top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Apr. 13, 2025



Photo: Kathryn Bernardo at Dr. Kenneth Hizon - Instagram

 

Nahanap na ang lalaking unang naging crush ni Kathryn Bernardo. 

Hindi talaga tinantanan si Dr. Kenneth Hizon ng entertainment media hangga’t hindi nakikita at siyempre, naiinterbyu.


Ayun na nga, nagpainterbyu rin naman si Dok Kenneth sa media. At sa X (dating Twitter) namin napanood ang interbyu rito.


Maputi at mukhang malusog si Dok Kenneth sa interbyu. Mukhang hindi rin siya katangkaran.


Ayon kay Kenneth, nalaman lang niya na pinag-uusapan na siya sa social media through his friends. Nasa duty daw kasi siya that time.


“Then my friends started tagging me du’n nga sa video ni Kathryn in PGT na naging viral.

Kaya ‘yun, doon ko nalaman,” pahayag ni Dok Kenneth.


Natuwa raw siya nu’ng nag-viral siya sa socmed at the same time, overwhelmed. Kasi, as a private person daw ay nakakabigla nga naman na pinag-uusapan na siya ng buong Pilipinas. Although, okay lang naman daw sa kanya.


Kuwento pa ni Kenneth, since nursery ay magkaklase na sila ni Kathryn sa Christian Faith Montessori. Then, lumipat daw si Kathryn sa Flowerlane Montessori Children’s House sa Cabanatuan. Nagkataong lumipat din doon si Kenneth at naging classmates sila ni Kathryn hanggang Grade 2.


“Nu’ng una, I was unsure. Kasi siyempre Kenneth, eh, hindi lang naman siguro ako ‘yung Kenneth sa buong Flowerlane. Pero nu’ng ni-recall ko, ‘Uh, baka nga ako,’” pagdududa raw ni Kenneth.

Dugtong pa niya, “Pero siyempre, hindi ko naman sinasabing ako. Malaki lang ‘yung chance na baka ako.”

Naalaala raw niya si Kathryn nu’ng kaklase pa niya bilang masayahing bata.

“At ‘pag nakita mo s’ya, s’ya talaga ‘yung parang bright kid, ganu’n. Tapos, siyempre, maganda kahit bata pa lang,” sey ni Dok Kenneth.


Inamin din ni Kenneth na si Kathryn din ang una niyang naging crush.

“Uh, maganda. Una, maganda. And pangalawa, sobrang bright n’ya talaga. As in, kapag

nakita mo s’ya, matutuwa ka talaga,” nakangiting sabi ni Dok Kenneth.

For sure, kikiligin na naman ang mga netizens sa naging pahayag ni Dok Kenneth tungkol kay Kathryn.



BURADO na ang post ni Dennis Padilla sa kanyang Instagram (IG) account tungkol sa pagmamarakulyo niya sa wedding ng anak na si Claudia Barretto kay Basti Lorenzo.

Duda ng mga netizens, binura ni Dennis ang post niya regarding nabudol siya sa wedding ng kanyang anak pagkatapos ng interbyu kay Marjorie Barretto ni Ogie Diaz.


Pero baka naman nauna nang i-delete ni Dennis ang post niya tungkol sa budul-budol na ‘yan pagkatapos niyang magdeklara na parang tinatapos na niya ang relasyon niya sa kanyang mga anak na sina Julia, Claudia at Leon.


Anyway, it was revealed by Marjorie na si Claudia pala ang nagdesisyon na huwag na siyang ihatid sa altar ng kanyang ama at mag-isa na lang siyang maglalakad sa aisle. 

But it turned out, hinila ni Claudia si Marjorie para samahan siyang lumakad sa aisle nu’ng malapit na siya sa altar.


Baka naman ito ang ikinagulat ni Dennis, bakit nandoon si Marjorie gayung sinabi na sa kanya na walang maghahatid kay Claudia sa altar na parent niya, same with the groom’s parents. Kaya siguro nakapag-react si Dennis Padilla na nabudol siya.


Ano kaya kung itinuloy na lang ni Claudia Barretto ang sinabi niya na solo lang siyang maglalakad sa aisle, baka walang naging reaksiyon ang kanyang ama? 

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Apr. 12, 2025




Nasagot na ang tanong namin kung bakit mukhang hindi maganda ang galawan ng groom ni Claudia Barretto na si Basti Lorenzo sa kanilang wedding last April 8. 


Pansin talaga namin ang matamlay at pag-iwas-iwas ni Basti kay Claudia mula sa ceremony hanggang sa reception, batay sa mga videos na kumalat sa socmed (social media).


Sa piktyuran pa lang ay halos ayaw nang dumikit ni Basti kay Claudia. Ni hindi lumapat ang kamay ni Basti sa katawan ng bride. Ni hindi rin niya kinuha ang mga kamay ng kanyang bagong misis.


Si Claudia pa mismo ang humihila kay Basti para hawakan ang kanyang kamay. Wala ring kuhang tumawa si Basti, ni ngumiti.


Kaya naman pala, dahil ayon sa kuwento ni Dennis Padilla sa kanyang phone interview kay Ogie Diaz, muntik nang hindi matuloy ang kasal nina Claudia at Basti.


Ayon kay Dennis, “Si Claui (Claudia), sabi niya, ‘Good morning, Pa.’ Sabi ko, ‘Why?’ Sabi niya, ‘I want to tell you something... Pa, hindi na po tuloy ang kasal.’


“‘Sabi ko, ‘Why? What happened?’ Tapos, umiyak. She tried to control it kaya lang noong nagsalita na ako, na medyo nabasag na ‘yung boses ko, umiyak (siya).


"Sabi ko, ‘Why are you crying? What happened ba?’”


Hindi na raw hinintay ni Dennis na sagutin ni Claudia ang tanong niya.


“If you’re not happy with it, don’t do it. If you're not sure with it, don’t do it,” payo ni Dennis kay Claudia.


Pero sa huli, napagsalita rin ni Dennis si Claudia kung bakit nito sinabi na hindi na tuloy ang kasal.


Kuwento ni Dennis, “Napilitan s’yang magsalita [sabi niya], ‘Pa, kasi for the past one week, hindi ko nakikita ‘yung interes ni Basti na magpakasal kami. Parang hindi s’ya sure.’”


Pero after an hour, tumawag ulit si Claudia kay Dennis at sinabing tuloy na ang kasal.

Hindi na raw nagtanong pa si Dennis kung ano’ng nangyari at natuloy na ulit ang kasal.


Ang importante nga naman ay natuloy na ang kasal.


Para sa amin, ang wedding ay ilang oras lang ‘yan, pero ang marriage ay panghabambuhay na pagsasama nina Claudia at Basti.


Huwag naman sanang mauwi rin sa hiwalayan ang kasal nina Basti Lorenzo at Claudia Barretto.


Resbak sa pag-iingay ni Dennis sa kasal ng anak nila… MARJORIE: MALALAGPASAN KO ‘TO TULAD NG DATI


PAGKATAPOS ng pasabog na hinanakit ni Dennis Padilla sa “pagkakaetsapuwera” niya sa wedding nina Claudia Barretto at Basti Lorenzo, magkakasunod ang separate posts ng mga kapatid ng bagong kasal at ng kanilang ina na si Marjorie Barretto.


Yes, Jans, may cryptic post na rin si Marjorie sa kanyang Instagram Story kahapon.

Ini-repost niya ang isang art card kung saan nakalagay ang quote na, “I will survive this, just like I always have before.


“With trembling hands, tired eyes, and a heart that's known both ache and hope. Because God has never failed me, not once. And even when I thought I wouldn't make it, somehow I did.


“Not by my own strength, but by grace that held me quietly. By peace that passed understanding. By a God who's never left.


“Because I've made it before- and I will again.”

Ganern! 


Hmmm… makakarinig pa kaya uli tayo ng sagot mula kay Dennis Padilla after this?

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Apr. 11, 2025




Humiling ng panalangin si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram (IG) kahapon. Ilang araw na kasing naibabalita ang iniindang karamdaman ni Sharon.


Until yesterday ay hindi pa raw bumubuti ang kanyang kalagayan. Madalas ay nakahiga pa rin daw siya and feeling sick.


Heto ang nakalagay sa art card na ipinost ni Sharon sa IG kahapon, “I am still always lying down on my bed as I am still always nauseated. I still dunno what hit me but if I stand or sit too long, headaches and hilo hit me hard, and am just scared that I might have to throw up again (sorry that’s graphic). Please pray for me. Thank you (heart & praying emoji).”


Kung anu-ano namang sakit ang ikinakabit sa nararamdaman ni Mega na naka-post sa comment section.


“Have you done a self-pregnancy test?”


“Nabati ka po siguro.”


“(Praying emoji) for recovery, maybe vertigo?”


“That’s what I thought, top shelf vertigo. Could be ear infection, you might need to see ENT instead of medical doctors, just my opinion.”



Na-miss ng mga fans ang beauty ni Jodi Sta. Maria sa ginanap na ABS-CBN Ball 2025 last week. May nag-akala na inisnab ni Jodi ang Kapamilya event considering na isa pa naman siya sa mga prime artists ng ABS-CBN.


Few days bago ang ABS-CBN Ball ay nakausap namin si Jodi sa launching niya as Philippine Animal Welfare Society’s (PAWS) newest celebrity ambassador. And we were able to ask her kung dadalo siya sa nabanggit na Kapamilya event.


Paliwanag ni Jodi, “As much as I want to attend the ABS-CBN Ball, I won’t be here during that time because I’m leaving for work in the first week of April.


“I’m actually leaving for a shoot. I’ll be leaving for a month to shoot a project and then I’ll be back at the end of April for the premiere of Untold the movie. I’ll also be away for Holy Week for work actually. So that’s the plan.”


Kahit daw wala siya sa Pilipinas during Holy Week, may sariling pamamaraan naman si Jodi on how to reflect during Holy Week.


“Naniniwala ako na in terms of reflection or retrospection and finding peace, hindi natin kailangang maghintay ng Holy Week for that.


“We can actually do that every day. We can actually find peace and stillness every day, just by meditating, by praying, remembering all the things that we’ve been blessed with, the things that we are grateful for.


“So, I think that we can find peace and stillness and all those things. Especially letting go of things that are beyond our control,” paglalahad ni Jodi nu’ng makausap namin sa Puso Para sa Puspin PAWS campaign launch.


Malaki ang paniniwala ni Jodi na biyaya ng Diyos ang lahat ng mga magagandang pangyayari sa buhay niya ngayon.


Ayon pa kay Jodi, “In general, I am at peace. In general, my life is happy. I am content.”

Samantala, ibinahagi ni Jodi ang status ng kanyang planong kumuha ng master’s degree in clinical psychology.


“Actually, this morning, I was just in touch with the administrator from school and ipina-follow-up na n’ya ‘yung application. Sabi ko, ‘I’m sorry I’ve been busy lang.’ Pero ipapasa ko na ‘yung application ko so I can start na with my masters.”

Kaya naman pala…

 
 
RECOMMENDED
bottom of page