ni Julie Bonifacio @Winner | July 19, 2025
Photo: SB19 at Sarah G - IG
Inilabas na ni Sarah Geronimo ang latest project na aabangan ng kanyang mga fans sa kanyang social media accounts kahapon.
Isang mala-poster ng bagong proyekto ni Sarah na may pamagat na Umaaligid (Sa Dilim May Mga Tinig Na ‘Di Mapakali) ang nakalagay, at may petsang July 30 na malamang ang araw ng release nito.
Caption sa post ni Sarah, “Dilat na ba ang mga mata? Umaaligid 2025.07.30. Mukhang payapa ang loob, hanggang sa kuwento’y magsimulang kumulo.”
Sa comment section, makikita kung ano ang reaksiyon ng mga netizens.
“Eto na ‘yung ‘KING OF PPOP AND QUEEN OF POP IN ONE FRAME’ (red heart).”
“Sana eto na ‘yung collab with SB19, tapos ‘yung vibe nu’ng paligid ng bahay parang same doon sa TikTok nila ni Stell ng Dam (thinking face).”
“Very esbi (SB19) coded ang lyrics (red heart emoji).”
Isang lumang mansiyon ang makikita sa larawan na ipinost sa socmed (social media) ni Sarah. Dito nagbase ang mga fans ni Sarah at ng SB19 na collab nila ang inanunsiyong bagong aabangan sa Pop Princess.
Sey nila, “Ito yata ‘yung place na tinuturuan ng SB ng sayaw si SG? Sana new song nila ‘to.”
“Ito na ‘yung July 30 collab sa end sa PH Arena concert, ‘di ba? (crying face emoji).”
Maging ang voice coach ng SB19 at dating kontesero sa mga singing contests sa telebisyon na si Brenan Espartinez ay nag-post din sa X (dating Twitter) ng kaparehong picture ng post ni Sarah. At may caption si Brenan na ganito, “LFG (let’s fucking go) fire emojis).”
“Sa mga lyrics na matalinghaga, si Pablo naiisip ko na sumulat.”
May nakita rin kami na same post ng award-winning director na si Nijel de Mesa.
Caption ni Direk Nijel, “Ito na! Congratulations to the beautiful couple!”
Ayon kay Direk Nijel, kanta raw ni Sarah ang Umaaligid sa bagong recording label ng misis ni Matteo Guidicelli.
Ay, bakit kaya bagong label? Hindi ba’t under Viva Records si Sarah?
Abangan daw namin, sabi ni Direk Nijel.
NAMAALAM na ang aktor na si Albie Casiño sa kanyang role sa ABS-CBN’s hit action series FPJ’s Batang Quiapo (BQ) sa episode noong Huwebes.
Ginampanan ni Albie ang karakter na si Iñigo, anak ni Chanda Romero bilang si Olivia.
Namatay ang karakter niya dahil sumabog ang bomba during a campaign rally para sa team ni Tanggol (Coco Martin).
Sa naturang episode rin makikita ang emotional breakdown ni Chanda na running mate rin ni Coco sa BQ.
Naghayag ng pasasalamat kay Albie at pagpapaalam sa karakter niya sa BQ ang producer ng show, ang Dreamscape Entertainment, sa kanilang Instagram (IG) account.
Samantala, inaabangan din ng mga netizens kung ano ang mangyayari kay Tanggol (karakter ni Coco Martin) dahil kasama rin ito sa pagsabog. Sa huling episode ay nakitang inaakay siya papuntang ambulansiya at walang malay.
Mamamatay kaya si Coco? Mukhang imposible dahil siya ng bida. Hahahaha!










