top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | December 11, 2022

ree

Binasag ng magkasintahang sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte ang kanilang pananahimik sa nangyaring nakawan sa sasakyan nila habang nakaparada sa harap ng kanilang coffee shop sa Molino Road, Bgy. Molino 3 sa Bacoor City, Cavite noong Nobyembre 30, Miyerkules.


Nanakawan na nga, iniintriga pa sina Loisa at Ronnie na may nakuha diumanong sex video nila sa cellphone na ninakaw sa kanila.


“Wala po,” nagulat na sagot ng dalawa.


“Nakakatawa ang mga Pinoy talaga. Pinoy nga talaga tayo,” sabay tawa ni Ronnie.


Segunda ni Loisa, “Wala. Dapat walang ganu'n.”


Idinetalye nila sa amin ang pangyayaring nakawan sa harap ng coffee shop nila sa Bacoor City.


Simula ni Ronnie, “Bale galing kami sa isang ganap, tapos dumaan kami sa cafe namin, tutal naman 'yun na 'yung way namin, malapit lang, eh.


“Parang dumating kami (nang) 8 PM, pasara na 'yung cafe. Tapos balak namin, mag-picture lang ng mga products, mga food, para may mai-post kami sa social media. And umalis na kami kaagad, siguro mga 9 PM.


“Saktung-sakto, papasara na 'yung café. Pagbaba namin, basag na 'yung sasakyan. And ang nakakatakot pa ru'n is tumambay ako sa terrace sa may labas. May terrace ru'n, eh.”


Nakatitigan pa raw ni Ronnie ‘yung bumasag ng sasakyan nila.


“Nakita ko 'yung mukha. Hindi ko nakitang binasag, eh, kaya nu'ng nagka-police nu'ng lumapit sa amin, hindi ko ma-explain sa kanila kung 'yun ba talaga 'yung bumasag. Na-confirm lang nu'ng ni-review na sa CCTV.


“And hanggang ngayon, iniimbestigahan pa rin nila. Hindi pa nahuhuli. Pero sana, mahuli kasi ayaw namin na may mabiktima pa siyang iba,” lahad ni Ronnie.


Tatlong cellphones nila ang nakuha kung saan sa isa ay nakalagay ang kanilang bank account at ang naipon nila na umabot sa isang bilyong piso!


“Meron pa kaming crypto sa phone na nawala na may malaking halaga rin kaya medyo nakakalungkot din. Ngayon, wala na 'yung na-save namin. More or less, siguro P1 B. 'Pag crypto, mahirap kasi once na nawala, wala na talaga. So, hindi na maibabalik,” malungkot na pahayag ni Ronnie.


Hindi na raw mabubuksan ang crypto account nila at kahit ‘yung mga kumuha ng cellphone nila ay malabong mapakinabangan din ang P1 B savings ng dalawa.


Esplika ni Loisa, “Hindi na siya nabubuksan kasi nasa cellphone talaga siya, eh. 'Pag nawala na, kasama na 'yung value. Feeling ko, hindi na nila makukuha kasi may password. Ini-report na namin sa bangko pero 'pag crypto kasi, baka wala na kasi.”


Hanggang alas-tres daw yata nang madaling-araw ay nasa police station sila.


Say pa ni Ronnie, “Hindi pa nahuli pero nag-e-expect pa rin kami. Hoping kami na mahuli 'yung nagbasag nu'ng sasakyan para wala nang mabiktima."


Inamin ni Loisa na na-trauma talaga sila sa nakawang naranasan nila ni Ronnie.


“Ang iniisip na lang namin ni Loisa is nabasag 'yung kotse, tatlong cellphone, napapalitan naman 'yan. Ang importante, kami, safe, walang nasaksak, walang nabaril, walang nasaktan,” diin ni Ronnie.


Feeling ni Loisa, naibenta na ‘yung mga cellphones nila.


Saad ni Loisa, “Naibenta na 'yun feeling ko, kasi na-locate 'yung cellphone namin sa Find My Phone, nandu'n na sa Festival Mall. Tapos ang malala pa, naka-encounter pa ng dalawang kasama namin 'yung dalawang magnanakaw.”


Dagdag ni Ronnie, “Hawak nila ‘yung cellphone ko, tapos tumutunog na sa Find My iPhone, tapos nandu'n na sa tindahan nu'ng mall. Nandu'n 'yung dalawang lalaki, nakatayo. Hindi nila naano kasi natakot pa rin. Wala silang kasamang pulis. Dumating 'yung pulis after three hours.”


Ayon kay Loisa, “Wala silang kasamang pulis din. May pulis du'n pero hindi raw sila pinapansin kasi hindi raw nila kaso. Parang may mga ganyan.”


Part na raw kasi ng Alabang ang area na ‘yun kaya ayaw nang asikasuhin ng mga pulis.


“Wala na, naibenta na 'yun. May nakabili na (laughs). Pero okay lang, safe na. Huwag na lang maulit,” dasal ni Loisa.


Hindi naman napigilan ni Ronnie ang maglabas ng disappointment sa aksiyon na ginawa ng pulis sa nakawang nangyari sa kanila sa Bacoor City.


“Kung tutuusin, nakakalungkot lang din, kasi celebrity na kami, kumilos naman sila, pa'no pa kaya kung mga normal na tao?


“So, medyo nakakalungkot lang kaya hoping pa rin kami na mahuli agad para wala nang ibang mabiktima. Kasi kinabukasan na nangyari sa basag-kotse namin is may binasagan ulit sila. Same sasakyan, same tao (nambasag),” himutok ni Ronnie.


Dahil sa nangyari, naglagay na raw ng CCTV sa building na kinaroroonan ng kanilang coffee shop at mahigpit na security.


“Tapos, kinausap na rin nila kami na 'pag pupunta kami ru'n, may barangay na nandu'n para safe,” pakli pa ni Ronnie.


Nakausap namin sina Loisa at Ronnie sa contract signing nila sa skin expert na si Cathy Valencia na ginanap sa Cathy Valencia Aesthetic Skin Clinic sa Icon Tower sa BGC, Taguig City last Sunday.


Sina Loisa at Ronnie ang pinakabagong celebrity endorsers ng Cathy Valencia Aesthetic Skin Clinic.


 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | May 20, 2022


ree

Nangabog na naman ang It’s Showtime host na si Anne Curtis sa "pa-dyosabel" post niya on her socmed accounts kahapon.


Ang taray ng underwater shot ni Anne na naka-one-piece dark blue swimsuit. Nakatalikod si Anne pero halos nakaluwa naman ang dalawang pisngi ng kanyang butt.


Puwedeng-puwede pa talagang makipagsabayan si Anne sa mga bagong henerasyon ng sexy stars sa Vivamax, ‘noh?!


Caption ni Anne sa kanyang post, “Morning dip. Next time, I’ll make it all the way down to the plane in one breath. 'Di na kinaya ng Dyosabel powers ko, haha!”


Kung gaano ka-happy most of Anne’s followers, may netizen namang naiiba ang pagtingin sa pag-post ng It’s Showtime host ng kanyang underwater photo.


Comment ng netizen, “The point is, need pa bang piktyuran?”


Ipinagtanggol si Anne ng kanyang mga fans/followers sa comment ng netizen.


“Why not?”


“Trending 'yang expression na 'yan. Look in FB why.”


“Why not if ganyan ka sexy ang butt."


“Ang butt? Ganu'n po talaga Sir, 'pag celebrity all walks of their life, naka-public. Ek-ek nila 'yun para mapansin. Kaya po nagsisipag sila mag-exercise for their body to show up. Kahit po mga batang paslit nowadays, nagti-Tiktok na din po at mga parents ang content director.”


“If you don’t want to see it, swipe or skip, lol.”


Anyway, looking forward na ang marami sa pagbabalik ni Anne sa It’s Showtime na napapanood from Monday to Saturday, 12 NN sa A2Z channel 11 at digital platforms ng ABS-CBN.


Gusto nang mapanood ng mga Kapamilya ang kulitan ni Anne with Vice Ganda, Vhong Navarro, Karylle, Amy Perez, Jugs and Teddy.

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | May 14, 2022


ree

Haping-hapi definitely ang mga artistang sumuporta kay President-elect Bongbong Marcos. Kabilang na r'yan ang mga komedyanteng sina Ai Ai delas Alas, Bayani Agbayani at siyempre, ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga.


Sa panayam ni MJ Marfori kay Alex, naikuwento ng TV host na hindi pala sila nag-uusap ng elder sister niyang si Toni tungkol sa pulitika.


Mostly, tungkol daw sa pamangkin niyang si Seve, unico hijo ni Toni, at mister na si Paul Soriano ang pinag-uusapan nila ng kanyang kapatid.


Gaya raw nu’ng tawagan ni Alex si Toni nu’ng gabi ng eleksiyon, kasama raw ng kanyang ate si Seve habang natutulog.


“Kapag nag-uusap kami, lagi lang kay Seve. Oo, life goes on. The night ng election, tinawagan ko siya, pinapatulog niya si Seve. Ano lang, uhm, kung ano siya nu’ng before the election, umpisa nu'ng simula pa, wala namang nabago (kay Toni),” lahad ni Alex.


May nagsasabi na napakalakas daw ng influence nina Alex at Toni, kaya 'wag magtaka kung alukin ng posisyon sa gobyerno ang magkapatid.


“Grabe naman. SSS lang. Charing. Hahaha!”


Comment ng netizen sa interview kay Alex, “Eh, di siyempre, napakaraming kuwarta!!!!”


Reply ng isa pang netizen, “Eh, ano pa nga ba, HAHAHAHA!”


Si Bayani naman ay natawa raw when asked kung ano ang magiging posisyon niya sa susunod na administrasyon.


Feeling namin, ‘di naman interesado si Bayani sa anumang government position. Eh, di sana, nu’ng administrasyon pa lang ni President Duterte, umeksena na si Bayani sa gobyerno, pero ‘di niya ginawa.


Kuntento na marahil si Bayani sa pagho-host at pag-aartista. Knows din kasi ni Bayani ang kanyang limitasyon.


Isa si Bayani sa mga naging super-masipag sa mga rally ng UniTeam nina BBM at Sara Duterte. Kasama niyang nag-host sa mga rally ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas na lumipad agad patungong US para sa kanyang concert sa Florida.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page