top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | May 3, 2022


ree

Nilinaw ni Pokwang na walang isyu na namamagitan sa kanila ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas pagkatapos na pagkumparahin ng aktor na si DJ Durano ang kanilang style ng pagpapatawa.


“Hindi dapat,” diin ni Pokwang nu’ng mainterbyu namin sa grand launch niya as Klio plastic wares celebrity endorser.


“Ang tatanda na namin para mag-ganyan-ganyan. Hahaha! Jusko naman… masaya kaming nagtatrabaho. ‘Yung pulitika, ‘yung mga tao lang naman sa social media ang nagbibigay ng ano niyan, eh, ‘di ba?”


Twice na raw silang nagkita ni Ai Ai sa All-Out Sundays at ang pinag-usapan daw nila ay tungkol sa anak ni Pokwang na si Malia.


“Si Malia, kasi follower siya (Ai Ai) ni Malia, eh. Tuwang-tuwa siya. Wala kaming isyu ni Ms. Ai Ai.


“Sa mga tao lang naman. Pero kung makikita n’yo po kami doon sa hanapbuhay namin, masaya po kaming nagtatrabaho.


“Masaya po kaming kumikita. Hahaha! Masaya po kaming naghahanapbuhay,” pahayag ni Pokwang.


And speaking of Malia, hindi na itutuloy ni Pokwang na idemanda ang netizen na nang-bash at tumawag ng pangit sa kanyang youngest child.


“Nawala na siya, eh. Hindi na siya maano, uh. Kinausap ko ‘yung kaibigan ko from NBI, ‘yung account niya kasi, alam ninyo na, peke. So, hindi mo rin siya mate-trace. Parang dummy lang ang account niya. Troll, ganu'n.


“So, sabi na lang sa akin nu’ng ano, titingnan mo na lang kapag halimbawa… Kasi ganito ‘yan, ‘no? Kapag zero following, zero post, pero ang daming, ah, ano pala, zero followers, zero post pero ang dami niyang pina-follow, that’s a troll.


“Can you imagine, 2010 pa ang Instagram pero bakit zero following, zero ano ka pa rin?


“So, ibig sabihin, kagagawa mo lang ‘yan. 2010 pa ang Instagram, hello? Tapos, zero followers ka pa rin?”


Sa kabila ng mga intriga kay Pokie, happy naman siya sa bago niyang endorsement na Klio plastic wares.


Sobrang importante raw kay Pokie na nagtitiwala sa kanya ang isang kumpanya to endorse their product.


“Kasi siyempre, pinagkatiwalaan ka nila, ibig sabihin, ‘yung pagkatao mo bilang artista, bilang ano, doon ko nakikita, ‘Ay, wow,’ ‘di ba? Pinagkakatiwalaan ako ng mga produkto. So, malaking pasasalamat ko talaga,” lahad pa ni Pokie.


Gamit na gamit daw ni Pokie ang kanyang Klio products.


“Sa negosyo ko, gamit na gamit ko ‘yan, ‘no! Pati sa trabaho ko sa shooting, ‘yung iba, sa bahay,” sambit pa ni Pokie.


 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | May 2, 2022


ree

Nag-trending si Marian Rivera sa Twitter kasabay ng grand rally ng team nina VP Leni Robredo at Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa Cavite kahapon.


May kumalat kasi na campaign promo picture sa socmed para sa grand rally ng Angat Buhay Team nina VP Leni at Kiko sa Dasmariñas, Cavite kung saan larawan ng isang babae na walang mukha ang nakalagay, pero may suot sa ulo na gaya ng headdress na gamit ni Darna.


At heto ang nakalagay na caption: “Si Angel Locsin at si Sharon na parehong naging Darna ay sumama na. So hus diz? #CaviteIsPink


Ang dami namang nanghula na si Marian ang naka-silhouette na hugis-babae na may headdress na gaya ng simbolo ni Darna.


“Marian Rivera is from Cavite. Waaaaaaa.”


“Opkors, ang original na "sabay-sabay tayo", Marian Rivera.”


“Sa DLSU Dasma graduate si Marian… baka si Marian ‘yan, hopefully.”


“Marian Rivera and Dingdong endorsed VP Leni back in 2015. I’m sure sila ‘yan, nag-Darna rin si Marian sa GMA dati, galing nga n’ya ru’n, eh.”


Kung si Marian nga ang tinutukoy sa kumalat na campaign material ng mga Kakampink, siya ang kauna-unahang major star ng GMA-7 na umapir sa rally ng Angat Buhay Team nina VP Leni at Kiko.


Ang tanong, samahan kaya si Marian ng mister niyang si Dingdong sa rally? May tsika kasi na hindi pinapayagan ng GMA-7 ang kanilang mga exclusive artists na sumama sa anumang political party.


Si Marian naman kasi ay may ibang nagma-manage sa kanyang career kaya siguro puwede siyang umapak sa stage ng political rallies.


Bukod kay Marian, meron ding nanghula na ang tinutukoy na Darna sa photo ay walang iba kundi ang pinakabagong Darna ng ABS-CBN, walang iba kundi si Jane de Leon.


Anyway, not two but three big stars nang gumanap bilang Darna sa screen ang sumuporta na kay VP Leni for president.


Nauna na si Megastar Sharon Cuneta, then si Angel Locsin at ang pinaka-latest ay walang iba kundi si Vilma Santos.


Ang bongga nga sana kung magsasama-sama on one stage ng Kakampink rally sina Ate Vi, Megastar, Angel and Marian, ganu’n din sina Kathryn Bernardo, Nadine Lustre, Kim Chiu at Anne Curtis.


 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | May 1, 2022


ree

Personal naming nakunan ng reaksiyon ang komedyanang si Pokwang tungkol sa pagtalak niya sa isang GMA-7 director at sa aktor na si DJ Durano na nag-viral sa social media this week.


Nag-umpisa ang isyu kay Pokwang at sa mga nabanggit nu’ng mag-tweet ang komedyana ng na-screengrab na news item ukol sa pagkakabili ng bilyonaryong negosyante na si Elon Musk ng Twitter sa halagang $44 billion. Nangako raw si Musk na pupuksain ang pagpapakalat ng mga unwanted promotional content sa Twitter.


Caption ni Pokwang sa kanyang tweet, “Katapusan n’yo na, mga trolls!! Next naman sana, TikTok at FB na nag-aalaga at nagpapalaki ng mga trolls na ‘yan!”


Ini-repost naman ng GMA-7 director na si Rado Peru sa socmed niya ang naturang Twitter post ni Pokie.


At sa tweet ng direktor ay nag-post ng ganitong comment si DJ, “Feeling sikat s’ya, 'di naman. Sa ABS-CBN lang napansin ‘yan, feeling niya, Ai Ai siya, ang layo, maryosep!”


Hindi ito pinalampas ni Pokie at sinita si DJ.


Post ni Pokwang, “At ikaw, DJ Durano!! Woohoo Dios mio!! Feeling sikat ako??? Nagpi-feeling Ai Ai ako??? Hahahahaha! Unang-una, oo, sikat ako kumpara sa 'yo, tah ka, plastik ka!!! Ikaw laging sabit lang sa movie ng namayapa kong mahal na direktor kasi nga nagagalit ka kapag hindi ka kasama sa mga proyekto n’ya! Kapal ng mukha mo! Kung sino man mga friend n’ya dito, pakipaabot sa kanya ito, plastik siya!!”


Sa launching ni Pokwang bilang celebrity endorser ng Klio plastic wares, food storage, dispensers at marami pang iba, tinanong namin ang komedyana sa isyu nila ni DJ.


“'Di ba, sinasabi ng marami, ang showbiz, puno ng kaplastikan. 'Yung kay DJ, medyo na-hurt lang ako kasi ‘di ba, ‘yun na nga ang sinasabi ko, dapat respect lang talaga.


“Kasi, unang-una, wala naman akong binanggit na pangalan… kung mababasa ninyo ('yung post). Ano, uh, opinyon ko ‘yun, eh. ‘Yun ang saloobin ko… wala naman akong inano. So, ‘yung reaksiyon lang siguro.


“And na-hurt ako doon sa isa, alam ninyo na kung sino. Kasi nakatrabaho ko siya. Nagulat ako na ganu'n ang naging ano niya.


“Although, nag-sorry naman na siya. Nag-sorry naman siya. Sincere naman ang paghingi ng sorry,” tuluy-tuloy na pahayag ni Pokie.


Nag-direct message raw si Pokie kay DJ.


“Sabi ko, masakit ‘yung ano niya… kasi nakatrabaho ko siya, ‘di ba? Eh, mahal namin pareho ‘yung tao, nasa itaas na siya,” sabay tingala ni Pokwang.


Ang tinutukoy niya ay ang yumaong direktor na si Wenn Deramas.


“'Yun ang dahilan kung bakit kami nagkakilala at nagkatrabaho kaya masakit. Of all people na makita ko na ganu'n ang reaksiyon niya. Pero in fairness naman to him, nag-apologize naman siya,” lahad ni Pokwang.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page