top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | May 6, 2022


ree

Marami ang nagulat kamakailan nang dalawin nina presidentiable VP Leni Robredo at vice-presidentiable Kiko Pangilinan sina Lipa, Batangas Congresswoman Vilma Santos-Recto at Sen. Ralph Recto.


Alam naman kasi ng lahat na Team Kakampink sina VP Leni at Sen. Kiko, samantalang una nang nagpahayag ang mag-asawang Ate Vi at Sen. Ralph na si Manila Mayor Isko Moreno ang kanilang manok sa pagka-pangulo.


Kaya ang tanong ng lahat ngayon, nag-switch na ba ng iboboto sina Ate Vi at Sen. Ralph?

Join na rin kaya sina Ate Vi at Sen. Ralph sa Team Kakampink kung saan isa sa mga diehard supporters ang ex ng Star for All Seasons at ama ni Luis Manzano na si Edu Manzano?


Na-excite tuloy kami na makitang parehong nasa rally sina Edu at Rep. Vilma, nasa stage man or sa backstage.


Malay natin, baka i-surprise ni Rep. Vilma ang mga Kakampink sa meeting de avance nila sa Makati City on May 7.


Grabe ang suportang ibinibigay ni Edu sa simula pa lang ng campaign ni VP Leni at ng kanyang ka-team na si Sen. Kiko, pati na rin ang kanilang senatorial line-up.


Naniniwala kasi si Edu na taglay ni Vice-President Leni ang malinaw at konkretong plataporma para palakasin pa ang Philippine National Police (PNP) kapag nanalong pangulo sa halalan sa Mayo 9.


Ito ang tiniyak ni Edu sa isang video message kung saan iginiit niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng matapang na lider na magpapatibay sa sistema ng hustisya sa bansa at mangunguna sa laban ng gobyerno kontra kriminalidad at iligal na droga.


“Kaya kailangan natin ng matapang na presidente, 'yung malakas ang loob, 'yung kayang patibayin ang sistema ng hustisya at mas kayang palakasin pa ang mga pulis natin,” ani Edu.


Aniya, ipagpapatuloy ni VP Leni ang giyera kontra iligal na droga ngunit sa makatao at wastong pamamaraan.


“'Yung itutuloy ang laban sa illegal drugs, pero sa tama at makataong paraan. Walang inosenteng madadamay. ‘Yan ang mga siguradong plano ni VP Leni, para sa mas malakas na Philippine National Police,” dugtong pa niya.


Ipinunto ni Edu na suportado ng mga dati at retiradong opisyal ng PNP ang kandidatura ni Robredo dahil naniniwala sila na karapat-dapat siyang maging susunod na pangulo ng bansa.


“Kaya naman maraming dating opisyal ng PNP ang suportado si VP Leni, mga magigiting na pulis na naniniwalang si VP Leni ang karapat-dapat na lider ng bansa natin,” giit pa ni Edu.


 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | May 5, 2022


ree

Suportado ni Pokwang ang Magandang Buhay host na si Melai Cantiveros sa laban nito para sa anak na nilait ng bashers at tinawag na 'pangit'.


Relate much si Pokwang sa pinagdaraanan ni Melai dahil naranasan din niya ang ma-bash ang kanyang anak na si Malia.


Ayon kay Pokwang, bilang magulang, nararapat lang na proteksiyunan at depensahan ang kanilang anak.


“Tayo, bilang magulang, lahat ng bato, batuhin ninyo na, huwag lang ang mga batang walang kamalay-malay, ‘di ba?


“Look what happened to Melai. Sobrang nahe-hurt ako doon, ha? Pati ‘yung mga anak ni Melai (bina-bash). Sana, ituloy ni Melai. I think, itinutuloy ‘yung demanda.


“Tuloy ‘yung demanda kasi hindi troll, eh. Hindi siya dummy account. Kailangan talaga nating bigyan ng leksiyon.”


True!


 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | May 4 2022


ree

Usap-usapan ang statement ni Andrea Brillantes sa kanyang suot na pink dress sa debut concert ng all-female group na Calista sa Araneta Coliseum last April 26.


Isa si Andrea sa mga sikat na guests ng Calista sa kanilang concert titled Vax To Normal.


After mag-perform ni Andrea with Calista at magte-thank you na sa mga nanonood sa concert, ipinaalaala niya na huwag kalimutang bumoto on May 9 especially ang gaya niya na first-time voter.


Pagkatapos ay nagpahiwatig na siya kung sino ang iboboto niyang presidente this election dahil sa suot niya na pink mini-skirt.


Very vocal at napaka-active ni Andrea sa pag-support niya kay [presidential aspirant VP Leni Robredo at ka-tandem nitong si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan for vice-president sa kanyang socmed accounts.


Maging sa TikTok account ni Andrea ay inanunsiyo na niya kung sino ang napili niyang presidente.


Gamit ang kanyang popular na TikTok account, hinimok ng young actress ang kanyang kapwa first-time voters na piliin si VP Leni bilang pangulo sa darating na eleksiyon sa May 9.


“First time voter? Yes. Pero hindi naman natin first time maging Pilipino. Kaya sa mga katulad ko na first-time voter, gusto ko lang sabihin sa inyo, hindi ka nag-iisa,” sabi ni Andrea, ang most followed Filipino celebrity sa TikTok na mayroong 17.6 million followers.


“Tayo ang bubuo ng mas mahusay, mas matibay, at mas mabuting bayan. Kaya naman boboto ako. At ang unang boto ko, ay para kay Leni Robredo. Kaya naman samahan n'yo akong samahan siyang ipanalo ang lahat ng Pilipino,” dagdag ni Andrea.


Noong una, inamin ni Andrea na nahirapan siyang pumili ng presidente dahil sa kanyang trust issues at sa takot na ma-bash kung magpahayag siya ng suporta para sa partikular na kandidato.


“Ginusto ko bang manahimik dati? Oo naman, mas madali 'yun, eh. Saka sabi naman ng mga tao, bata lang daw ako, wala raw akong alam kundi mag-TikTok lang. Naniwala naman ako nang very slight,” sabi ni Andrea.


“Kasi bukod sa magulo ang pulitika, baka nga tama naman sila — na mas alam ng mga mas nakakatanda ang ikabubuti ng ating bayan. Papunta pa lang tayo, pabalik na sila, eh. Ilang beses mo nang narinig 'yun?”


Pero nagbago ang isip at puso ni Andrea nang nagdesisyon si VP Leni na tumakbo bilang president. Kung takot noon si Andrea, nagkaroon na siya ng lakas ng loob para ipahayag kung sino ang gusto niyang susunod na mamumuno ng bansa.


“'Yung ingay na gusto akong patahimikin, napalitan ng malakas na boses para sa bayan.’Yung pulitika na napakalayo para sa 'kin, biglang naging personal. Hindi ako marunong mangampanya, pero ginagawa ko kasi gusto kong ipanalo natin ‘to,” buong loob na ipinahayag ni Andrea.


Noong ika-23 ng Abril, lumabas si Andrea sa rally para kay VP Leni, araw ng birthday ng presidentiable na ginanap sa Pasay City kung saan higit sa 400,000 na supporters ang dumalo.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page