top of page
Search

Julie Bonifacio - @Winner | April 15, 2021



ree

Inamin ng aktor na si JM de Guzman na five years siyang walang girlfriend during his interview with the King of Talk na si Boy Abunda sa YouTube channel ng Kapamilya host.


Meaning, 'di niya talaga naging official girlfriend si Barbie Imperial nu'ng time na may teleserye sila sa ABS-CBN.


Puwedeng 'di sila naging opisyal na magkarelasyon that time para kay JM, pero kay Barbie, parang 'di ganu'n. Kaya nga naging isyu kay JM noon ang pagdi-deny kay Barbie as his girlfriend.


Posible rin na true ang sinasabi ni JM na 'di niya naging girlfriend si Barbie officially. Kasi, baka hanggang MU (mutual understanding) level lang din talaga ang inabot ng kanilang relasyon.


Going back to JM's interview ni Kuya Boy, choice raw niya na maging single for five years.


"Gusto ko munang pahalagahan itong ibinigay sa akin at maging okey na tao, maging better than yesterday. And in my mind na ang pangarap kong at least, mga pangarap kong pamilya or whatever," lahad ni JM.


Ayon kay JM, apat ang naging girlfriends niya sa showbiz at sa dalawa rito siya nasaktan nang todo.


"Heartbreak? Doon ako bumagsak, twice, 'yun talagang depression and nadapa ako."


Sobra raw kasi siyang magmahal. Pero, wala raw siyang sinisisi.


Bukod d'yan, ini-reveal din ni JM na natakot na rin daw kasi siyang magmahal.


"Pero hindi ko ma-deny 'yung feeling na gusto ko na rin. Gusto ko nang mag-commit. Gusto ko ng relasyon. Pero parang ipinapasa-Diyos ko na lang."


'Yun din daw ang itinuro sa kanila habang tine-therapy. Hindi naman lingid sa marami na dalawang beses ding ipinasok sa rehab facility si JM noon.


Nagbalik-tanaw din si Kuya Boy sa naging karanasan ni JM habang nagte-therapy kung nagkaroon ba siya ng resistance doing the process.


In-admit ni JM na tinutulan niya ito. Isang taon daw ang inabot bago niya natanggap ang kanyang sitwasyon sa loob ng facility.


There were times daw na inuuntog pa niya ang ulo habang nasa loob ng rehab. Gumigising daw siya na iniisip na hindi na siya puwedeng lumabas. Controlled environment ang tawag ni JM sa rehab kaya wala raw siyang puwedeng gawin kundi ang sumunod.


"Never lose faith, number one. And pangalawa, protect yourself at all. Love yourself," sagot ni JM sa tanong ni Kuya Boy kung ano ang kinakapitan niya habang nasa loob ng rehab.

Malaking bagay din na hindi rin daw pinabayaan ng pamilya niya si JM.


"At hindi kita iniwan," sabi ni Kuya Boy kay JM.


Malapit na kaibigan kasi ni Kuya Boy ang pamilya ni JM. Wala pa sa showbiz si JM at nasa teatro pa lang ay bilib na sa kanya si Kuya Boy.


Last question ni Kuya Boy kay JM, "In five years na single ka, have you always been celibate?"


Natawa muna si JM bago sumagot, "No, hahaha! Never, hehe!" with matching wagayway ng isang daliri.


Dagdag pa niya, "Magdamag. Hahaha!"


So, alam na!

 
 

Julie Bonifacio - @Winner | April 14, 2021



ree

Pinusuan ng Magandang Buhay host na si Momshie Jolina Magdangal ang inilabas na saloobin ni Rachelle Ann Go pagkatapos isilang ang firstborn niyang si Lukas sa London.


Tila dumadaan sa tinatawag na post-partum syndrome si Rachelle (o baka sadyang nanganganay lang dahil first time niyang naranasan ang magsilang ng sanggol?) based sa mahabang caption na inilagay niya sa kanyang Instagram post kahapon.


Ipinost ni Rachelle ang black and white photo ng foreigner hubby niya na si Martin Spies habang nakatalikod na naglalakad karga si Lukas at iba pa nilang gamit ni Rachelle noong lumabas ng ospital two weeks ago.


"Love this photo so much," bungad ng caption ni Rachelle.


"We got discharged after spending 3 nights there. They had to monitor Lukas and give him antibiotics... Martin can only visit us during the day because of COVID restrictions.


"I didn’t sleep at all! I didn’t know how to carry Lukas out of his cot. I contemplated for probably half an hour, tried to maneuver him out, I failed. I called Martin & my mom to ask how, lol, then eventually asked for the midwife’s help. I changed his nappies and clothes while sweating profusely because I was too nervous. I stared at the window blankly (in short tulaley haha!) because of zero sleep."


Isinisi niya ang kanyang pag-iyak sa kanyang "hormones."


"I cried because of my hormones (I guess—ang daming emotions), especially when Lukas was choking! I started breastfeeding him (no idea what I was doing) but because his glucose level that time was really low, they had to give him a formula milk. He choked while I was feeding him and turned blue."


Nataranta raw siya at nagsimulang umiyak.


"Whew! I was like 'Lord, how?! I need help!!!' Then I realized that nurses and midwives are there to guide us, for some reason I didn’t ask for any help. I guess I was too shy to ask.


"The next day I washed my face, put some lip balm on, brushed my hair and maybe a bit of brows too and told myself, there has to be a purpose why we are still here!


"2nd day, I felt great and it kept getting better until we got discharged!


"I had a tough time but I learned so much in the span of 3 days. I’m so grateful I went through it and figured things out myself. It just shows that even if it’s our first time, we have those motherly instincts that kick in. We are made to do this. So do not doubt nor fear. Now I feel like everything else is easy (huwow!) Grabe ang grace ni Lord," paglalahad pa ni Rachelle.


At sa huli, nanawagan si Rachelle sa iba pang first-time moms na gaya niya, "To all the first time mamas, if you need help, be honest with yourself! Do not be scared or embarrassed to ask for it!"


True!

 
 

Julie Bonifacio - @Winner | April 13, 2021



ree

Sinampulan ni Angelica Panganiban ng pagiging palaban ang isang netizen. Tinawag kasi siyang laos.


Say ng netizen, "Hey, laos. Shut up na! 'Di mo na mababangon ang career mo kahit mag- iingay ka pa d'yan. If you want, tumulong ka. Puro ka reklamo!"


Ini-repost ni Angelica ang comment ng netizen sa kanyang Twitter account at sinita ito sa inilagay niyang caption.


"Hello Sarah. Style mo baguhin mo. Paulit-ulit kayo. Baka next question dito, ano ambag ko? Baka 'di ka bayaran sa performance mo. Bakit 'di mo tweet gobyerno na tumulong para matuwa bansa sa 'yo. Ikaw na lang yata naniniwala sa nagbabayad sa 'yo," caption ni Angelica sa kanyang tweet.


Nagmula ang comment ng netizen na laos na si Angelica sa isa sa mga tweets niya ukol sa pagkabahala niya sa mataas na rate ng COVID patients at ang presyo ng pagpapa-swab test.


"Hinang-hina ka na, maglalabas ka pa sa bulsa mo ng pera, para ma-swab. At malalaman mo, pasitib ka sa COVID Mami. Pa'no na paospital? Gamot? Mental care?! 'Yung vaccine ba, aasahan pa namin sa inyo? 'Di naman 'di ba? KKB! Nakakaiyak. Ito ang emotional. #freemasstesting," tweet ni Angelica.


Heto pa ang isang tweet ng aktres, "15k?! To think ang mga nagpapa-check lang ay mga may symptoms at may kaya magpa-swab test.. eh, pa'no ang wala? Hay, nakakaloka! Nakakaloka, potah!"


Dinepensahan naman si Angelica ng kanyang followers sa social media.


"Jusko, may pangalan na ang isang Angelica Panganiban sa industriya. Ayan be happy, may bayad ka niyan kasi napansin ka."


"Madam, kami na bahala dito sa garapata na 'to! Dudurugin namin bunganga nito!"

"Kaloka talaga mga bayarang DDS."


"Kalurks naman yarrrn! Mame, parang 'di naman laos si @angelica_114 at hindi man niya ipakita, for sure, dami niyang natulungan."



 
 
RECOMMENDED
bottom of page