top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | May. 1, 2025



Photo: Kathryn Bernardo at Nadine Lustre - IG - Circulated - Aivee Clinic


Usap-usapan sa X (dating Twitter) ang pagsasama nina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre para sa isang product endorsement.


May nag-post kasi sa X na blind item pero knows agad ng mga netizens kung sinu-sino ang mga artistang tinutukoy dito.


Narito ang post sa X, “Two of the best actresses of their generation are coming together to slay in an upcoming TV commercial for a popular hair care brand. Fans are thrilled to see them share the screen again, hoping this leads to more projects together–whether in a series or a film.”


Sey ng mga netizens:


“Oh my God!! This is it — finally KathDine!”

“Kath and Nadz.”

“Kathryn Bernardo and Nadine Lustre’s Sunsilk and Cream Silk collab for Unilever.”


Kamakailan lang ay nagpa-picture na magkasama sina Nadine at Kathryn sa ginanap na ABS-CBN Ball. Feeling ng mga netizens, patikim na raw pala ‘yun ng gagawin nila na magkasama for a product endorsement.


“Expected na po ito bilang nagbigay na sila ng hint sa ABS-CBN Ball.”


May nagwi-wish din na masundan ng pelikula o drama series ang pagsasama nina Kathryn at Nadine after ng product endorsement.


“Wow! Hope may mag-offer sa kanilang dalawa film man or series...#KathDine.”

“Ituloy ang Alta please kahit short series lang kung hindi man movie.”

True.



IN the works na pala ang sequel para sa box office hit movie sa 2017 Metro Manila Film Festival, ang Deadma Walking (DW) sa direksiyon ni Julius Alfonso, written by Eric Cabahug and produced by T-Rex Entertainment.


Actually, noon pa inaabangan ang sequel ng DM right after mapanood sa MMFF. Pero s’yempre, ‘di naman ganoon kadaling gumawa ng sequel, ‘di ba?


But now, after seven years, nakaka-excite malaman na in the works na ang sequel ng DM na may working title na Drag Me 2 Heaven (DM2H).


Ayon kay Direk Julius sa panayam sa kanya ni Alwyn Ignacio ng Daily Tribune, “Initially, walang plano at all for a sequel, not even a prequel. But there was a clamor for a follow-up to DM. Through the years, our first venture developed some sort of a cult following.  


“Halfway through the pandemic era, our writer Eric Cabahug, creative producer Vanessa de Leon and I constantly discussed it. A couple of months ago, while developing some other projects and concepts, we formally decided for this long-awaited and anticipated sequel.  

“We are so excited about it. Throughout the brainstorming, we’ve come up with endless possibilities about the characters and the narrative.”


Naniniwala si Direk Julius na nagdala ng bago at kapana-panabik na tema ang DM para sa genre nito. May tamang dami lang ng komedya (na walang katawa-tawa) at drama (na hindi masyadong sentimental).


Para kay Direk Julius, life-changing ang idinulot sa kanya ng pagpapalabas ng DM na first directorial movie niya.


Less than a month after ipalabas ang DM sa mga sinehan, inalok agad si Direk Julius na gumawa ng teleserye sa ABS-CBN, ang Sana Dalawa ang Puso Ko (SD) nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap at Robin Padilla.


Bukod d’yan, may ginawa pa na pelikula si Direk Julius para sa sinehan at streaming platforms. Plus, iba pang projects for cable networks.


Mapapanood pa rin daw sa sequel ng DM sina Joross Gamboa, Edgar Allan Guzman at Dimples Romana.


Excited much!


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Apr. 30, 2025



Photo: Angelica at BINI Sheena - MMK


Nagbabalik sa telebisyon si Angelica Panganiban pagkatapos ng ilang taon na tumigil siya sa pag-arte sa harap ng kamera.


And what’s more fitting for her acting comeback kundi ang isang espesyal na episode sa nagbalik na longest drama anthology sa telebisyon, ang Maalaala Mo Kaya (MMK) hosted by Charo Santos.


Tampok ang kuwento ng buhay ni BINI Sheena sa MMK na unang mapapanood sa iWantTFC sa Huwebes, May 1.


Gagampanan ni Angelica ang role ng ina ni BINI Sheena.

Ayon kay Angelica, “S’yempre MMK s’ya, palagi naman s’yang privilege ‘pag meron talagang ino-offer sa ‘yo na ganitong klaseng project. Hindi mahirap mag-say ng ‘Yes’ kasi very close s’ya sa akin, naka-relate ako sa kanya kahit papaano.”


Naka-relate na rin daw si Angelica sa role niya bilang ina ni BINI Sheena.

“Isa na rin akong mom ngayon, and recently I also lost my mother. Nu’ng nabasa ko 'yung script, naramdaman kong kaya ko siyang gawin,” she said.


Inamin ni Angelica na grabe ang kaba niya pagtungtong sa set ng MMK

“Talagang kabadung-kabado ako, hindi ko maipaliwanag ‘yung tensiyon na nararamdaman ko sa buong katawan ko, marami akong self doubts, tapos marami akong iniisip kung kaya ko pa ba talaga?


“Then of course, excited ako kasi ang tagal kong hinintay na makabalik sa acting dahil ‘yun din naman talaga ang first love ko,” lahad niya.


Hopefully, simula na raw ang appearance niya sa MMK sa kanyang pagiging aktibong muli sa showbiz.        


Dinepensahan ni Alynna ang sarili sa pambabatikos sa kanya dahil sa video na ipinost niya sa kanyang Facebook (FB) account.


Ang video na tinutukoy niya ay nu’ng nag-alay siya ng bulaklak sa Walk of Fame “star” ng music icon na si Hajji Alejandro sa Eastwood City, Libis sa Kyusi.


Post ni Alynna sa FB, “Never in my wildest dreams did I imagine that my video would become viral. To me, it was just a quiet and solemn way to honor the man I love.

“I didn’t point a finger at anyone. I was ok with it. Rather, I blamed myself and just accepted my fate. 


“Over the pleasant and deeply impactful comments from my post, there were harsh pronouncements blown out of proportion. Nanganak na nang nanganak. Comment section became a debate box. 


“Dear friends and followers, please don’t attack or blame the family. There are some members who respect me and those who hate my existence. It’s just my destiny and predetermined path. And I am also defective at times. For these, I apologize.


“My biggest regret is I let some people interfere with our lives. So many wasted time. Life is just so short.


‘“Love the people who love the people you love.’”


Naging palaisipan sa mga netizens ang post ni Alynna. Hindi nila ma-gets kung sino ang tinutukoy niya sa sinabi niya na “Who hate my existence.”

Sey ng mga netizens:


“Passive-aggressive moves palagi si Anteh. You can always grieve quietly and privately.”

“Pa-video habang nag-e-emote. Para may mai-post or what? How people have become dahil sa social media. Puwede ka namang magpunta na walang video. What’s your real intention?”

“Ang dami mo kasing kuda rin, gurl. Puwede ba, patapusin mo muna ang 40 days bago ka mag-continue ulit. Everyone who loves Hajji is for sure mourning.”


Pati ang nalalapit na show ni Alynna sa Viva Café on May 14, Wednesday, titled I’m Feeling Sexy Tonight! (IFST) ay iniintriga ng mga bashers niya.


Komento ng isa, “Kaya naman pala medyo maingay si gurl, mayroong concert sa May.”

Sa true lang, bago pa man pumanaw si Hajji ay nagsisimula na si Alynna na mag-promote ng IFST show niya. Nagbebenta na ng tickets ang organizers ng show.


Kung gusto ni Alynna ng publicity at promo for the show, di sana’y sinunggaban na niya ang kaliwa’t kanang imbitasyon sa kanya na magpa-interbyu sa TV at sa social media.


Tinanggihan ni Alynna lahat ng nag-invite sa kanya for interview bilang respeto sa pamilya ni Hajji at mas pinili niya to grieve in silence. 

That’s the truth.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Apr. 29, 2025



Photo: Angelika Dela Cruz - IG


Sinampahan ng kasong plunder si Angelika dela Cruz sa Office of the Ombudsman noong Lunes.


Si Angelika ang barangay chairman sa Longos, Malabon City. Inakusahan siya ng pandarambong mula sa public funds ng Barangay Longos na umaabot mula P70 million.


Kinasuhan din si Angelika ng administrative charges gaya ng neglect of her duties as Barangay Longos captain, madalas na pagliban nang walang official leave, and unauthorized transfer ng kanyang official duties sa kapatid niya na si Kagawad Erick dela Cruz.


Sa kabila nito, may halong pamumulitika raw kay Angelika ang pagsampa ng kaso laban sa kanya. Tumatakbo kasi bilang vice- mayor ng Malabon si Angelika ngayong halalan.


Iba-iba ang naging reaksiyon ng mga netizens sa pagsampa ng patung-patong na kaso kay Angelika:


“P70M for a barangay level corruption? (angry emoji).”  


“Yaman ng barangay nila.”  


“Artists turned public officials always fail to serve but always get involved in cases with public funds. Ang kakapal.”  


“Nah, good luck sa mga personal travels without official leave.”  


“Totoo po ‘yan, lumitaw lang s’ya nu’ng kampanya na, pero mostly, lagi s’yang wala sa Brgy. ilang taon na rin. Kapatid n’ya lagi na kagawad, nakapirma sa documents. Imbes na kapitana, si Kagawad ang pumipirma... Since birth, sa Longos ako nakatira.”  


“People from the showbiz industry that are turned politicians are hypocrites and corrupt… no difference from traditional politicians and political dynasties…”

Sabeee?


Kahit pinalitan ni Randy bilang host…

SHOW NI WILLIE, BABU NA SA TV5





Namaalam na sa ere ang show ni Willie Revillame na Wil To Win (WTW) sa TV5 last Friday.


Hindi si Willie ang host nu’ng mag-last airing ang kanyang programa kundi ang matalik niyang kaibigan na si Randy Santiago.


Pinalitan ni Randy si Willie sa show sa pagsisimula ng kampanya ng mga tumatakbong senador noong February 11. Tumagal din ng dalawang buwan ang show minus Willie.

From our source, season break daw kaya nawala sa ere ang WTW. When we asked our source kung babalik ang programa ni Willie after election, wala raw katiyakan.


Depende raw kay Willie kung ibabalik niya ang show o hindi. Malalaman ‘yan sa magiging resulta ng kanyang pagtakbo bilang senador.


Kapag nanalo, malamang hindi dahil magiging abala siya sa Senado. Kapag natalo naman, siyempre, babalik.


Kering-keri naman ni Willie Revillame na ituloy ang programa niya, may network or wala.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page