‘girlfriend’ o ‘mistress’ daw ang mister ng sikat na socialite and vlogger na si Small Laude na si Philip Laude.


Bigla kasing may nag-post ng screenshot ng dating vlog ni Small two years ago kung saan nandu’n ang babae na diumano’y “girlfriend” ni Philip.


Spotted ng mga netizens ‘yung “girlfriend” daw ni Philip sa vlog ni Small na nakaupo sa harap mismo ng lamesa ng mag-asawa habang kumakain sa isang restaurant.


At paano nila nasabing ‘yun ang GF ni Philip?


Bago kasi ‘yan ay may kumalat ding isang Instagram post kung saan makikita si Philip na may katabing magandang bata pang babae na nakayakap sa kanyang braso.


Ang haba ng caption ng nasabing post na may title na “In love with a lie.”


Sa comment section ng post ng screenshot ng dating vlog ni Small ay mababasa ang reaksiyon at ilang information mula sa mga netizens.


“Question is, who leaked these screenshots and ano’ng purpose n’ya (laughing emoji)? Pakopya, mga chikamates!”


“If you look at her Insta (Instagram) Stories, may trips din siya sa Bangkok, kasabay halos ng Bangkok trips din nina Small. So, baka pinagsasabay din ni Phil si Small and si kabit sa Bangkok. ‘Kakaloka, ‘di ba? But that’s so typical sa mga babaerong Chinoy, it’s sad actually.”


At may tsika pa na may anak na raw ang mister ni Small sa kanyang “girlfriend.”


Chika ng mga netizens: 


“Based sa previous posts ng kabit, 9 or 10 years na sila together. I’m assuming the ‘anniversary’ post she had nu’ng Oct. 2023 was with Phil.”


“Kung totoo nga, baka anak nila ‘yung bata na nasa IG.”


“Could be! Singkit din ‘yung bata. Peep mo ‘yung highlights ni girl na “ex” title, the kid wrote a letter and may nakalagay du’n na “mom and dad”. Baka sila ‘yun.”


“1995 ipinanganak ‘yung babae, so kung, 10 yrs. na sila…”


“Baka tanggap na ni Small. In exchange of her luho, she accepted the fact na ‘di na n’ya maibigay ang needs ni Philip. Kaya pala sa mga vlogs ni Tita Small ay aloof ang mga anak nila sa father nila. Ano’ng say n’yo?”


“True. Very typical din for rich Chinoy couples na ganyan, may arrangement. Mas gugustuhin pa nilang maging malungkot kesa masira image nila sa public by separating.”

Sabeee?


Ay, naku, mas mabuti siguro kung si Small Laude na mismo ang magbigay-linaw sa mga haka-haka ng mga netizens at du’n sa kumalat na picture ng mister niya at ng kasama nitong girl para naman matapos na ang pagpipiyesta ng mga Marites, ‘no!


‘Yan lang ang hirap ng mga public figure, bukas na bukas ang buhay mo sa publiko, kaya wala kang choice kapag pinagpiyestahan ka sa social media.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page