top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Jan. 11, 2025



Photo: Darryl Yap - The Rapists of Pepsi Paloma - VinCentiments


Agad na naglabas ng reaksiyon ang direktor ng controversial movie na The Rapists of Pepsi Paloma (TROPP) na si Darryl Yap sa isinampang kaso laban sa kanya ni Vic Sotto.

On the day na nagsampa ng kaso si Vic sa Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) ay nag-post sa Facebook (FB) si Direk Darryl ng kanyang reaksiyon.


Inilagay niya sa caption ng ipinost niyang frame ng bida ng Pepsi Paloma biopic na si Rhed Bustamante ang kanyang saloobin sa kasong inihain laban sa kanya.

Caption ni Direk Darryl: “KALAYAAN ng kahit sino ang magsampa ng reklamo. Walang may monopolyo sa katarungan, lalo na sa katotohanan.


“Malaya ang sinuman na magsampa ng reklamo, para mas maging malinaw ang totoo. Dahil sa huli, KATOTOHANAN lang ang depensa sa lahat ng KATANUNGAN. 


“Inurong ba ni Pepsi ang asunto? Ang sagot ay nasa litrato.


“Hindi ba napatunayan ang akusasyon ni Pepsi?” Ang sagot ay nasa litrato.


“Pero NAGSAMPA BA NG KASONG RAPE SI PEPSI LABAN KAY VIC SOTTO? Ang sagot rin ay nasa litrato.


“Nagsinungaling ba ang teaser? Ang sagot ay wala sa litrato… ito ay nasa maraming lathalain, ito ay nasa mga naburang bidyo, ito ay nasa mga lumang dyaryo.


“Alam nang mga nakakaalam noon, at alam na ng mga nagtatanong ngayon.


“Delia, Pepsi— Babalik tayo sa Korte (smile emoji).


“Ang Pilipino sa Sinehan #TROPP #TROPP2025.”


Samantala, nakakuha rin kami ng kopya ng opisyal na pahayag ni Direk Darryl bilang tugon sa demandang isinampa laban sa kanya.


Ayon kay Direk Darryl, “Agad naman po naming sasagutin ang reklamo ‘pag nakarating na po sa ‘min; ang sa ‘kin lamang, lahat po ng materyal na aking inilabas o ilalabas ay nakadokumento - hindi ko po gawa-gawa para makapanira.”


Wala raw personalan ang paggawa ng eksena ni Direk Darryl sa Pepsi Paloma movie kung nabanggit ang pangalan ni Vic.


“Wala pong personalan, naglalahad lamang po ako ng nangyari sa nakaraan na makikita sa mga nailathala noong 1980s. Naisapubliko naman po ‘yun.


“Maluwag po sa aking kaloobang tanggapin ang isinampang kaso ni Vic Sotto. Malaya naman po ang kahit na sino magsampa ng kaso - gaya po ng naisampang rape case noon ni Pepsi Paloma laban sa kanya na siya pong natatanging laman ng teaser.


“Nasa caption din po ng post na inurong ang kaso. Hindi po tayo nagkulang.

“Mahalagang mapanood muna nila ang buong pelikula,” diin ni Direk Darryl.


To the rescue kay Vic… 

SEN. TITO: DIREK DARRYL, LAGOT SA PAGGAWA NG GIMIK PARA KUMITA


Join na rin si former Senator Tito Sotto sa kontrobersiyal na kinasasangkutan ng kapatid niya na si Vic Sotto.


Nag-post sa X (dating Twitter) si Tito ng kanyang saloobin sa kontrobersiya nina Vic at Direk Darryl dahil sa biopic ng yumaong si Pepsi Paloma.


Post ni Tito, “When you rely on an old showbiz gimmick to make money and got your facts all wrong, you will falter, for sure!”


Siyempre, may mga reaksiyon ang mga netizens sa post ni Tito.


“It’s time to teach him (DY) a lesson in court.” 


“DY (Darryl Yap) bites more than he can chew on this one.”


“Pero bakit pinapa-delete po?”


“At madami rin sa YouTube (YT) ang gumawa about sa issue pero hindi kinasuhan? Million views din ang nakuha nila?”


Ganoon.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Jan. 10, 2025



Photo: Vic Sotto at Pauleen Luna - Divina Law


Binulaga na ni Vic Sotto ng 19 counts of cyberlibel case ang direktor na si Darryl Yap pagkatapos ng kanyang pananahimik sa pagkalat ng eksena sa trailer ng pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma (TROPP) ng kontrobersiyal na direktor.


Kahapon ng umaga ay nagtungo si Vic kasama ang kanyang mga abogado sa Muntinlupa Regional Trial Court para ihain ang kaso laban kay Direk Darryl.


Bandang hapon ay ipinag-utos ng Muntinlupa Court Branch 205 kay Direk Darryl at kanyang partido ang pag-alis ng teaser at iba pang materyal ng TROPP sa social media.


Pahayag ng abogado ni Vic na si Atty. Enrique Dela Cruz sa interbyu, “May utos na po ang korte sa writ of habeas data na ito ay lumalabag sa karapatan ng ating kliyente, kung kaya’t pansamantala ay ginrant ang habeas data. Ibig sabihin ay tigilan muna natin ang pagpo-post, pagse-share ng mga bagay na ito hanggang sa ito ay mapag-usapan.”


Sinabi pa ni Dela Cruz na hiniling nila sa korte sa kanilang petisyon na protektahan ang privacy ni Sotto, dahil ang panggagahasa ay isang personal na sensitibong impormasyon.


Ang mga alegasyon ng panggagahasa ay nagdulot ng pisikal na pananakot kay Sotto at sa kanyang asawang si Pauleen Luna, at naging dahilan din ng pambu-bully sa kanilang anak.


Nauna rito ay nagbigay din ng kanyang pahayag si Vic sa ilang taga-media pagkatapos niyang makapag-file ng cyberlibel case against Direk Darryl.


Aniya, sa lahat ng mga kaibigan at kakilala na nagtatanong ng kanyang reaksiyon, “Eh, eto na po ‘yun. Eto na po ‘yung reaksiyon ko.


“Sabi ko nga, walang personalan ito. I just trust in our justice system. Ako ay laban sa mga iresponsableng tao lalo na pagdating sa social media.”


Ibinulgar ni Vic na expected na niya na may lalabas na ganitong isyu sa kanya pagbungad ng Bagong Taon, dahil last year pa raw niya ito nauulinigan.


Pero ang kanyang misis na si Pauleen Luna raw ang unang nag-call ng attention niya regarding the teaser na kumalat sa socmed (social media). 


“Ah, through my wife,” sabi ni Vic. 


Aniya pa, “Kasi ako naman, hindi ako active sa social media. So sa mga kaibigan lang and basically, my wife, Pauleen.”


Full support siyempre pa kay Vic si Pauleen. 


“Not only my wife but my children, my friends, and I think lahat ng kababayan natin, eh, kasama natin sa laban na ‘to,” diin ni Vic.


Inamin din ni Vic na meron siyang ideya kung sino ang nasa likod ng kontrobersiyang ito against him.


“Uhm, meron kaming ano (ideya) but hanggang hindi natin napapatunayan,” sey ni Vic.


As to what many perceive na politically-driven lahat ang ugat ng pagyurak sa kanyang pangalan, ‘di naman umaayon si Vic dito.


“I don’t want to comment on that. This is a non-political issue, uh, for me, ha? Ewan ko sa ibang tao,” esplika niya.


Mariin naman ang pagsabi ni Vic na walang nagsabi, kumonsulta o nagpaalam sa kanya bago gawin ang kumalat na eksena kung saan binanggit ang kanyang pangalan sa trailer ng TROPP.


Nautal naman si Vice when asked kung hindi ba siya na-bothered sa pagkaka-highlight ng dialogue sa eksena sa pelikula, ang “Ni-rape ka ba ni Vic Sotto?!”


Paliwanag ni Vic, “Sa ‘kin na lang ‘yun. You know naman I’m a very silent person. Hindi ako ‘yung kuda nang kuda.”


May nagtanong din kay Vic kung nag-e-expect ba siya ng public apology from Direk Darryl.


“Sa ngayon ay ginawa lang namin ang nararapat. Uh, kung ano ‘yung nararamdaman ko. Eto na po ‘yun.


“Nakalagay na po, nakasulat na po lahat sa papel. Napirmahan na. Nakapag-oathtaking na ako sa fiscal. Kung anuman ang mangyari sa susunod, ‘yun po ang aabangan,” diin niya.


Nagbigay ng mensahe si Vic para kay Direk Darryl.


“Wala naman. Happy New Year,” maiksi niyang sabi.


Para sa mga nakapanood na hinusgahan na siya, “Eh, kani-kanya namang demokrasya tayo, eh. Kani-kanyang paniniwala ‘yan. Eh, basta ako, naniniwala sa sistema ng ating hustisya.”


At sa mga artistang gumanap sa pelikula, wala raw siyang sama ng loob sa kanila.

“Trabaho lang ‘yun. No problem,” paniniyak ni Vic Sotto.



KA-BACK-TO-BACK ng Vic Sotto-Darryl Yap controversy sa showbiz ang pagsuko ng komedyana ring si Rufa Mae Quinto sa mga awtoridad para sa warrant of arrest na nakaamba sa kanya last December.


Pagkatapos makapagpiyansa si Rufa Mae ay nag-post agad siya ng pasasalamat sa kabila ng  pinagdaanan niya sa kulungan sa kanyang socmed (social media) accounts.


Post ni Rufa sa kanyang Facebook (FB) account kahapon, “Thanks for keeping me go go going mga Fress, Family, Friends, Fans. Help, help, hooray (confetti emoji).”


Ini-reciprocate naman ng kanyang FB followers and friends ang pasasalamat ni Rufa Mae.


Mensahe ng mga netizens:


“Love you, Ate Pichie (Rufa Mae). Kaya mo ‘yan, ikaw pa ba? Strong independent woman!”


“Support lang kaming mga kaibigan mo.”


“Much love, BFF (best friends forever). Go, go, go lang! Kaya mo ‘yan. Praying for you and hope everything will be okay (heart emoji) don’t stress! Wala ka namang kasalanan (praying emoji).”


Habang sa X (dating Twitter), ito naman ang say ni Rufa Mae, “Maraming salamat po sa support ng lahat. Mahal ko kayo.”


Sagot nila:


“Fighting, Peach!!!”


“Laban lang, Momshie! Kaya mo ‘yan! The truth will always prevail! GO! GO! GO!”


“Go, go, Ma’am! Good call by the lawyer for you to go sa NBI to clear your name.”


That’s it, pansit!

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Jan. 8, 2025



Photo: Darryl Yap at Vic Sotto - Instagram


Nagpaliwanag na ang direktor na si Darryl Yap sa kontrobersiya ng pagbanggit sa pangalan ng comedian-TV host na si Vic Sotto sa isang eksena sa biopic ng yumaong sexy star na si Pepsi Paloma.  


Inilahad ni Darryl ang pangyayari kung bakit kinailangang banggitin ang pangalan ni Vic sa pangre-rape kay Pepsi sa kanyang latest Facebook (FB) post.  


Panimula ni Darryl sa kanyang FB post, “Pepsi and I—we are Olongapeños.  

“But more than that, this story has haunted the public consciousness for decades. As a filmmaker who started out in social media, I don’t choose these stories; they choose me.  

“Social media keeps resurrecting it, raw and unresolved, like an open wound. And when something keeps coming back like that, you realize—it’s not just a story, it’s a reckoning.  

“I felt a responsibility to confront it, to dig into the truth, no matter how uncomfortable, and present it in a way that demands to be seen and felt.”  


Pinaninindigan ni Darryl na hindi niya kailangang mag-apologize kay Vic.  

“About Sir Vic Sotto, I’m not sure whether to offer an apology for his name being mentioned in the film. The truth, after all, is unapologetic,” diin niya.  


Bilang public figure, bukas ang kuwento ng kanilang buhay sa publiko.  

“I believe there’s an understanding that stories like this will inevitably resurface. My role as a filmmaker isn’t to pass judgment or provoke—it’s to tell the story as it happened, with honesty and respect for the facts.  


“I trust that those who will watch the film will see it for what it is: an attempt to shed light on a controversy that refuses to be forgotten.  


“I respect my fellow artists, I respect the pillars of the industry, but what I respect most is the Truth in my heART,” depensa ni Darryl.  


On a separate FB post pa ni Darryl, ipinagtanggol niya ang sarili kung bakit inilabas niya ang kuwento ni Pepsi sa pelikula. Ito’y ‘di para sa kanya kundi sa mga mahal sa buhay ni Pepsi na matagal nang nanahimik sa sinapit ng yumaong sexy star.  

Esplika ni Darryl, “Sa loob ng 40 taon,  pinakinggan at pinaniwalaan n’yo na ang mga sikat, mga may pangalan, mga makapangyarihan, mga nagsalitang sila ang may alam, mga nagsabing sila ay kaibigan.  


“Ngayon, bigyan natin ng pagkakataon ang inang nanahimik nang napakatagal na panahon, ang inang matapos mawalan ng anak ay patuloy na nasasaktan sa mga paratang at panghuhusga.  


“Tapos na ang pananahimik ng nakababatang kapatid ni Pepsi, na noo’y 15 years old lamang, kasama ng aktres hanggang sa mismong araw na siya ay natagpuang walang buhay sa loob ng aparador.  


“Mananahimik ang ‘kasinungalingan’ dahil walang kamatayan ang katotohanan.  

“Sila naman ang magsasalita, sila naman ang magkukuwento. PAMILYA. HIGIT SA LAHAT.”  

‘Yun na.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page