top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | September 7, 2025



Ryan Bang - IG

Photo: Ryan Bang - IG



Trending si Ryan Bang at ang fiancée niyang si Paola Huyong sa social media. Napansin kasi ng mga netizens ang pananahimik ng magkasintahan sa social media at pati na rin sa plano nilang pagpapakasal.


Naganap ang proposal ni Ryan noong August, 2024. Nag-vlog pa tungkol dito ang Korean host sa kanyang YouTube (YT) channel at pinagpiyestahan ng mga netizens.

Marami ang natuwa at na-excite para kay Ryan sa nalalapit na paglagay niya sa tahimik gaya ng kanyang mga kasamahang hosts sa programa nila sa ABS-CBN, ang It’s Showtime (IS).


Makalipas ang isang taon, walang sumunod na balita tungkol sa plano nilang kasal.

Kaya nagtatanong ang mga netizens kung kailan na ang wedding nina Ryan at Paola, at kung matutuloy pa rin ba ito?


Nasilip ng mga netizens ang magkahiwalay na Instagram (IG) account nina Ryan at Paola.


Sey ng mga Marites…


“Wala nang post si girl sa IG n’ya. Ang galing naman ng Marites na nakapansin.”

“Naka-post pa rin sa IG ni Ryan Bang.”


Para mas klaro, nakisilip din kami sa IG account nina Ryan at Paola. True ang sabi ng netizen regarding Paola’s IG account. Wala nang post si Paola about Ryan, pati na ang marriage proposal.


Last post na naiwan sa IG ni Paola ay noon pang buwan ng Mayo kung saan binati niya ang kanyang ina ng “Happy Mother’s Day”.


Kani-kanyang judgement naman ang mga netizens sa palagay nila na nangyayari sa relasyon nina Ryan at Paola.


“Whaat?! Ang sad naman nito if true.”


“Akala ko married na. Hindi pa pala.”


“Oh my, this is so painful for Ryan if it’s true. Nag-Korea pa sila with the family, pamamanhikan kumbaga, then planning na, eh.”


“Baka ayaw talaga nila ru’n sa Pinay GF kasi ang gusto naman talaga ng Korean family, mga Korean din mapangasawa nila.”


“Mukha kasing ewan si Ryan, ‘di bagay sa kanya si Paola. Paola deserves someone na matured. Si Ryan, baby boy.”


Ganern?



DUMATING nang maaga si Cannes Best Director Direk Brillante Mendoza sa media launch ng Sinag Maynila Independent Film Festival (SMIFF) 2025 sa Gateway Mall sa Cubao, Quezon City noong August 20.


Isa si Direk Brillante sa mga founders ng Sinag Maynila katuwang ang Solar Entertainment Corporation president na si Wilson Tieng.


Naka-lock-in daw si Direk Brillante sa isang pelikula na ginagawa under his production outfit.


Like Direk Brillante, maaga ring dumating at umalis si Aljur Abrenica sa Sinag Maynila media launch. May shoot daw kasi si Aljur para sa Kapamilya action series na FPJ’s Batang Quiapo (BQ).


Bida si Aljur sa isa sa limang pelikulang nakapasok sa finalists for the full-length category, ang Jeongbu sa direksiyon ni Topel Lee.


Ginagampanan ni Aljur ang role ni Ethan sa Jeongbu. Kasama ni Aljur sa Sinag Maynila entry ni Direk Topel sina Ritz Azul at Empress Schuck. Ang ‘Jeongbu’ ay Korean word for “mistress”.


Kuwento ni Direk Topel, “Inumpisahan namin itong i-conceptualize before the pandemic. So ‘yung producer namin, gusto n’yang gawin. Nagkataon naman, nagkaroon ng pandemic. So, sa gitna noon, actually lockdown ‘yun, lahat kami, gusto talaga naming lumabas.


“Kaya hindi kami nahirapang kumbinsihin ang actors because they wanted to go to Baguio during the height of the pandemic.


“At the same time, ‘yung mga TF (talent fee) nila, binabali nila kasi they really wanted to go out. So, inumpisahan namin ito nu’ng pandemic, ngayon lang namin natapos.”


Mapapanood ang mga pelikulang kasali sa SMIFF 2025 simula sa Sept. 24–30 sa Gateway 2, Trinoma, Market! Market!, Robinsons Manila at Antipolo, SM Mall of Asia (MOA) at SM Fairview.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | September 6, 2025



Maxine Trinidad - IG

Photo: Maxine Trinidad - IG



Feeling blessed ang dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Maxine Trinidad sa ginanap na block screening para sa movie nila ni Martin del Rosario, ang Beyond the Call of Duty (BTCOD) na ginanap sa SMAISON Directors Club Cinema 3 sa Conrad Hotel sa Pasay City noong September 3.


Thankful si Maxine sa nag-sponsor ng block screening para sa kanyang first lead role movie, ang dating artista rin na si Charles Yulo. Si Charles ay lumabas bilang best friend ni Billy Crawford sa pelikulang Momzillas na pinagbidahan nina Maricel Soriano at Eugene Domingo under blockbuster director, Direk Wenn V. Deramas.


Nakasama ni Charles si Maxine sa workshops nila sa ABS-CBN noon. Kaya bilang suporta sa kanyang kaibigan ay nag-sponsor ng block screening si Charles na dinaluhan ng kanyang family sa pangunguna ng kanyang ina na si Mommy Mayeth at ng kanyang only sister, kasama ang mga employees sa kanilang seafood business. 

Love rin kasi ni Mommy Mayeth si Maxine dahil pareho silang maka-Diyos.


Pahayag ni Maxine, “It feels so good and it feels so blessed na magkaroon ng block screening bilang isang baguhang artist. And kinakabahan, kasi first of all, bago pa lang sa industriya. Siyempre, marami pang improvements. Pero ako po kasi, open naman ako sa mga improvements.”


Naikuwento sa amin ni Maxine kung paano niya nakuha ang lead part sa BTCOD. Meron pa raw siyang shoot sa ibang pelikula niya na hindi pa naipapalabas when she went to the audition para sa female lead role.


Kuwento ni Maxine noong makatsikahan namin sa dinner sa Lola Restaurant sa Conrad Hotel, “November po ‘yun and I have actually a flight na going to Europe, for a trip lang naman po. December-January ‘yun supposedly. December to February. Last week ng December hanggang January. At least, one month to one and a half. Kasi sayang din naman, Europe na.


“Eh, kaso ang nangyari, ang test shoot, nasa January. So, we had a meeting. Sabi ko, I’ll sacrifice this Europe trip. Kasi ang Europe, nand’yan lang. But this lifetime experience, this one-in-a-lifetime experience, I will grab the opportunity.


“And this is a dream job. So, hindi natuloy ang Europe trip ko. Isinakripisyo ko ‘yung ticket ko. Yeah, I sacrificed it. Sabi ko na lang, next time. Kasi ang project na ‘to is very big to me po.”

Pansin agad namin sa movie ang chemistry nina Maxine at Martin. And on top of that, nakasabay si Maxine sa acting ni Martin. Kilala na rin naman si Martin sa movie industry bilang mahusay na aktor.


“Yes, it was truly a privilege. Knowing Sir Martin del Rosario, sinir (tinawag na Sir) ko pa ‘yun. ‘Huwag ka na mag-Sir,’ sabi ni Martin sa akin. Kasi ganu’n po ako, eh, mahilig magsabi ng ‘Sir.’


“So sabi n’ya, ‘‘Wag ka nang mag-Sir.’ And then, nakita ko ‘yung acting n’ya sa Lolong na napakagaling. Very privileged and honored at talagang hindi n’ya ipinaramdam sa akin na baguhan ako. We are very collaborative. He is very collaborative. Nadadala n’ya ako,” lahad ni Maxine.


Hindi nga lang puwedeng maging on-and-off screen ang tambalan nina Maxine at Martin. Hindi pa raw kasi ready si Maxine to have a boyfriend. In fact, at 22 ay never pa raw siyang nagka-boyfriend.


Gusto raw kasi muna ni Maxine na makapagtapos sa college. Right now, nag-aaral daw siya sa Southville International School ng Business Management.

Naging PBB housemate si Maxine sa Kumu version ng Bahay ni Kuya noong 2022, that was post-pandemic daw. And now, naka-ilang seasons na ang PBB kaya ‘di na rin sila matandaan ng publiko.


“Oh, yeah. Actually po, may mga nagsasabi talaga na ‘‘Di namin narinig ‘yung batch n’yo.’ As in harap-harapan sa akin. For me naman po, aware ako sa ganu’n. Hindi naman ako nahe-hurt. Kasi that’s truth naman po, dahil po siguro post-pandemic. Mas nagiging matunog ‘yung mga recent PBB batch. Pero for me naman po, ‘yung journey po talaga ang mas nananaig. Ito po ‘yung naging way sa akin, gateway to get to mainstream and to get this

project. I’m so blessed,” diin pa ni Maxine.


Showing pa rin po ang movie nina Maxine at Martin, ang Beyond the Call of Duty, sa mga sinehan.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | September 5, 2025



Anne Curtis-Smith - Instagram

Photo: Anne Curtis-Smith - Instagram



Aminado si Anne Curtis na never siyang nagkaroon ng clean image sa showbiz. 

Agree kami d’yan especially pagdating sa love life ni Anne.


Sa X (dating Twitter) account ni Anne ay ini-repost niya ang interview sa kanya ng isang lifestyle magazine kung saan nagbigay siya ng payo sa mga batang artista.


Caption ni Anne sa kanyang X post:


“HAHAHA! I honestly think that’s why I’ve lasted this long in the industry. 28 years!!! (shy emoji). I’ve never had a squeaky clean image. I’ve had my fair share of mistakes. Owned up to them publicly and learned from them. Stayed true to my core. Thanks for standing by me everyone (teary-eyed emoji).”


Sa interview ay in-encourage ni Anne ang mga kabataan to dream big at huwag susuko kung talagang passion nila ang pag-aartista.


Pahayag ni Anne, “If this is something that you’re very passionate about and you feel strongly for, I would have to say that you should continue to dream big, hold on to those dreams but have the patience to work hard for them.


“This isn’t something that’s going to be served to you on a silver platter—this is something that you work hard for. You might reach that point where you feel defeated, but that doesn’t mean you have to give up on it.


“You might look for other things to work on but keep holding on to that dream. Dream big because I believe it can happen if you work hard.”


Bukod sa It’s Showtime (IS), napapanood si Anne sa Kapamilya drama series na It’s Okay To Not Be Okay (IOTNBO) na ipinapalabas sa iWant, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, TV5 at Netflix.



MAHIGIT 300 pelikula ang pinagpilian ng screening committee sa 7th edition ng Sinag Maynila Film Fest (SMFF) na gaganapin sa Setyembre 24-30, 2025.

Lima ang napili sa kategoryang Full-length Feature, 4 ang finalists sa Documentary-Open Call at 10 sa Documentary-Students.


Sixteen ang kalahok sa Short Films-Open Call at 25 ang kasali sa Short Films-Students.


Animnapung pelikula lahat ang participants this year sa independent film festival na itinatag nina Cannes Best Director Brillante Mendoza at Solar Entertainment executive producer Wilson Tieng noong 2015.


Ang limang pelikulang kalahok sa Sinag Maynila 2025 ay ang Altar Boy (AB), Candé, Jeongbu, Madawag ang Landas Patungong Pag-Asa (The Teacher) at Selda Tres (Cell Number 3).


Ang Altar Boy ay mula sa direksiyon ni Serville Poblete. Bida rito sina Mark Bacolcol, Shai Barcia at Pablo S.J. Quiogue.


Ang Candé ay idinirek ni Kevin Pison Piamonte, tampok sina JC Santos at Sunshine Teodoro.


Ang batikang direktor na si Topel Lee ang direktor ng Jeongbu kung saan kasama sa cast sina Aljur Abrenica, Ritz Azul at Empress Schuck.


Madawag ang Landas Patungong Pag-Asa (The Teacher) ang entry ng award-winning director na si Joel Lamangan. Tampok dito sina Rita Daniela, Jak Roberto at Albie Casiño.


At last but not the least, ang Selda Tres (Cell Number 3) ni Direk GB Sampedro kasama sina Carla Abellana, JM de Guzman at Cesar Montano.


Mapapanood ang Sinag Maynila 2025 entries sa Gateway, Robinsons Manila, Robinsons Antipolo, SM Mall of Asia (MOA) at SM Fairview.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page