ni Julie Bonifacio @Winner | Jan. 27, 2025
Photo: Alonzo Muhlach
Suportado ng dating child star na si Alonzo Muhlach ang kanyang nakatatandang kapatid na si Sandro Muhlach sa kinakaharap na laban nito on sexual harassment case against sa dalawang GMA-7 contractuals.
Kasama si Alonzo at ang ama nila ni Sandro na si Niño Muhlach sa paglulunsad ng Courage Movement ng mga biktima ng pang-aabuso at pananamantala sa concert ni Gerald Santos na Courage sa Skydome last Friday.
After the concert ay nakausap namin ang nagbibinata nang si Alonzo.
Pahayag ni Alonzo, “Siyempre, I’ll always be on my brother’s side. I’m gonna support him no matter what and for sure he’ll get justice.”
Of course, nalungkot at nasaktan si Alonzo sa nangyari sa kanyang kuya.
“Galit na galit po ako kasi out of all people, sa kapatid ko pa talaga magagawa ‘yun. And I really wanted justice to be served,” diin ni Alonzo.
That night ay na-inform kami ni Alonzo na tumigil na siya sa pag-aartista at magko-concentrate na lang daw muna sa kanyang pag-aaral.
“Yes po and I’m doing sports. I’m in Grade 9 right now, La Salle Greenhills po.
“Tatapusin ko po ang college, then saka po, if ever, babalik po ako sa pag-arte,” lahad niya.
Personal choice raw ni Alonzo ang pagtigil sa pag-aartista at hindi dahil sa nangyari kay Sandro.
“Uh, personal choice po. S’yempre as a kid pa lang nag-start na ang career ko in acting. So now, gusto ko lang po ng time for myself,” paliwanag niya.
Hindi naman daw siya ma-bully sa school dahil sa sinapit ni Sandro sa showbiz.
“Hindi po and uh, if that ever happens, uhm, siyempre, ire-report ko ‘yun. That’s not appropriate,” sabi pa ni Alonzo Muhlach.
Marami na ang nakalimot na ang award-winning na international film director-writer-producer na si Direk Nijel de Mesa ay unang nakilala sa teatro.
Isa sa mga unang obra niya na nagbigay sa kanya ng pagkilala ay ang kanyang dula na Subtext, na nanalo ng 1st Prize sa Don Carlos Palanca Awards for Literature.
Kalaunan, ito ay naging isang full-length movie at ngayo’y isang nakakakilig na musical na.
Ang kuwento ay umiikot sa mga pagsubok sa pakikipagrelasyon at komunikasyon. Kasama sa mga naunang cast noon ang mga bantog at kilalang artista na tulad nina Victor Neri, Soliman Cruz, Lou Veloso, Herlene Bautista, Paolo Contis, Ciara Sotto, Boboy Garovillo at Nova Villa.
Ngunit sa kasalukuyang bersiyon na ito na isang musical ay tiyak na magugustuhan ng mga magkasintahan at pati na rin ang mga single ngayong buwan ng pag-ibig (sa Pebrero).
Ang Ayoko Na, Talo, Ewan Ko, Meron Din Kaya, Ayoko Na Hindi Ikaw ay ilan lamang sa mga bagong orihinal na kanta na isinulat mismo ni Direk Nijel de Mesa para sa dula, at ang mga musical arrangements ay ginawa ni Jopper Ril.
Ang musical na ito ay dapat abangan ng ating mga kababayan abroad.
Ang premiere cast ng musical version na ito ay kinabibilangan nina Shane Santos, Cherry Morena, Ced Recalde, Karl Tiuseco, Gaye Angeles, at Jiro Custodio mula sa NET25’s Star Kada.
Produced ng “One Acts Theater” division ng NDMstudios ang studio run na ito.
Huwag palampasin ang kanilang natitirang performances sa Pebrero 1, 8, at 15, 2025, alas-7 ng gabi sa Sikat Studios Main Hall sa 305 Tomas Morato, Quezon City.










