top of page
Search

Julie Bonifacio - @Winner | May 24, 2021



ree

Nilayasan si Vice Ganda ng kanyang boyfriend na dating escort ng It’s Showtime na si Ion Perez.


Pero bago mag-react ang iba r’yan, may consent ni Vice ang pag-alis ni Ion sa super bonggacious na valour ng Unkabogable Star.


Mismong si Vice ang nagsabi sa It’s Showtime na nasa Tarlac si Ion pagkatapos siyang tanungin ng kapwa niya host sa Kapamilya noontime show na si Kim Chiu habang iniinterbyu nila ang contestant na taga-Pampanga sa Tawag ng Tanghalan portion last Saturday.


Tanong ni Kim kay Vice, "‘Di ba kanina, tinanong ka namin, 'Nasa’n si Ion?'”


Mabilis na sagot ni Vice, "(Sa) Tarlac."


Nag-follow-up question naman si Kim kay Vice kung bakit umuwi sa Tarlac si Ion.


“Kasi nga ano, na-miss niya raw ang nanay niya. Bigla siyang nag-emote kagabi. Kasi parang kalahating taon na siyang ‘di umuuwi. Tapos, sabi niya kagabi, 'Nami-miss ko si Nanay. Uuwi ako bukas.’


“Sabi ko, ‘Bakit nami-miss mo nanay mo?' 'Eh, kasi, ang tagal ko nang ‘di nakikita si Nanay, nami-miss ko na'. Tinanggal ko ‘yung wig ko, 'O, ayan, nakita mo na ang nanay mo.’


“Tapos, sabi niya, 'Baliw. Hindi! ‘Di ko nanay ‘yan.’ 'Ano ‘yan?' ‘Tatay ko ‘yan,'” tuluy-tuloy na kuwento ni Vice sa It’s Showtime.


Pagkatapos ay pinayagan na rin ni Vice na umuwi si Ion sa Tarlac.


Samantala, ang It’s Showtime ay napapanood mula Lunes hanggang Sabado nang tanghali sa A2Z Channel 11 at digitalized Channel 20, Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel, iWantTFC at sa iba pang digital platforms ng ABS-CBN.


 
 

Julie Bonifacio - @Winner | May 22, 2021



ree

Ibinulgar na ni Megastar Sharon Cuneta ang tunay na dahilan ng paglipad niya sa Amerika kamakailan.

Pumunta ng Tate si Sharon para sana gumawa ng comedy film na ididirek ng sikat na Hollywood director na si Steven Spielberg.


Sa radio program ng beteranang manunulat at host na si Cristy Fermin ay ini-reveal niya ang pag-uusap nila ni Megastar.


Sad to say, hindi nakasama si Sharon sa pelikula ng sikat na ET director.


Makakasama pa naman sana ni Mega ang kilalang Filipino-American stand-up comic na si Joseph Glenn Herbert, popularly known as Jo Koy. Si Jo Koy ay ex-husband ng artist na si Angie King.


Late na raw kasing nakarating sa Amerika si Mega kaya hindi na siya nakasama sa proyekto.


Sa Canada dapat imi-meet ni Mega si Spielberg kung saan nandoon din ang buong production team.


So, from Los Angeles, California, lilipad sana ulit siya papuntang Canada.


Binanggit din ni Sharon kay Tita Cristy na ang dahilan kaya late siyang dumating ng US ay dahil ‘di raw agad ini-release ang isa pang document niya sa Pilipinas.


Inisip na lang daw ni Sharon na hindi talaga para sa kanya ang naturang project. At maaaring may iba pang opportunity na darating para sa kanya in the future.


Knows din daw ng buong pamilya ni Sharon ang project sanang gagawin niya sa US sa produksiyon ni Spielberg. Pero siyempre, quiet lang daw sila.


Dahil d'yan, siguro naman ay titigil na ang mga netizens sa pag-i-speculate ng kung anik-anik sa pagpunta ni Mega sa Amerika.


 
 

Julie Bonifacio - @Winner | May 05, 2021



ree

Sunud-sunod ang hugot ng The Unkabogable at It’s Showtime host na si Vice Ganda sa kanyang mga posts sa Twitter nitong mga nakalipas na araw.


Last week may have been a "not very", but "super busy" week for Vice. May bagong show kasi ulit siya sa ABS-CBN, ang Everybody, Sing.


Tweet ni Vice three days ago, “Pack up! It was a very challenging week/cycle. I struggled physically and psychologically. Thank God I made it. It feels good to say. “I MADE IT!”


Most of his Twitter followers ay nag-comment na magpahinga si Vice.


Eh, kasi nga, may It’s Showtime sa tanghali, so Monday to Friday sa A2Z Channel 11 and digitalized Channel 20 si Vice, at ratsada na rin sa bagong show.


Pagkatapos ay sinundan pa ni Vice ng isa pang hugot na mensahe ang kanyang tweet sa itaas.


“'Di pare-pareho ang mga araw. Minsan magaan, minsan mabigat. May mga araw na isusumpa mo. May pagkakataon na iisipin mong sumuko. Pero 'wag kang bibigay. Pilitin mong malampasan. Ang sarap sa pakiramdam 'pag nakaraos ka. At sasabihin mo sa sarili mo 'Buti na lang 'di ako sumuko!'


"Lalaban ka na naman bukas. Payakap nga d'yan na mahigpit pampalakas ng loob! Keri mo 'yan! 'Kaw pa ba?! Dami mo nang pinagdaanan 'no! Vaklang twoooah!!!”


Pinalakas naman ang loob ni Vice ng mga followers niya sa kanilang mensahe para sa komedyante.


“Masaya ang araw ko 'pag nanonood ako ng (It’s) Showtime lalo na 'pag 'andu'n ka kasi 'yung mga sinasabi mo tungkol sa reyalidad ng buhay, tumbok na tumbok mo. Maraming tao 'yung may pinagdaraanan ngayon, maraming problema pero nandiyan ka, lahat kayo sa It’s Showtime para magpasaya.”


Naman.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page