top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Apr. 26, 2025



Photo: Cristine Reyes at Marco Gumabao at Ivana - Instagram


Kung gaano katindi ang init ng panahon, saka naman lumalamig ang feelings sa isa’t isa ng ilang celebrity couples.


Pinagpipiyestahan ngayon sa social media ang pag-unfollow sa isa’t isa ng magdyowang Cristine Reyes at Marco Gumabao sa Instagram.


Marami ang na-surprise sa tsikang ito, lalo pa’t matagal-tagal na ring magkarelasyon sina Cristine at Marco.


Sey ng mga netizens, uso raw yata ang pag-unfollow at hiwalayan ng mga magdyodyowa sa showbiz:


“Unfollow month.”


“Ayaw pahuli sa trend. Sino pa kaya ang susunod?”


“So, ganito na pala ang sign ng breakup o ‘di pagkakaunawaan ng mga artista din. Unfollow-han to each other it means may problema ang magdyowa.”


And as expected, burado na rin ang mga larawan nina Cristine at Marco na magkasama sa kanilang respective social media accounts.


“Nakakaloka! Sumasabay pa sa mga hiwalayan issue. Dahil ba summer na? Summer fling and romance, ganern?”


Nakatawag naman ng atensiyon namin ang pagdawit kay Ivana Alawi sa comment-post ng mga netizens:


“Baka napanood ‘yung interview ni Ivana, LOL (laugh out loud).”


“S’ya (Marco) ‘yung sinasabi ni Ivana na ex-BF n’ya na ginagawa s’yang sugar mommy.”

“Geez, ‘yung sa hotdog ba ‘yun? Hala, inaway for sure ni C buong magdamag.”  

“Baka ‘yung nagpabili ng relo. Hahaha!”

“Lesson to girls: ‘Wag kasi bigay na bigay agad.”

Hays…



MALUNGKOT na nakiramay ang kilalang cosmetic surgeon na si Dr. Manny Calayan sa wake ng yumaong Superstar at National Artist na si Nora Aunor.


Nakita namin si Dr. Manny sa huling gabi ng burol ni La Aunor sa The Heritage Park sa Taguig City. Hindi puwedeng palampasin at ‘di masilip ni Dr. Manny ang Superstar sa huling sandali dahil nagkaroon sila ng magandang relasyon.


Proud Calayan “baby” ang Superstar since 2023. Kay Dr. Manny nagpapa-beauty treatment si La Aunor even up to the time na medyo may isyu na sa kanyang kalusugan.

Sabi ni Dr. Manny sa amin, “Hirap na s’ya nu’n huminga, kaya-naka-elevate head n’ya sa facial bed.”


And what a coincidence, member ang daughter nina Dr. Manny at Dra. Pie Calayan sa Philippine Madrigal Singers na kumanta sa Metropolitan Theater para sa bonggang tribute kay Nora as a National Artist bago ihatid sa kanyang huling himlayan sa Libingan ng mga Bayani.



FINALLY, naipalabas na ang first scene ng aktres na si Andrea Brillantes kasama ang Primetime Drama King na si Coco Martin sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ) this week.


Sa video na inilabas ng Dreamscape Entertainment and CCM Film Production, inilabas ni Andrea ang kanyang naramdaman sa shoot ng eksena nila ni Coco.


“Kinabahan po ako nang todo kasi first scene ko sa kanya. Mayroon pa akong balisong so nag-practice pa ako sa left hand, sa right hand para prepared ako,” lahad ni Andrea.


Dahil dito, naalala ni Andrea ang kanyang childhood dream na maging direktor.


“Naaalala ko dati noong medyo nagsisimula pa lang ako mag-artista, like 12 years na akong artista, siguro ‘yung 1st six years ko, pangarap ko rin maging direktor.


“So, nakakatuwa na makita si Direk CM na artista rin. Hindi lang s’ya artista, producer and director siya. Kahanga-hanga, sobra. Sobrang maalaga ni Direk CM at iga-guide ka niya talaga sa bawat galaw at mahaba ang pasensiya n’ya,” sey pa ni Andrea.


Sa episode ng BQ last Tuesday, nagtagpo na si Fatima (Andrea) at si Tanggol (Coco) for the first time.


Ang BQ ay napapanood gabi-gabi, 8 PM, on Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, and TV5. It’s also available on iWantTFC and TFC.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Apr. 25, 2025



Photo: Sofia Andres - Instagram


Umuusok ang usaping hiwalayan sa mag-partner na sina Sofia Andres at Daniel Miranda sa social media.


Ang sinasabing basehan ng mga netizens sa diumano’y hiwalayan ng celebrity couple ay ang pag-unfollow nina Sofia at Daniel sa Instagram (IG).


Bukod d’yan, may mga cryptic posts pa si Sofia sa kanyang socmed (social media) account.


Caption ni Sofia sa photo ng mga bulaklak na ipinost niya, “Only to realize some souls aren’t meant to stay – they pass through like seasons, loud with storms, soft with sun. And still…with all the love in me, I opened the door wide and watched the wind carry you gently away…”


May isa pang post si Sofia that describes a kind of situation na pinagdaraanan ng isang partner sa relationship.


Post ni Sofia, “Strange, isn’t it? How can you weather every storm, bleed through every fight, only to be left in silence after. Hard to tell when echoes don’t answer back…”


If true na hiwalay na si Sofia kay Daniel, same-same na siya with her celebrity friends na sina Sarah Lahbati at Kathryn Bernardo na iba-iba rin ang naging karanasan sa kanilang mga ex na sina Richard Gutierrez at Daniel Padilla respectively.


Anyway, may mga nalungkot sa tsika kay Sofia, pero meron ding hindi naniniwala.

Sey ng mga netizens:


“Eme lang ‘yan nila. Na-inspire kay Kobe at Kyline. Magbabalikan ‘yan, may anak sila, eh.”


“Maybe she got tired?”


“OMG! Saw this coming before pa. But the wedding bells changed my view. Akala ko, endgame na talaga. Tsk…tsk…tsk.”


Itinuturo naman ng ibang mga netizens ang relasyon ni Sofia sa mayayamang magulang ni Daniel. 


Sey pa ng ibang mga Marites…


“Sweet-sweet-an pa ‘yan sa post at nakabuntot kung nasaan ang isa. Pansin ko tuwing galing sila sa Cebu, nagkaka-issue silang dalawa. Last time after nila mag-Cebu, nagka-issue rin si Sof sa family ni D. Coincidence?”


“Maybe she doesn’t feel that she belongs. Kaya every time na pupunta sila doon, she feels out of place after. Then siguro, he invalidates her feelings din.”


“I felt bad for her if totoo man. Grabe sigurong insecurities napi-feel niya na bakit ‘di pa siya pinapakasalan ni Daniel. I find her aura very mabait naman. Ewan ko ba bakit marami siyang bashers. Be kind.”


“Palengkera naman ni Ateng, ‘kaloka. ‘Pag may issues s’ya or involved s’ya, laging may pa-cryptic posts. Sobrang chipangga, hindi nakaka-Miranda.”



MARAMI ang nagtaka sa post ng singer na si Alynna tungkol sa hindi niya pagpunta sa wake ng ex-lover niya na si Hajji Alejandro for 27 years.


So, instead na pumunta sa mismong wake ni Hajji, she opted to honor her “Love” sa pagpunta sa Walk of Fame sa Eastwood City sa Libis, Quezon City kung saan may star ang pangalan ng tinaguriang Kilabot ng mga Kolehiyala, para alayan ng bulaklak at sindihan ng kandila.


Caption ni Alynna sa kanyang ipinost na video sa Facebook (FB), “I was unable to go to your wake for reasons I don’t have control of. But I am glad I am here to pray for you and watch your star shine! I want to thank Eastwood City Walk of Fame for giving you honor today. You truly are a legend and your wonderful music will live on forever. We love you so much! #HajjiAlejandro #iMissYouLove #HappyAnniversary.”


Ang naturang post ni Alynna ay kumalat hindi lang sa social media, kundi sa iba’t ibang

news program.


Pinutakti rin ng mga tanong sa socmed (social media) si Alynna at the same time, umapaw ang pakikiramay at pangungumusta sa kanya.


Kahapon ay muling nag-post si Alynna sa kanyang Facebook (FB) account. Ini-repost niya ang video ng pagpunta niya sa Walk of Fame na itinampok sa isang news program.


Caption ni Alynna, “I am sorry I can’t answer your questions right now. I want to respect the privacy of those who are not involved. But one day, I will...


“Thank you for your messages. I read them from my Archive. All the love and beautiful messages make me smile despite the sadness and longing for the man I love.


“Thank you for giving us time to grieve. God bless us all with renewed strength...”


Samantala, 20 days from now ay muling magbabalik on stage si Alynna to perform sa kanyang solo show titled I’m Feeling Sexy Tonight! sa Viva Café on May 14, Wednesday, 9 PM.


Watch Alynna on this show dahil talaga namang sulit ang ibabayad ng mga manonood sa ibibigay niyang performance on that night.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Apr. 24, 2025



Photo: Kobe Paras - IG


Ayan na nga ang sinasabi namin, umpisa na ng tirahan ng magkarelasyong Kyline Alcantara at Kobe Paras pagkatapos mabalitang break na sila.


Kumalat sa social media ang post ni Kobe sa kanyang Instagram Story na may picture ng isang portion ng isang resort or bahay na may swimming pool. 


Kadikit nito ang title ng kanta ni Tony Lanez na may pamagat na Wish I Never Met You.

Siyempre pa, nag-wan-plus-wan na agad ang mga netizens na may patama ang IG post ni Kobe kay Kyline.


Nai-post daw ito ni Kobe pagkatapos niyang i-unfollow si Kyline.

What’s new, ‘di ba? Mag-a-unfollow sa ex pagkatapos buburahin lahat ng mga photos nila na magkasama, na nangyari nga nu’ng sinilip namin ang mga IG accounts nina Kobe at Kyline.


Anyway, narito ang reaction ng mga netizens sa IG Story ni Kobe na agad ding nawala.

“Sakit”


“Wish she had never met you in the first place!! Ugh. Ba't ka pa dumating sa buhay niya? She was doing so well before you! Ginulo mo lang buhay niya.”


“Hindi ganyan si Kobe sa ibang exes n’ya. Ba’t kaya? Girl, parang ikaw yata may problema. Mga exes mo, itinatakwil ka. Baket?”


“Same with Mavy, pero si Mavy, tahimik lang kahit i-bash na mama’s boy.”


“Obviously, si girl ang may problem.”


“Wow, harsh mo kuya. Kahit sabihin mo na hindi ‘yan parinig, sino maniniwala sa iyo? Napaka-clingy mo nga kay Ky, eh, tapos bigla-bigla, ganu’n na lang?”

So, there.


Proud na ipinakita sa video… ANAK NI LEA, HABAMBUHAY NANG MAGTUTUROK PARA MAGING LALAKI


Ibinahagi ng nag-iisang anak ni international award-winning singer-actress Lea Salonga na si Nicole ‘Nic’ Chen ang kanyang journey sa pagiging transgender man sa Instagram (IG) recently.


Ipinost ni Nic ang video ng pag-i-inject niya ng testosterone sa kanyang tiyan. At habang ginagawa ni Nic ang video ay makikita sa kanyang likuran si Lea na nanonood ng TV. There was even a part sa video na binanggit at tiningnan ni Nic si Lea.


Panimula ni Nic sa video, “Recording me at least once, just for the heck of it.”

Binanggit ni Nic na hinugasan na raw niya ng alcohol ang kanyang mga kamay at ipinakita ang tatlong sanitized needles na gagamitin niya at ang syringe. Sinanitize na rin daw niya ‘yung bottle ng testosterone.


Pagpapatuloy niya, “So, you’d probably be thinking, ‘Nic, why the heck did you go for the injection kind when there are other options?’


“Well, I definitely would have gone to other options too but uhm, it doesn’t work as fast and they’re not exactly like, they are not uhm, very convenient. Like you have to do it, the other option was like you have to do that every day. And I would have to, yeah, sanitize, basically it’s just kinda would be super inconvenient. So, injection it is,” pagkibit-balikat ni Nic.

Dagdag pa niya, “That was like, you can do super inconvenient things that don’t work as well, or you can just give yourself a shot every week and I was like you know, choose to do that.”


Sa caption ay sinabi ni Nic na napagdesisyunan niya na i-video ang sarili habang nagte-testosterone.


Caption ni Nic, “(PART 1) Decided to record me doing my testosterone shot! Hope you guys... enjoy??? idk, Don’t watch if you don’t like needles! ...or testosterone

“Ignore my mom LMAO (laughing my ass off) she’s chilling.”


Nakalagay sa comment section na pang-anim na turok na raw niya 'yung napanood sa video. At sa susunod ay mas maliit na karayom na raw ang kanyang gagamitin.


May mga netizens na nagtanong kay Nic at nag-reply naman ang anak ni Lea.

Tanong ng netizen, “Hi, Nic. First of all, God bless you with your journey! A. If you don’t mind me asking – just curious: will taking T not going to change or affect your voice? Because right now, you are also into theater performance so I just thought about that.”


Reply ni Nic, “It will change my voice, but not in a bad way! My voice will get lower. Basically everything that happens to men during puberty, will happen to me. Nothing crazy.”


May nagtanong din kung allowed daw sa stomach area siya mag-inject.

“I was given the option to do my thigh or my stomach. I chose the stomach because it would be less painful as my thighs have more muscle.”


Sinagot din niya ang tanong kung once a month lang ang shot niya ng testosterone. Every week daw, kailangan siyang mag-inject nito.


Tanong pa ng netizen, “How many shots do you need? Are you close to your target?”

Reply ni Nic, “I actually have to continue taking testosterone for the rest of my life I believe, but right now it’s a shot every week at a relatively low dosage. It’ll get higher later on.”

Ganern?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page