top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | July 10, 2025



Photo: Alden Richards - IG


Napansin ng mga netizens na malaki ang itinaba ni Alden Richards sa pictures niya habang nagbabakasyon sa Europe na ipinost sa X (dating Twitter) account ng GMA Integrated News.


Ini-repost ng GMA Integrated News ang ipinost ni Alden sa socmed na pictures niya sa pamosong Stonehenge sa England.


Caption ng GMA IN: “ALDEN RECHARGE (smiling face with sweat & leaf emoji). Alden Richards gave fans a glimpse of his much-deserved breather as he visited the iconic Stonehenge in England. On Instagram, the Asia's Multimedia Star shared a peaceful photo from the site with the caption, ‘This is all I need…’”


Sa comment section ay may pumuna sa katawan ni Alden. 

Sey nila… “Ito talaga problem ng @gmanetwork, walang weight program. Ang laki ng itinaba.”


Dinepensahan naman si Alden ng kanyang mga supporters mula sa nang-bash sa Kapuso actor.


“Wala s’yang weight problem, body shamer ka lang talaga (face with rolling eyes emoji).”

“Paano malaki ang itinaba, eh, sa damit n’ya lang ‘yan, LOL (laugh out loud).”


“Krusty crab mentality indeed this basher (face with raised eyebrow emoji). Just enjoy your vacay, Paps. He is disciplined in his workout if you have noticed. He can easily shed it off.”

Sa true lang, ganoon naman talaga ang tendency kapag nagbakasyon lalo na sa ibang bansa. Siyempre, pahinga, less stress, at samahan pa ng masarap na pagkain — what do you expect?


Saka, kailangang samantalahin ni Alden ang bakasyon lalo pa’t sunud-sunod din ang mga proyekto niya at idagdag pa ang pag-amin niya kamakailan na may pinagdaanan siyang depresyon.


Last year was his lowest point, pag-amin ni Alden. To think na naging super mega

blockbuster ang movie nila ni Kathryn Bernardo na Hello, Love, Again noong 2024. Hanggang sa naging bulung-bulungan sa showbiz ang dahilan ng depresyon ni Alden.


And it was something to do sa mga pinasok niyang negosyo.

May source kami na nakapagsabing na-scam daw ng napakalaking pera si Alden. At may pinasok din daw na investment ang aktor sa negosyo ng isa pang Kapuso star na kasalukuyang hina-hunting ng iba pang gaya ni Alden na sumosyo sa business nito.

Kahapon ay may post si Alden na picture ng cellphone at may nakalagay na, “I GOT MY OWN BACK.”


Kung susuriin, tila sinasabi ni Alden na walang ibang tutulong sa kanya kundi ang sarili rin niya mismo.


Sa comment section, may isang netizen na mukhang malapit kay Alden at may pahaging sa nais ipakahulugan ng Kapuso actor.


Sey ng netizen, “Dude, stop being so kind. People take advantage of that. As you probably have found out by now. Anything in excess is not good. Start loving yourself more. And yeah... give yourself time to heal.


“You’ll get through this. God is with you. We’re here. You have our support.”

Sinilip namin ang may-ari ng account, tila isa siya sa mga kaibigan ni Alden Richards na nasa Amerika.



IBINAHAGI ni Robi Domingo ang kanyang mga pagninilay sa pakikipagtulungan sa team, kapwa hosts at housemates ng show pagkatapos mag-trending at magkaroon ng high-rating finale ang Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition noong weekend.


Sa isang taos-pusong post sa social media, ibinahagi ni Robi ang mga snapshots mula sa finale at idiniin ang matibay na samahan na nabuo niya sa ‘Pamilya ni Kuya’.


Aniya, “Pamilya. Puso. Pilipino (house emoji). Ang pagiging bahagi ng makasaysayang #PBBCelebrityCollabEdition na ito ay isang milestone na hindi ko malilimutan.”

Nagpahayag siya ng pasasalamat sa lahat ng kasama sa pagtatagumpay ng ika-20 season ng PBB.


“Mula sa mga kasambahay na nagbukas ng kanilang mga puso, sa mga makikinang na creative, masisipag na production at tech teams, sa bawat solong staff sa likod ng mga eksena... saludo ako sa inyo (raising hands emoji]),” patuloy niya. 


Binigyang-diin din ni Robi ang kakaibang collaboration ng ABS-CBN at GMA, na nagsasabing, “This Big Night was more than just a finale. It was a celebration of dreams, unity, and what's possible when we all come together. Maraming salamat, Kapamilya at Kapuso (praying hands emoji).”


Gumawa ng kasaysayan ang PBB Celebrity Collab Edition sa pagpapangalan sa kauna-unahang ‘Big Winner Duo’ na sina Brent Manalo ng Star Magic ng ABS-CBN at Mika Salamanca ng Sparkle ng GMA-7. Kilala bilang BreKa duo, nag-uwi sila ng P1 milyon.


Nakapagtala rin ang ‘The Big Night’ ng kahanga-hangang viewership na may mahigit 3.1 milyong pre-show views sa Facebook (FB), 133,000 peak concurrent viewers sa YouTube (YT), at higit sa 1.4 million peak concurrent views sa buong ABS-CBN at GMA platforms noong Hulyo 5.



 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | July 9, 2025



Photo: Vilma Santos-Recto - IG



Siksik, makabuluhan, aksiyon agad at nakakaantig ng puso ang mensaheng hatid ni Star for All Seasons Vilma Santos sa kanyang inaugural speech sa unang araw ng kanyang pagbabalik bilang gobernador ng lalawigan ng Batangas na ginanap sa Kapitolyo noong Lunes.


Sa kanyang speech, sinabi ni Governor Vi na ipagpapatuloy niya ang kanyang mga adbokasiya para sa mga Batangueños.


Agad ay may isinumite at napirmahan siyang apat na Executive Orders (EO) para sa matatag na Batangas.


Pahayag ni Gov. Vilma sa kanyang speech, “Tulungan ninyo po ako. Magtulungan at magkaisa po tayo sa mga layunin para sa Batangas, sa mga Batangueño, at sa lahat ng naniniwala at nagtitiwala. I cannot do this alone. I need your support, guidance, cooperation, strength, energy, love, respect and faith.”


After her inaugural speech, nagkaroon kami ng pagkakataon na muling makatsikahan si Gov. Vi along with other selected members of the entertainment media sa kanyang Governor's office which they called ‘mansion’. 


It’s been a long time since the last time na mainterbyu ulit si Governor Vi sa kanyang ‘mansion’ sa Batangas. Kaya medyo nakaka-senti ang feeling na nandoon ulit kami at iniinterbyu si Gov. Vi.


“So, how was it like to be back as the governor of Batangas giving your speech salubong?” tanong ng entertainment media kay Governor Vi.


“Unang-una, wala pa akong tulog. S’yempre, I was excited. I was thinking of the special day today. So, I wasn’t able to sleep well,” in full smiles na sabi ni Gov. Vi.


Kitang-kita sa mga mata ni Governor Vi ang excitement niya habang kausap namin siya.

“Siguro naman narinig n’yo naman ‘yung inaugural message ko kanina. Heto ang mga priorities na gagawin ko bilang governor. And, governor ulit ako, Ate Aster (Amoyo, veteran entertainment writer),” tila ‘di pa rin makapaniwalang sabi ni Governor Vi.


‘Di pa man siya opisyal na nakaupo as governor ng Batangas ay 4 na agad ang kanyang pinirmahan na EO.


“Oo naman. Apat agad. Considered urgent which means ‘yung executive order ko kanina, naipulong na ‘yun. So, well-prepared ‘yun. So, hindi drawing ‘yun. So, ‘yun ang mga priorities ko,” pagmamalaki niya.


Hanggang sa matanong si Governor Vi sa posibilidad na gumawa siya ng movie during her term.


“Sa tatlong taon na isisilbi ko sa Batangas, definitely I’ll focus my attention to deserving Batangueños. Pero hihiling ako ng isa sa mga Batangueños. Eh, kung minsan sa kanila nanggagaling. In three years baka I can do one movie kahit paano,” pagre-reveal niya.

At this point, nag-follow-up question kami regarding movies. Tinanong namin si Governor Vi kung may gagawin siyang proyekto with Cannes Best Director Brillante Mendoza and Coco Martin.


May naka-post kasi na piktyur nilang tatlo na magkasama sa Facebook (FB) page ni Direk Brillante.


“‘Yung picture na ‘yun was two years ago. Ini-repost lang ni Direk Brillante. Hindi ko nga alam, eh. Parang may so-so filming something (#filmmaking),” paliwanag niya.


Pagpapatuloy pa ni Governor Vi, “But that was two years ago. May in-offer sila sa akin ni Coco na isang indie film.


“Pero, unfortunately, medyo hindi nagkatuluyan. Uh, I don’t know kung, I forgot na kung dahil ba sa schedule?


Dahil ba sa concept? Or kasi, parang pareho rin sa concept ng Batang Quiapo or, to that effect. Kaya hindi natuloy. Pero nag-meeting na kami.”


It’s just a meeting daw na sana makagawa sila ng indie film ni Coco. Pero kung ibahin daw ang concept ng proyekto para sa kanila ni Coco at mag-align ang stars, baka umubra.


Nonetheless, she’s excited daw to do a movie with Coco. But definitely, ‘yung movie na nine-negotiate nila ngayon is not under Direk Brillante’s project.


Naaliw naman kami na for the first time, she publicly announced her age during her inaugural speech. And what’s amazing is 71 na pala si Governor Vi, she’ll turn 72 on November, and yet she still looks very beautiful and fresh.


“‘Yun na nga ang purpose noon, eh. Hahaha! Ang kapal, eh, ‘no? Hahaha!

“You know, kahit ano’ng gagawin natin, lahat tayo tatanda. I mean, whether we like it or not. Imagine this coming November, I’ll be 72, you get me?


“Pero you know, sometimes it depends on your outlook in life. Nasa loob din ‘yan, eh. It will show in your face, in your attitude. Kung papaano mo dalhin ang sarili mo, you know.


“And sa totoo lang, I’m taking care of myself too, you get me. So, ‘yun ‘yun. And since I’m a senior citizen already, siguro puwede ko rin dito kunin while I’ll be needing help and support.

“Kasi the last time, 2007 to 2016? Ilang taon ako noon?


“So, kahit huling isla ng Batangas, nararating ko. Kasi ganoon kaagresibo pa. But whether we like it or not, ‘pag nadadagdagan na ang numero mo, may mga ano na tayo na medyo ano na, may mga limitations na, ‘di ba?


“And for that, I think hindi ko na kakayanin lahat. At least, meron ako’ng isang tao na gagawin kong representative whom I trust,” lahad ni Governor Vi.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | July 8, 2025



Photo: Vilma Santos



Priority ni Star for All Seasons at Batangas Governor Vilma Santos ang kapakanan ng kanilang mga mangingisda sa pumutok na balita sa mga nawawalang sabungero na dinala sa Taal Lake sa kanilang lalawigan.


‘Yan ang mariing sinagot ni Governor Vilma nu’ng mainterbyu ng ilang taga-entertainment media sa kanyang opisina sa Kapitolyo ng Batangas kahapon.


Nilinaw ni Governor Vi na wala pang lumapit sa kanya tungkol sa isyu ng mga nawawalang sabungero na ayon sa isang whistleblower ay pinatay at saka itinapon sa Taal Lake.


Pahayag ni Gov. Vi, “It’s the hottest issue now. Pero wala pa rin namang resulta or confirmation of what’s going to happen. So, dedesisyunan pa ‘yan ng legal ba ‘yun?

“Uh, titingnan nila ‘yung legal. Ang akin lang siyempre, nadadamay ang Taal Lake namin. (Do) You get me?


“At kahit paano with this news, hindi naman natin alam kung confirmed or hindi, kesyo may mga katawan d’yan, naaapektuhan ang business ng mga mangingisda namin.


“And you know, that happened a long time ago. Three years ago. So, kahit paano, sana huwag naman. Kasi kahit paano, naapektuhan ang kabuhayan ng aming… ng mga Batangueñong mangingisda, oo.


“Saka hindi naman natin alam kung totoong nand’yan nga, you know. So, huwag naman sana. Huwag naman sana.”


Tinanong din si Governor Vi kung may nagpaalam na para imbestigahan ang kaso ng mga nawawalang sabungero sa kanyang lalawigan.


“Ah, hindi muna ako masyadong nakikialam d’yan. May ibang naghahawak ng aksiyong ‘yan. Wala pa namang kasiguraduhan,” sabi pa niya.


Pagpapatuloy pa ni Gov. Vi, “Ang concern ko lang, sana, ingat naman tayo na palabasin na hindi maganda ang status ng Taal Lake, dahil naapektuhan ang buhay ng ating mga mangingisda.


“And ang priorities ng ating Risk Reduction Management Council ay pangalagaan ang mga signal ng volcanic eruption.


“We should, uh… Ngayon kasi, may alert level 1. So sa ngayon, I think ito talaga ang dapat bigyan namin ng focus. This is our priority. Naka-alert level 1 tayo ngayon sa Taal, oo.”


Kahapon ang unang araw ng opisyal na panunungkulan ni Governor Vi sa Kapitolyo kung saan inihayag din niya ang kanyang inaugural address.


Present sa kanyang inaugural address ang kanyang panganay na anak at TV host na si Luis Manzano kasama ang misis na si Jessy Mendiola, mga kaibigan sa showbiz gaya ng mag-asawang Tirso Cruz III at Lyn Ynchausti, with their only daughter na si Djanin Cruz.


And of course, present din sa inaugural address ni Governor Vi ang mga mayors sa iba’t ibang bayan sa Batangas at mga bagong halal na public servants sa lalawigan.


Ngayon pa lang ay excited na ang mga taga-Batangas sa mga programa ni Governor Vi para sa kanyang mga kababayan. And true to the new slogan ng lalawigan, pramis ni Governor Vi na isang “matatag na Batangas” ang makikita sa muli niyang pagbabalik sa Kapitolyo.


Saludo para kay Governor Vi.



AYAW paawat ng tambalang Kim Chiu at Paulo Avelino. Abala sila sa bago nilang teleserye titled The Alibi sa isang lalawigan sa Visayas.


At siyempre, tuwang-tuwa ang mga fans kina Kim at Paulo sa naturang lalawigan dahil kahit paano ay may chance sila na makita ang sikat na tandem.


Sa sobrang excitement ng mga tagaroon, nagkukuha sila ng video habang nagsu-shoot sina Kim at Paulo.


Kaya pati ang surprise look supposed-to-be nina Kim at Paulo sa mga nag-aabang ng bago nilang teleserye ay na-preempt dahil sa kumalat na video ng shoot nila sa social media.


At habang nagsu-shoot ang KimPau tandem ng bago nilang teleserye, umaarangkada ang unang drama series na pinagtambalan nila, ang Linlang.

Nasa ikatlong puwesto sa Top 10 most-watched shows ng Netflix Philippines ang Linlang.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page