top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | May 10, 2022



Akmang-akma kay Tony Labrusca ang title ng kauna-unahan niyang pelikula sa Vivamax, ang Breathe Again.


Nakakahinga na kasi ulit si Tony pagkatapos mapagtagumpayan ang kasong Acts of Lasciviousness na isinampa sa kanya sa korte, last year.


“Breathe again, uh, I think that word is just so timely with what’s happening to the world right now na when pandemic started, parang ‘yung buong mundo, lahat tayo, may problema, ‘di ba?


"I might have a different problem, pero parang lahat tayo, nagkaroon ng crisis kahit papa'no sa buhay natin. Na ngayon, napi-feel natin na nakakahinga na tayo ulit. And with what happened last year sa akin, it’s really nice nga na you don’t have to think about that anymore," pahayag ni Tony.


Favorite raw gawin ni Tony if he wants to “breath again” ay mag-travel at magpunta sa beach.


“Talagang masarap magpunta sa beach. Kaso, hindi kasi natin ‘yun nagagawa nang parang every week, or recently, nagpunta ako ng LA, tapos na-realize ko, parang mas napagod pa ako. Pumunta ako kasi gusto ko sanang mag-relax. Pero ‘yung biyahe, minsan, kasama mo ang friends mo, parang na-stress ako at napagod pa ako. Kaya ang ginagawa ko, ‘yung World Trip, as in, natutuwa lang ako kapag naglalaro nu’n,” sabay ngiti ni Tony.


Tiyak na pag-uusapan ang love scenes ni Tony with Ariella sa Breath Again dahil mala-Glorious din daw ang dating nito sa screen.


Ang Glorious ay title ng nakaraang pelikula ni Tony kung saan nag-trending ang controversial scenes niya with Angel Aquino.


“Iba naman ito sa Glorious. Bow ako kay Ara (nickname ni Ariella) sa scenes na ginawa namin. Sobra akong happy na leading lady siya rito. Excited ako sa mga future projects niya and magaling si Ara in what she’s doing, masaya siyang katrabaho. At kahit intimate scenes ‘yung ginawa namin, natatawa rin kami after, eh. Masaya sa set. ‘Yung nag-e-enjoy pa rin kayo kahit nagtatrabaho kayo,” paliwanag ni Tony.


Since first movie niya ang Breathe Again sa Vivamax, inaasahan ng audience ng streaming platform ng Viva na itotodo ni Tony ang pagpapaseksi sa first film niya with Ariella. Baka raw kasi biglang mag-decide si Tony na tumigil na sa pagpapaseksi sa pelikula.


“Muntik na akong mag-plaster dito. Ay, sorry,” nadulas na sabi ni Tony sa amin when we asked him sa presscon ng Breathe Again.


Natawa si Tony at tinanong ang katabi niya sa presidential table at direktor din ng Breathe Again na si Raffy Francisco kung bawal bang sabihin na muntik na siyang nag-plaster sa love scenes nila ni Ariella.


“Well, sinasabi ko ‘yun pero feeling ko, kapag in-offer-an ako, gagawin ko pa rin, eh, sa totoo lang,” sabay tawa ni Tony.


Ang Breathe Again ang unang full-length movie ni Raffy Francisco na kilala bilang direktor ng mga TV commercials. Siya mismo ay mahilig sa dagat at ito ay makikita sa kanyang mga kuhang litrato.


Ipapalabas ang Breathe Again sa Vivamax sa June 3, 2022.


Mag-subscribe sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery.


Ang mga cable partners ng VivaMax ay SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc..


 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | May 9, 2022



Nagpa-house tour si Piolo Pascual sa kanyang rest house sa Mabini, Batangas sa vlog na napanood sa YouTube channel ng kanyang former personal assistant-turned comedienne na si Moi Bien.


Sa tuktok ng nasabing community sa Mabini nakatayo ang bonggang rest house ni Papa P.


Sa labas pa lang ng gate ng tinawag na “rest home” ni Papa P. ay tila kaibigan na niya lahat ang kanyang mga kapitbahay. No wonder, feeling safe na safe si Papa P sa kanyang “rest home”.


Pagpasok ng gate ay bubungad ang malawak na parking area kung saan napansin ni Moi ang mga motorsiklo ni Papa P, kotse at white van.


May mahabang swimming pool sa labas ng bahay ni Papa P. And then, ipinakita ni Piolo ang loob ng bahay kasama na ang bedroom, theater room at kung saan naka-display ang mga awards niya.


After watching ang vlog ni Moi, na-realize namin kung bakit “rest home” ang tawag ni Papa P sa kanyang property sa probinsiya. Parang dito na talaga nakatira si Piolo and plans to retire ‘pag ayaw na niyang mag-artista.


Pinuri ng mga netizens si Papa P, kasi unlike other celebs, gusto nilang sa kanilang vlog muna sa YouTube ilabas ang kanilang pa-house tour kesa sa iba.


“Ang bait talaga ni Papa P... ang ganda ng samahan n’yong mag-amo. Daig pa ang magkapatid... Love you, Moi, suwerte mo talaga.”


Amazed din ang mga netizens sa ganda ng bahay ni Papa P.


“Ang ganda ng house mo Papa P, superb! Very relaxing! Perfect ang view at ang daming plants.”


Bukod sa malaking white house na may maraming rooms, may isa pang bahay na naka-separate pero interconnected sa main house ni Papa P. Itinayo raw niya ang isa pang bahay for his privacy.


Habang itinu-tour ni Papa P. si Moi sa kanyang “private house”, biglang lumabas ang direktor na si Joyce Bernal.


Not sure kung “inampon” na ni Papa P. si Direk Joyce sa kanyang bahay. Kabisadung-kabisado na kasi ni Direk Joyce ang lahat ng anggulo sa bahay ni Papa P.


Nabasa namin ang mga comments ng mga netizens sa vlog ni Moi regarding Direk Joyce. Some of them ay humanga sa friendship nila and at the same time, may nagduda sa kanilang relasyon.


“Ang ganda naman ng house ni Papa P. Solid talaga ang friendship nila ni Binibining Joyce Bernal.”


“Papa P and Direk Joyce seem down-to-earth.”


“Mag-jowa ba sila?”


Hala! Alam ba ‘yan ni Shaina Magdayao?


 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | May 7, 2022



Bukas (Sunday) pa ang celebration ng Mother’s Day pero ang ilang celebrities ay nagsimula nang magbigay ng tribute sa mga ina.


Una na d’yan ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes. Isang madamdaming mensahe para sa mga ina ang inihayag ni Dingdong sa video na kumalat sa socmed few days bago ang botohan sa Lunes, May 9.


“Sa inyo po ang aking buong pagpupugay... ang aking paghanga, ang aking serbisyo, ang aking boto. Tulad ninyong lahat, mahal ko ang nanay ko. Pero hindi ko lubos matukoy kung bakit, hanggang masaksihan ko mismo sa asawa ko,” simula ni Dingdong sa video na ipinost niya sa Facebook kahapon.


Binanggit ni Dingdong ang mga katangian ng isang mabuting ina, na pinoprotektahan ang mga anak sa panganib at inuuna ang kanilang kapakanan kesa sa kanyang sarili.


Ani Dingdong, “Kaytapang talaga ng mga nanay. Handang makipaglaban, iharang sa peligro ang sariling katawan, makipagsapalaran, ipagpaliban ang sariling kapakanan. Walang aatrasan. Walang hamong sinusukuan. Ibang klaseng magmahal. Radikal!”


Tinawag din niya ang mga ina bilang “miracle workers” dahil sa kanilang abilidad na pagkasyahin ang maliit na budget.


Lahat ng sakit, naiinda. Pagkaing isusubo na lang, ibibigay pa sa mga anak niya. Prayoridad niyang umangat ang buhay ng mga mahal niya,” sabi pa niya.


Habang itinuturing ang mga ina bilang “ilaw ng tahanan”, sinabi ni Dingdong na karapat-dapat din silang tawaging “haligi ng tahanan” dahil sa dami ng kanilang ginagawa para sa pamilya.


“Inspirasyon namin siya para patuloy na maging mabuti at gumawa ng mabuti. Kaya buong-buo kong itataya sa pangangalaga niya ang mga pangarap ko para sa aking mga anak, para sa aming pamilya. Sana, lahat tayo, ipagdiwang pang lalo ang mga ina. Dahil alam nating lahat na totoong dakila sila,” sabi pa niya.


Reading between the lines, knows na natin kung sino ang ibobotong presidentiable ni Dingdong sa botohan.


Bukod-tanging si Vice-President Leni Robredo lang naman ang kandidato sa pagka-presidente na isang ina, ‘di ba?


And remember, sinuportahan ni Dingdong ang kandidatura ni Leni Robredo bilang bise-presidente noong 2016.


Actually, maraming celeb ang naghayag na rin ng kanilang suporta kay VP Leni na ‘di naman nakita sa anumang rally gaya ni Dingdong.


May iba’t ibang pamamaraan ang celebrities sa kanilang political endorsements lalo na’t 'yung iba ay may limitasyon dahil na rin sa conflict of interest sa kanilang pinagtatrabahuhan.


‘Yung iba naman, merong malinaw, merong subtle, merong nagpo-post sa socmed, merong nag-a-attend ng rally, may nagpe-perform sa rally, may nagha-house-to-house, may nag-flashmob pa at merong lumalabas sa video gaya ni Dingdong.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page