top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | May. 8, 2025



Photo: Sharon Cuneta - IG


Fond memories ang tumatak kay Megastar Sharon Cuneta sa pumanaw na aktor-direktor na si Ricky Davao.


Una raw nakilala ni Mega si Ricky nu’ng maging karelasyon ni Jackie Lou Blanco ang aktor. Pagkatapos ay nakatrabaho na rin ni Sharon si Ricky sa mga pelikulang Kung Aagawin Mo ang Lahat (KAMAL) at Kahit Konting Pagtingin (KKP).


Hanggang sa naging ninang na si Sharon sa anak ni Ricky and his estranged wife na si Jackie, kaya talagang Mare at Pare ang tawagan nina Sharon and Ricky.


During the wake last Monday, feeling ni Sharon ay nagparamdam sa kanya si Ricky. 

Kuwento ni Mega, may hawak daw siyang bottled water at tiniyak niyang isara nang maigi ang cover para ‘di matapon. Itinabi ni Mega ang bottled water habang ginagawa ang worship service sa wake that night.


Nagulat daw si Sharon na makitang basa ang kanyang upuan. Na-open daw kasi ‘yung cover ng bottled water at natapon ang tubig sa kanyang upuan.


Kaya feeling ni Sharon, nagparamdam si Ricky sa kanya pagkatapos magkuwento ni Mega kay Jackie kung gaano kakuripot ang kanyang ex-husband sa totoong buhay.


Sey ni Sharon nu’ng mainterbyu namin bago umalis ng wake ni Ricky sa The Heritage Park, “Napakabuti na kaibigan at napakasarap kasama. Napakagaling na artista. Seryoso. Laging kontrabida, eh, pero sa totoong buhay, isa sa pinakamabait at pinakamasayang kasama.”


Naniniwala si Sharon na malaking kawalan sa industriya si Ricky.

“Nakakalungkot nga, sunud-sunod. Hindi pa kami nakaka-get over kay Tita Pilita, kay Ate Guy, D’yos ko naman. Pero si Ricky ang meron akong friendship with him. Talagang nakatrabaho sa ilang pelikula,” lahad ni Sharon.


Sa huli, nagbigay ng mensahe si Sharon kay Ricky just in case na makarating sa aktor-direktor.


“Pare, we’re going to miss you. The industry is going to miss you and we will really feel your absence because we lost a brilliant actor in you. Isa s’ya sa pinakamasaya at pinakamasarap na katrabaho but, rest assured that we will be here for you. Mahal namin kayo, pamilya n’yo. So, enjoy there.


“Uh, ‘wag mo nang istorbohin si Tita Pilita at si Ate Guy. Baka naman pilitin mong maki-duet sa ‘yo, patahimikin mo na. Baka sabihin nila, ‘Hanggang dito ba naman?’ Pero, masaya.

“I’m sure doon, perfect na ang boses n’ya,” birong seryoso ni Sharon Cuneta.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | May. 7, 2025



Photo:Rez Cortes - IG


Dagsa ang mga artistang dumating sa second to the last night ng burol ng yumaong aktor-direktor na si Ricky Davao sa The Heritage Park.


Mula sa pamilya ni Ricky, nandoon ang kanyang misis na si Jackie Lou Blanco at mga anak nila na sina Arabela at Rikki Mae. At nandoon din ang kapatid ni Ricky na si Mai-Mai Davao na nakausap namin that night.


Panay ang iyak ni Jackie Lou sa wake. Pansin na pansin ‘yan ng younger brother ni Jackie Lou na si Ramon Christopher na nandoon din kasama ang mga anak nila ni Lotlot de Leon.


Mukhang mas emosyonal si Jackie sa pagpanaw ni Ricky kaysa sa kanyang ina na si Pilita Corrales. Hindi siguro talaga inasahan ng aktres na mawawala agad si Ricky. 

May tsika nga na kaya raw ‘di nila ipina-annul ang kanilang kasal ay umaasa si Jackie na babalikan pa rin siya ni Ricky.


Present din almost all ang mga kaibigan ni Ricky sa showbiz. Ini-reveal ni Irma Adlawan na niligawan pala siya noon ni Ricky nu’ng nasa teatro pa lang ang aktres. At si Ricky din ang tumulong sa kanya na makagawa ng pelikula.


Samantala, revealing din ang mga sinabi ng president and CEO ng Mowelfund ngayon na si Rez Cortez nu’ng ikuwento niya kung saan dinala niya si Ricky sa club na may mga babaeng paupahan.


Esplika ni Rez, “Hindi kasi, masyado nang seryoso. Para meron namang comedy kaya ko ikinuwento ‘yun. Hindi naman santo si Ricky, eh. May pagka-naughty din.”


Katabi ni Rez ang isa pa sa mga close friends ni Ricky na si Michael De Mesa nu’ng makausap namin ang Mowelfund executive.


“Discreet lang (si Ricky),” sabay tawa ni Michael. 


“Pero si Ricky is a very light-hearted person. S’ya lang ‘yung isa sa mga nakilala ko na hindi pikon. Kasi grabe rin ‘yung biruan namin sa kanya, eh. Walang negativity sa katawan. Kaya admirable ‘yung personality n’ya, ‘yung character n’ya.”


Pagsesegunda pa ni Rez, “Walang masamang tinapay. Wala kang marinig na siniraan na ibang tao.”


Since kausap namin si Rez, tinanong namin siya kung may gagawin ba ang Mowelfund para maiwasan ang sunud-sunod na pagyao ng mga taga-showbiz.


“Actually, hindi lang Mowelfund. Pati FDCP, Film Academy, magkakaroon ng religious event para ipagdasal ang mga namatay at sana maputol na 'yung pattern,” sagot ni Rez.

Wala pa raw saktong petsa kung kailan. Pagmimitingan pa lang kung kailan at kung paano ang gagawing sistema.


“Yes, nakakaalarma rin. Ilang tao na. Sunud-sunod, oh. Hindi lang malalaking artista, may maliit din. Si ano, si Romy Romulo. ‘Yung character actor, ‘yung doon sa Batang Quiapo. ‘Yung nakakulong, ‘yung parang pinaka-mayor nila roon, si Romy ‘yun. ‘Yung maraming tattoo,” kuwento ni Rez.


More than 50 years nang kakilala at kaibigan ni Rez si Ricky, gayundin si Michael.

“Ako, 50 years na kaming magkaibigan ni Ricky. Fourteen pa lang kami, magkakasama na kami. Hindi pa kami masyadong… ako pa lang ang mag-aartista noon. S’ya, nag-uumpisa pa lang. Tapos, sumayaw-sayaw din s’ya.


“Nagkakilala kami dahil sa parents namin (na mga artista), sina Tito Charlie (Davao). Tapos, mommy ko, madalas silang magkasama sa pelikula. So, naging barkada kami. Ako, si Mark (Gil), si Ricky at si Bing (Davao), kapatid ni Ricky. Kaming apat (ang magkakasama) nu’ng high school kami.


“So, medyo mahaba-haba rin ‘yung pinagsamahan namin ni Ricky. Ganu’n katagal kaya sobrang sakit. Masakit itong pagkawala ni Ricky. Isa sa mga masakit na pamamaalam,” lahad ni Michael.


Neighbor naman ni Rez si Ricky sa PhilAm.


“Bata pa si Ricky. Hindi pa s’ya artista. Ako wala pang asawa that time. Ini-introduce ko s’ya sa mga workshops, sa mga ganito hanggang sa solo na siya, ganu’n. At, talagang ano s’ya sa mga play kasi nga seryosong artista, eh,” sabi ni Rez.


Dagdag pa ni Rez, “Huli ko s’yang nakausap sa video call. So, pinatawa ko nang pinatawa. Sabi ko, ‘Davao! Ngayon wala na kaming pipigilan na humawak ng mic.’ Dahil hindi na s’ya makapagsalita. Senyas-senyas na lang.


Nasa hospital siya that time. Paglabas niya ng ICU, nito lang.”


Ayon pa kay Rez, sa bahay na niya nakausap si Ricky via video call.


“Iniuwi na s’ya. Pero inatake s’ya doon sa bahay. Pagdating sa hospital, ‘yun, diretso na. Hindi na nakalabas. Kasi, ‘yun nga, nagkausap pa kami, video call, lalabas na s’ya parang after two days,” pag-aalala ni Rez.


Kuwento naman ni Michael, “After Holy Week s’ya nakauwi, 'yun 'yung time na nag-usap tayo (Rez) ‘di ba? Tinawagan kita nu’ng malaman ko 'yun 'yung una, (tapos) nakausap ko ulit.

“Cancer talaga ang ikinamatay ni Ricky. Kumbaga, namaga ‘yung lymph node n’ya, eh. So, dinala s’ya sa ospital. Pagkadala sa ospital, tuluy-tuloy na ‘yun. Dire-diretso na s’ya.”


Maraming memories daw ang iniwan ni Ricky kina Rez at Michael, kaya ganoon na lang ang lungkot nila sa pagpanaw ng kanilang kaibigan.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | May. 6, 2025



Photo: Anne Curtis - FB.


Naghayag ng kanyang lungkot ang It’s Showtime (IS) host na si Anne Curtis sa magkakasunod na trahedyang naganap dahil sa mga vehicular accidents sa bansa.


Nag-post ng saloobin si Anne sa X (dating Twitter) kahapon.

Panimula niya, “Seeing so many vehicle accidents on the news with lives tragically taken. So many young lives being taken away so soon.”


Dasal ni Anne na magkaroon ng wake-up call sa mga ahensiya ng gobyerno na nagbibigay sa publiko ng pahintulot na magpaandar ng mga sasakyan sa kalsada.


“I truly pray and hope this is a wake up call for those in the DTO and LTO to find ways to ensure that drivers and vehicles on the roads meet the highest safety and licensing standards,” sey ni Anne.


Sa last part ng kanyang mensahe, sinabi rin ni Anne ang nararamdaman niyang lungkot para sa mga naiwang pamilya ng mga namatayan dahil sa mga trahedyang nangyari.


“My heart goes out to all those left to grieve for their parents, significant other, family member and their children,” pakikiramay ni Anne.


Pinasalamatan ng mga netizens si Anne sa kanyang post sa X.


Sabi ng isa, “Thank you for speaking up about this, @annecurtissmith. It's heartbreaking how frequent these accidents have become. Stronger enforcement of traffic laws and better driver education are truly needed. Prayers for all the families affected.


Sey ng mga netizens:


“Thank you for always using your platform correctly.”

“I remember that one episode of Showtime na naiyak suddenly si Ms. Anne because she can’t imagine Erwan driving a motorcycle because even if you’re a responsible driver, hindi mo alam kung responsible rin ‘yung iba.”


Merong netizen ang nag-post ng comment sa mensahe ni Anne sa X na kaanak ng isa na namang biktima ng vehicular accident.


Pahayag ng netizen, “Kami namatayan kaninang umaga dahil sa lasing na driver. Ang lolo ko pumunta para kumuha ng ayuda pero hindi na nakauwi nang buhay, naputulan ng paa at namatay.”


After Anne, waiting naman ang mga netizens sa “talak” ng co-IS host niya na si Vice Ganda.


Sey pa ng mga netizens, “Buti may nagsalita na influencer, waiting sa talak mo sa Showtime, Meme @vicegandako.”


Meron ding nag-comment asking Anne sa kanyang non-appearance sa Grand Resbak finals sa IS, “Pero kailan ka po babalik sa @itsShowtimeNa? ‘Di ka man lang nagparamdam sa Grand Resbak finals.”


Bising-busy, for sure, si Anne Curtis kaya ‘di siya nakasama sa Grand Resbak grand finals recently.



PORMAL na iniharap sa media and bloggers ang mga kalahok sa ika-apat na edisyon ng CATWALK PHILIPPINES sa poolside sa roofdeck ng Coro Hotel sa Poblacion, Makati last Saturday.


Mukhang professional models na ang datingan ng karamihan sa male and female candidates. May mga mukhang artistahin din na may malakas na karakter ang datingan.


As much as we’d like to interview the contestants ay ‘di puwede. Isa raw ito sa strict rules ng organizers in the name of fairness.


Ngayong taon, tiyak ang mas bago at prestihiyosong pagtatanghal ng CATWALK PHILIPPINES ang ihahatid ng FirstSun Productions na siyang magha-handle ng buong produksiyon with Micaela as its major presenter.


Ang FirstSun Productions ay isang full-service media production agency na nagbibigay ng mga makabagong solusyon para sa mga brand campaign, business growth, digital marketing, corporate branding at mga events.


Ngayong taon naganap ang pagsasanib-puwersa ng Designers Circle Philippines (DCP) at FirstSun Production, led by its artistic director, Rodel De Jesus Mercado, to bring the fourth edition to fruition.


Ang CATWALK PHILIPPINES ay itinayo ng Designers Circle Philippines (DCP).

Ang theme for this year’s competition ay “Redux: Vintage Reimagined” na inspired mula sa stylish decades of the 1920s, 1930s, and 1940s.


Irarampa ng mga contestants ang original designs from participating DCP members, taking cues from the glamour of the Gatsby era, the sleek lines of Art Deco, and the allure of Old Hollywood pin-ups.


Gaganapin ang Grand Catwalk sa Sabado, June 14, sa bagong Intramuros Convention Center.


From the initial pool of 15 male and 19 female candidates, the judges will select the Top 7 male and Top 7 female finalists for the ultimate runway showdown.

In the end, only one male and one female will be crowned the grand winners of Catwalk Philippines 2025. Each winner will receive a P50,000 thousand cash prize and valuable modeling contracts with both DCP and Ignis Novus Artist Management, the talent division of FirstSun Production.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page