top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Mar. 28, 2025





Ibinulgar ng misis ni Buboy Villar na si Angillyn Gorens ang naging buhay niya sa piling ng Kapuso actor pagkatapos nilang maghiwalay.


Isang mahabang post sa Facebook (FB), maraming screenshots ng conversation sa phone, at shocking pictures ng mga pasa sa katawan ni Angillyn ang inilantad niya sa publiko.


Ginawa ito ni Angillyn dahil daw sa mga natanggap niyang pamba-bash sa kanya at sa kanyang pamilya.


Sa kanyang FB post, isa-isang sinagot ni Angillyn ang mga maling akusasyon daw sa kanya.


Bungad ni Angillyn, “The reason why I am speaking and BAKIT NGAYON LANG? I’ve always told him na ayokong ma-compare, ‘wag n’ya hayaan na ma-bash ako at ang family ko kasi wala akong nagawang mali sa kanya noon hanggang ngayon, pero nu’ng nag-reveal s’ya, maraming negative comments about sa ‘kin at family ko… to the point na kino-compare family ng GF nya sa family ko and ako na never nag-cheat, marami akong hate na natatanggap. 


“HINAYAAN N’YA ‘YUN KAHIT NANAHIMIK AKO, MAY BASH PA RIN SA ‘KIN. E ‘DI ILABAS KO NA LANG ‘YUNG TOTOO, KASI NAKAKASAWANG MABUHAY NG MABUTI SIYANG TAO HABANG KAMI MASAMA AT HIGIT SA LAHAT HINDI NIYA KAMI IPAGTANGGOL.”

Ilang beses na raw siyang binastos at hindi inirerespeto, maski ang anak ni Angillyn kay Buboy.


Pahayag niya, “Ilang beses ko na sila kinausap para sana maging maayos, pero hanggang huli hindi pa rin nila ako pinakinggan. Kung makikita n’yo mga interview ni Buboy sa GMA, palagi n’ya sinasabi na inirerespeto niya ako at mahal n’ya raw mga anak namin... ayoko na magamit ang mga anak ko para sa ikakalinis ng pangalan niya. Pinapalabas niya palagi na siya ang nag-aalaga na kahit bihirang-bihira niya lang mapuntahan mga anak namin... kaya nga halos lahat ng comments ‘Si Buboy daw ang nag-aalaga,’ kasi ‘yun ang pinalabas n’ya sa media, never n’ya ngang naalagaan (ang) mga anak namin nang isang linggo, laging isang araw lang at bilang lang sa daliri sa buong taon.”


Nagbigay din ng mensahe si Angillyn sa girlfriend ni Buboy na hindi naipakilala ng ex niya sa kanya.


“‘Yung GF n’ya, nagsusumbong na (ang) anak namin na naghahalikan daw sila sa harap nila at magkatabi sa kama, na gusto sana ng anak naming babae na katabi ang papa niya, pero imbis na ganu’n, sa floor nila pinatulog mga bata, katabi ng yaya. ILANG BESES NAULIT, kahit naman siguro sinong nanay, MAGAGALIT. 


“Kinausap ko na sila about d’yan, paulit-ulit pero hindi pa rin ‘yun nasunod. Minsan na nga lang kitain ‘yung bata, ganu’n pa ginagawa. Puwede namang ipagpabukas ‘yung harutan, ‘pag wala na ‘yung mga bata sa kanila. Siguro, kahit sinong nanay, magagalit at higit sa lahat, bawal ‘yun gawin sa harap ng mga bata, lalo at 7 years old na si Vlanz, may utak na at hindi dapat n’ya nakikita ‘yung ganu’ng bagay... GALIT AKO MALAMANG. RESPETO LANG SANA SA MGA ANAK KO.”


Pinagsabihan na rin daw ni Angillyn si Buboy na huwag nang isama sa vlog niya ang kanilang mga anak. Puro negative sa side ni Angillyn daw kasi ang mga nakalagay sa comment section.

Pagbubulgar niya, “Una sa lahat, kahit kailan, hindi pinagbawalan si Buboy pumasok sa bahay namin at hindi siya tinratong iba, malaya s’yang makapunta sa bahay namin. Kung ano man nakita n’yo sa Magpakailanman, lahat ‘yun ay ginusto ng writer para mapa-drama ‘yung istorya, WALANG KATOTOHANAN. 


“Kainuman pa ng papa ko si Buboy ‘pag may events. Sinabihan din namin si Buboy na magsalita about du’n, pero ang sabi n’ya, oo raw pero lumipas na ang ilang taon, hindi pa rin n’ya naipagtanggol ang mga magulang ko. Sobrang bait ng mga magulang ko sa kanya... sobra.”


Pinagkasunduan daw nila ni Buboy na sa mga magulang ni Angillyn iiwan ang mga anak nila. Hindi raw kasi kaya ni Buboy mag-alaga dahil wala siya palagi sa bahay. At ang mga magulang naman ni Buboy ay gabi-gabi raw umiinom ng alak.


Hindi rin daw nagsusustento si Buboy sa mga anak nila for 2 years.


“Wala naman kami kahit kailan na inireklamo kahit 40K per taping/per hosting/per day si Buboy. CHOICE N’YA ‘YUN. Tinanong ako ng PEP kung bumaba na raw ba sustento simula nu’ng lumabas anak nila. Sinagot ko lang ‘yung tanong, pero ginamit n’yo na para i-degrade ako. Oras na lang sana para sa mga bata, du’n na lang sana bumawi dahil s’ya lang ang meron ang mga bata. Nasa America ako DAHIL NEED KO MAGTRABAHO…


“Dalawa trabaho ko sa America dahil kahit future nila, kailangan ko simulan ‘yung ipon,” sabi ni Angillyn.


Sinagot din ni Angillyn ang mga mamba-bash sa kanya na mahirap lang si Buboy kaya niya iniwan.


“Kahit kailan, ‘di ko s’ya iniwan kahit hindi na ako napapakain nu’ng mga

araw na nagpapadede ako kay Vlanz. Sinamahan ko s’ya sa hirap kahit kapatid ko na mismo bumibili ng food namin noon, sinamahan ko pa rin s’ya dahil mahal ko siya. Binayaran ng mama ko upa namin ng isang taon. Tinulungan namin si Buboy makabangon dahil mahal ko si Buboy noon at wala na akong ibang ginusto mangyari, kundi maging buo palagi pero paano naman ako? Sinasaktan n’ya ako, konting away lang, mananakit na dahil alam n’yang hindi ako nagsusumbong sa mga magulang ko, gabi-gabi umiinom at pag-uwi, MAOY (galit o nagwawala ‘pag lasing), tapos ending, puro na naman pananakit at pagmumura sa ‘kin sa harap ng 1-year-old. BINANGGA n’ya ‘yung kotse namin sa araw mismo ng birthday ni Vlanz dahil nagtatalo kami. NANDU’N anak ko PERO NAGAWA N’YA ‘YUN at walang katapusang panloloko. Ilang beses n’ya ako niloko ng paulit-ulit, pero ano ang ginawa ko?


“Pinatawad ko at umasang baka sakaling magbago pero hanggang huli, ‘di pa rin s’ya nagbago. Wala na akong choice kundi iwan dahil napapagod na akong lokohin, napapagod na akong saktan physically… Sinakal n’ya ako habang nagpapadede ng anak kong babae.


Dahil nade-depress ako, WALA AKONG KAIN, UMIIYAK AKO, NAG-STAY PA RIN AKO. 

“Ayokong lumaki anak ko na may trauma ng dahil sa ama n’ya... Buntis ako kay George, iniwan ko na s’ya dahil ayokong makita ng lalaki naming anak na puwedeng manakit ng babae… HABANG TUMATAGAL, LUMALALA PAGIGING VIOLENT N’YA. Masakit mang iwan s’ya pero kailangan kong gawin dahil baka mapatay na lang niya ako dati... Grabe s’ya magalit at mag-inom... Maski stepfather ni Buboy, pinagbuhatan ako ng kamay at ipapakulong na sana, pero dahil pa rin sa pagmamahal ko kay Buboy, inatras namin.


“Hindi namin kailanman naging problema na wala siyang pera. Hindi ko ‘yan niloko kahit kailan, naging tapat ako, ang hiniling ko lang sa kanya, maging maayos siyang tatay sa anak namin at ‘wag n’yang makalimutan dahil nasasaktan ‘yung anak naming babae. Masakit ‘yun para sa ‘min na sinasabi ng anak naming babae na ‘Where’s my papa? Is he not gonna visit me anymore because he has a new baby?’


“MAY UTAK NA ANAK NAMIN, nasanay si Vlanz na kausap n’ya papa n’ya. Kung anak n’yo na ‘yung nasasaktan, ipaglalaban n’yo rin. Hindi deserve ng mga bata ‘yung pagkukulang ng ama nila. Oo, wala ako sa Pilipinas para sa mga anak ko dahil kailangan ko magtrabaho.


Graduate ako sa America at sa Amerika lang ako puwede magtrabaho. Mga anak ko, gustuhin ko man na iuwi sa America, pero paano ako magtatrabaho? Mas kailangan ng mga anak ko pera ko para mabuhay sila at nagsakripisyo ako hindi para sa ikakasaya ko. Maya’t-maya umuuwi ako ng Pilipinas para makita at makasama ko mga bata. Hindi ko kailanman ginusto na mag-America at iwan sila. 


“Kahit sinong nanay, hindi gugustuhin mag-ibang bansa para itaguyod ang anak,” paglalahad pa ni Angillyn.


Sa huling bahagi ng kanyang FB post, sinabi ni Angillyn na dating kinakasama ni Buboy Villar na marami pa raw siyang nais na ilabas. Hindi lang daw niya ma-access ang dati niyang account.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Mat. 27, 2025





Tinapos na ni Jojo Mendrez ang anumang usapin tungkol sa kanila ni Mark Herras. Lumalalim na raw kasi ang hidwaan nila kaya he wants to put an end sa “tambalang” MarJo (Mark at Jojo).


Cellphone lang pala ang dahilan ng pagkakalabuan ng MarJo. Sinabi raw kasi ng misis ni Mark na binilhan ni Jojo ng cellphone si Rainier Castillo. 


Pero itinanggi ni Jojo na binili niya ang bagong cellphone ni Rainier. Mula sa sariling pera raw ni Rainier ang ipinambili nito ng kanyang cellphone.


Ito raw marahil ang dahilan kaya nag-walkout si Mark sa 38th PMPC Star Awards for TV, kung saan dapat ay magkasama sila ni Jojo na magpe-present ng award last Sunday.

Kinunan namin si Jojo ng mensahe para kay Mark.


Pahayag ni Jojo, “Sa ‘kin lang, sana mapagbuti n’ya ang buhay n’ya. Mapagbuti mo, Mark, ang buhay mo, at uh, lagi kang magplano. Hindi ‘yung sige-sige lang sa buhay. Kasi marami ka pang pagdaraanan sa buhay mo. You have two kids, meron kang bahay na babayaran for 12 years. Ang dami pa. So, paano kung mawala ang career mo? Sa showbiz, ang dali ng turnover ng ano, okey sana kung nasa 20s lang s’ya. Eh, nasa 40s na s’ya.”


Nilinaw din ni Jojo na wala siyang inalok  na bahay kay Mark. Puro pera lang daw ang naibigay niya sa Kapuso actor. 


Nai-share rin sa amin ni Jojo na maraming projects ang naka-line-up ngayon kay Mark.

“Pero ngayon, fully blessed s’ya ngayon. Kasi nakita ko, eh, puno ang calendar n’ya. Hindi sa gay bar kundi out of town shows, meron s’yang movies, may TV shows,” sabi ni Jojo.

So, magiging active na ulit sa showbiz si Mark? 


“Bumalik ang sigla ng career n’ya. Ipinagmalaki n’ya sa ‘kin nu’ng gabi na nag-walkout siya. Ipinagmalaki n’ya ‘yun sa ‘kin, at nakita ko,” diin ni Jojo.


Dahil sa ini-reveal ni Jojo, nag-isip tuloy ang ilang taga-media, including us, na nakausap niya sa ipinatawag ng Revival King na mediacon last Tuesday na kaya siguro ‘nag-a-attitude’ si Mark ay dahil marami na ulit siyang projects.

Oh, well…


‘Di na rin puwedeng tumakbo… 

ER, KULONG NG 8 TAON SA GRAFT


DINESISYUNAN na ng Supreme Court ang conviction kay dating Pagsanjan Mayor ER Ejercito sa kasong graft. Sinentensiyahan si ER ng pagkakakulong ng anim hanggang walong taon at perpetual disqualification sa public office.


Noong February 5, 2025 pa na-promulgate ang desisyon ng Supreme Court base sa nakita naming document na nai-post sa socmed kahapon.


Ayon sa desisyon ng Supreme Court, “ACCORDINGLY, the appeal is PARTLY GRANTED. The April 5, 2019 Decision and July 5, 2019 Resolution of the Sandiganbayan in SB-16-CRM-0124 are AFFIRMED insofar as accused-appellants Jeorge Ejercito Estregan and Marilyn M. Bruel were found GUILTY beyond reasonable doubt of violation of Section 3(e), Republic Act No. 3019 and were sentenced to suffer the indeterminate penalty of imprisonment of six years and one month as minimum to eight years as maximum with perpetual disqualification from holding public office. 


“However, the same Decision and Resolution are MODIFIED in that accused-appellants Arlyn Lazaro-Torres, Terryl Gamit-Talabong, Kalahi U. Rabago, Erwin P. Sacluti, and Gener C. Dimaranan are Republic v. Mega Pacific eSolutions, Inc., 788 Phil. 160 (2016) [Per C.J. Sereno, First Division]. Spouses Yusay v. Court of Appeals, 662 Phil. 634, 645 (2011) [Per J. Bersamin, Third Division].”


It’s devastating for ER for sure, lalo pa’t few months ago ay pumanaw ang kanyang misis na si Maita Sanchez (Girlie Javier-Ejercito in real life). 


‘Kaloka naman ang comment ng mga bashers ni ER sa socmed (social media). Sey nila, “Buti naman may makukulong nang Ejercito!! Nagulat ako may BFF Party List pala ‘yang si Erap kasama ‘yung ts*nggo n’yang anak at si Lorna Tolentino pa ang nag-i-endorse. Ang laki ng billboard sa Cubao!”


“Dasurb! (deserve) Daming good news!!!”


“Yey! Small wins! Justice!”


Ang tanong pa ng mga netizens ay kung kailan daw magsisimula ang sentensiya kay ER sa kulungan.


Wonder what kind of support ang ibinigay kay ER ng sikat na political clan ng mga Ejercito.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Mat. 26, 2025





Personal na tinanggap nina Barbie Forteza at David Licauco ang kanilang award bilang Power Tandem sa katatapos lang na 38th Star Awards for TV na ginanap sa Dolphy Theater last Sunday.


Nagkaroon kami ng chance na makausap si Barbie sa labas ng Dolphy Theater at binati sa award nila ni David.


Kinumusta namin at ng ilang members ng media si Barbie sa estado ng relasyon nila ni David.


“Mas nagiging close kami ni David ngayon. But, uh, s’yempre, parehas busy. S’ya sa business n’ya, ako sa mga projects, ganyan. But yes, yes. He’s really a nice guy. He’s a good friend of mine,” bungad ni Barbie.


Ano ang masasabi niya na marami ang umaasa na magkakatuluyan sila ni David?

“Uh, well, siguro po ganoon ka-effective ang tandem namin na may ganoong hopes. Thank you. Thank you po sa suporta po ninyo,” sagot niya.


May upcoming show daw si Barbie sa primetime at may three movies in the works.

Ano ang feeling na ang daming naka-line-up sa kanya for 2025?


“Kailangan, oo, kailangang kumayod tayo sa buhay. So, I’m very, very grateful and thankful dahil busy tayo for 2025,” sabi ni Barbie.


S’yempre, hindi nakaligtaang kumustahin kay Barbie ang kanyang love life. Ready na ba siya na ma-fall in love again?


“Well, I’m so happy, so happy to be in a relationship with myself right now. I’m getting to know myself more and I love that about me.


“Parang ang dami kong nadi-discover na mga bagong bagay about me. (Like) Kaya ko palang tumakbo. Kaya ko palang maging morning person. Akalain n’yo ‘yun. I’m falling in love with myself everyday,” lahad niya.


Napabayaan ba niya ang sarili niya?


“Hindi ako morning person dati, oo. Tsaka wala akong exercise masyado dati. Ngayon, tumatakbo na ako,” tugon niya.


With regards to Jak Roberto, hindi na niya maalala kung kailan sila huling nagkita ng kanyang ex-boyfriend.


Pero ready ba naman si Barbie na makaharap si Jak?


“Of course, why not? Lahat naman, alam n’yo naman kahit sino, binabati ko, eh,” nakangiting sabi niya.


Wala rin daw tampo si Barbie kay Jak.


And lastly, may plano rin kaya si Barbie na mag-solo ng bahay na gaya ng ibang female celebrities?


“‘Di ba, dagdag-gastos pa ‘pag nagbukod ako? Susulitin ko muna ang bahay ko. Bagong patayo lang. So, sulitin muna natin ‘di ba?” diin niya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page