top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Mat. 5, 2025



Photo: Vice Ganda - FB


Nakalibot na ang Sexy Babe contestant ng It’s Showtime (IS) na si Heart Aquino sa tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa Intramuros, Manila kahapon.


Inilibot si Heart ni Comelec Chairman George Garcia kasama ang iba pang opisyales ng ahensiya.


Ito’y matapos ngang mag-viral ang naging sagot ng contestant sa IS segment na wala siyang alam tungkol sa COMELEC nang matanong ng host na si Vice Ganda kung ano’ng masasabi niya tungkol sa ahensiya.


Iba-iba naman ang reaksiyon ng mga netizens sa pag-tour ng Comelec sa IS Sexy Babe contestant.



Sey ng isa, “This is absolutely ridiculous. Hindi ito ang solution sa educational crisis na meron tayo. Sana may ibang plans para ma-reinforce ang social awareness sa mga kabataan.”


Komento naman ng iba pa, “Dapat pagkatapos ng tour sa COMELEC, may pa-exam! Nang malaman natin kung may natutunan man lang, ‘noh?”


“Sumikat si Accla. LOL (laugh out loud).”


“‘Yung kailangan ka pa i-tour talaga because of ya stupidity, Huhuhu!”

Pinuri naman ng mga netizens ang ABS-CBN at It’s Showtime.


“At ‘yan ay nang dahil sa Showtime, kaya maganda talagang manood ng Showtime, hindi lang s’ya puro patawa, may mga aral at turo ka rin na makukuha.”


“Hahaha! iba talaga magpa-trend ang ABS-CBN, aminin n’yo na!”


“Thank you ABS-CBN, It’s Showtime!”


Samantala, naghayag ng kanyang pag-aalala ang IS host na si Vice Ganda sa educational crisis sa bansa ngayon.


Pahayag ni Vice sa live episode ng IS last Monday, “May educational crisis sa Pilipinas na dapat nating i-address. Gaano na kalaki ‘yung crisis na ito for now?


“Kaya magandang napag-uusapan natin. Alam mo, ‘yan ang napakagandang nangyari for me. Hindi man masyadong masaya, pero at least it started a conversation.”

So, true.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Mat. 4, 2025



Photo: Raquel Relucio Pempengco at Jake Zyrus - IG, FB


“Wala akong paki” ang pasaring ng ina ni Jake Zyrus (dating Charice Pempengco) na si Raquel Pempengco sa kanyang mga bashers pagkatapos sumabog ang mga rebelasyon ng kanyang anak sa socmed (social media).


Few hours before namin ginawa ang aming kolum na ito ay may Instagram (IG) Story si Raquel na ipinost kahapon.


Isang masaya, nakaayos at malusog na short video ang ipinost ni Raquel habang sumasayaw na tila nang-aasar sa kanyang mga bashers.


Sa video ay may nakasulat na, “I know the truth that’s why I’m happy.”

May mga mensahe pa si Mommy Raquel para sa kanyang mga bashers sa IG kahapon.

Post ni Mommy Raquel, “Sa lahat ng bashers ko, sige lang, magalit pa kayo, wala pa rin akong pake paki), block and delete lang.”


May inilagay din na caption si Mommy Raquel sa kanyang mainit-init pang IG post: “supermommyraqz ‘PAG AKO ANG NAGSALITA, TALAGANG TOTOO WALANG HALONG SHOWBIZ, KAYA WAG N’YO KО PILITIN. LALABAS ANG KATOTOHANAN SA LIKOD NG PUNO NG KASINUNGALINGAN…”


Dinagsa naman lalo ng bashing si Mommy Raquel sa kanyang mga ipinost mula sa mga netizens.


Sey nila: “Feel n’ya talaga sobrang ganda n’ya, nagmukha kang nagmamantika na baboy! Baboy ang mukha at katawan, baboy pa ang ugali! Sa impiyerno pa rin ang bagsak mo, hayop!!!”


“It's the bothered one who always says that they are unbothered.”


“OBVIOUS NAMAN NUMBER 1 PRIORITY MO IS PERA, HINDI ANAK MO.”


“You're a mother! You’re supposed to protect your child! Why on earth would you take your brother’s side over your own daughter? You deserve every negative thing that happened or ill happen to you. Shame on you.”


“You call yourself super mommy?... What a shame.”

“Supermommyraqz” kasi ang name ng IG account ng ina ni Jake Zyrus.



LUMIKHA ng ingay ang pagkaka-link ni Mark Herras sa singer na si Jojo Mendrez. Marami tuloy ang naghanap at nag-Google, especially ang new generation, kung sino si Jojo.


Unang pumutok ang name ni Jojo sa music industry sa paggawa ng remake ng mga sikat na kantang Tuyo Nang Damdamin ng Apo Hiking Society, Magkaibang Mundo ni Jireh Lim, at Handog ni Florante.


Nag-click ang mga remake na kantang ginawa niya. Hanggang sa nagmarka na ang pangalan niya sa entertainment industry after ng sold-out concert niya sa Newport Performing Arts Theater last 2018.


Sumunod na taon ay nagkaroon siya ng chance na makapag-audition para i-record ang remake ng kanta ng yumaong aktres na si Julie Vega, ang Somewhere In My Past (SIMP).


Sa 100 na nag-audition, isa si Jojo sa tatlong natira na lang na pumasa. At ‘yun na nga, hanggang siya na ang nakuha para i-record ang SIMP.


Pero nu’ng ire-release na ang remake ng awit na ginawa ni Jojo, dumating ang pandemic noong 2020. Kabilang si Jojo sa tinamaan ng COVID-19 virus at kasabay nito ang pagkawala ng kanyang ama, dahilan para itigil muna ni Jojo ang naantala niyang singing career.


After pandemic, agad na inasikaso at tinapos ni Jojo ang recording ng SIMP arranged by Marvin Querido.


Pagpasok ng 2025, ini-release ang kanta at nakakuha ng over 50 million collective views on social media at nanguna rin sa FM radio stations.


Naging maganda ang simula ng taon ni Jojo dahil bukod sa pag-hit ng remake niya ng Julie Vega song na SIMP, pumirma siya ng recording contract sa Star Music.


Unang inilabas ng Star Music ang original song niya na Nandito Lang Ako at kasunod nito ang iba pa niyang compositions and remakes. Isa na raw sa ire-remake ni Jojo na mapapasama sa album niya sa Star Music ay ang Tamis ng Unang Halik na kinanta ni Tina Paner.


Walang duda na 2025 ang taon ng tinaguriang “Revival King” na si Jojo Mendrez. Si Mark Herras kaya ang nagdala ng suwerte sa kanya?

Let’s see.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Mat. 3, 2025



Photo: Jake Zyrus - Instagram


Pasabog ang mga rebelasyon ni Jake Zyrus (dating si Charice Pempengco) sa inilabas niyang libro na may simpleng pamagat na I Am Jake.


Nag-viral sa X (dating Twitter) ang ilan sa mga eksplosibong pahayag ni Jake sa naging buhay niya noon bilang si Charice.


Sexually and financially abused si Charice, ayon kay Jake.


Ikina-shookt (gulat) ng mga netizens ang pag-amin ni Jake na biktima ng sexual abuse si Charice when she was only 6 years old.


Narito ang pahayag ni Jake sa kanyang libro, “I was six years old when an uncle began sexually abused me. The first time it happened, I was playing in the living room while he drew. He looked up from the sketches he was making and called me over. ‘Come here. I’ll draw you.’ 


“Even at that age, my instincts told me something bad was going to happen. But I had no choice but to follow him. As he drew me, my mind quickly shifted to denial.


“My uncle then asked me to come with him to his room. We were going to sleep, he told me. Even if I had said no, I was so small and helpless. All he had to do was pick me up.


“Of course, we didn’t sleep. He lay behind me, spooned me, and started touching me all over. My uncle, supposedly my second father, asked me to touch his genitals. I refused to move and didn’t talk. I just lay there stiffly, waiting for the nightmare to be over. I think that disappointed him. He gave up, and I breathed a sigh of relief, thinking that was it; that he would never touch me again.


“I was wrong.”


Nagkamali raw si Jake dahil paulit-ulit pa ring nangyari ang pang-aabuso kay Charice.

Tungkol naman sa pinansiyal, ini-reveal ni Jake kung paano naging deprived si Charice sa perang pinaghirapan niya.


Nalaman lang daw niya kung magkano ang perang kinikita niya nu’ng makausap niya ang kanyang accountant for the first time nu’ng nasa tamang edad na si Charice.

“Imagine how I felt as an adult who should be able to handle my own money when I met my accountant for the first time and learned that when I went on tour, I could earn up to $600,000. 


“When I sang at private events, I could get up to $300,000. Endorsements in the States earned me up to $1,000,000. At one point, my net worth was $16,000,000.


“I am not worth $16,000,000 anymore, but I assure you, I am richer than Charice. She only knew how much she was worth, but she never actually got to touch or enjoy her earnings. 


“Sure, I saw houses being built and cars being bought using my money, but I was always told they weren’t mine. 


“If I needed to use one of our cars, I had to ask permission from my mother. Sometimes, she would refuse my request. It’s only now that I finally know what it’s like to have a house under my name and a car I can use anytime I wish,” paglalahad pa ni Jake.


Marami ang nakisimpatya at mas naunawaan si Jake ngayon especially sa socmed (social media). ‘Yung iba, hindi napigilang ikumpara si Jake kina Sarah Geronimo at Carlos Yulo.


“Parang Sarah G. (Geronimo) lang. ‘Di nila deserve ‘to kasi blood, sweat and tears talaga effort nila para sumikat ever since. Hays.”


“Hello, ganyan din naman si @momshiedivine.”


“For sure, now people understands how Carlos Yulo feels because it is exactly the same.”

“Kaliga rin pala ng nanay nina SG and CY.”


May mga nag-post din ng comments showing their empathy for Jake.

Ani ng isa, “Financially and emotionally tortured by his own mother. Sexually abused by his uncle. Bullied by media and traumatized by the society. I am sorry Jake Zyrus, the world failed you.”


So there.

 (Motherland).


 
 
RECOMMENDED
bottom of page