top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | February 23, 2023


ree


Ipinakita ni Jessy Mendiola ang buong suporta niya para sa kanyang mister na si Luis Manzano sa mensaheng ipinost niya sa Instagram para sa kanilang second wedding anniversary last February 21.


Pahayag ni Jessy sa kanyang IG post, “I will protect you and I promise that if you grow weak, I will be there to fight your battles for you. (Seven) years together,(two) years married and still counting.


“Isabella and I are so blessed to have you in our lives. I prayed for you every day, my love. God heard my prayer and gave me a good man.”


Siyempre, alam na marahil ng marami ang tinutukoy ni Jessy na “battle” na kinakaharap ngayon ni Luis. Ito ay ang reklamong inihain laban kay Luis ng mga investors ng dati niyang kinabibilangang kumpanya, ang Flex Fuel.


Sa isang radio program ay naging paksa ng mga komentarista — kung saan ang ilan sa kanila ay mga abogado — ang kinakaharap na issue ni Luis.


Tinanong ng host ng radio show ang eksperto sa batas na si Atty. Mark Tolentino kung ano ang chance ni Luis para makalusot sa kasong kakaharapin niya, kung sakali.


“Actually, as a lawyer, may karapatan naman siyang kumuha ng tinatawag na assumption of innocence. Sabi ko nga, walang obligasyon si Mr. Manzano to prove that he is innocent Luis because he is always innocent.”


“‘Yung mga complainant, sila ang may obligasyon. I-prove nila na niloko sila. I-prove nila na that act is a corporate act. Kung hindi nila ma-prove ‘yan, lusot si Mr. Manzano.”


Kahit pa nga raw may video si Luis na nanghihikayat na mag-invest sa dati niyang oil company.


“Oo, puwede ‘yan (discussion sa pag-amin ni Luis sa infomercial na siya ang chairman ng company),” diin ni Atty. Tolentino.


“Possible ‘yan. Pero ang tanong d’yan, as a chairman, ano ang role mo as a chairman according to the articles of incorporation of the Flex Fuel Corporation?”


“So, kailangan nating malaman lang based on the… sa mga complainants, kung sino ba ang nanghikayat sa kanila. Kasi baka nahikayat lang sila based lang sila sa TV, sa YouTube ni Mr. Manzano.”


“Sino ba ang tumanggap ng kuwarta? Saan ba idineposit ang kuwarta?”


“So, ‘yun ang kailangang i-explain nila kasi hindi naman puwedeng lahat, ituro nila kay Mr. Manzano. Kailangang i-prove nila, sino ang naghikayat sa kanila?


“Nu’ng nagpirmahan sila nu’ng investment of contract, sino’ng kaharap nila nu’ng nagpirmahan ng contract na ‘yan?”


“And ‘yung pangatlo, ‘yung P999 thousand na ‘yan, sino’ng binigyan nila? Sino ang tumanggap?”


“'Yun ang kailangan nilang i-explain.”


D’yan mapapatunayan kung sino talaga ang kriminal. Latagan ng ebidensiya.


“Unfair kasi kung palagi nating itinuturo ‘yang si Mr. Manzano kasi sikat. Hindi ganu'n,” esplika pa niya.


So, there.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | February 17, 2023


ree

Pinalagan ni Senador Robinhood Padilla ang konteksto ng paglalarawan sa mga Pinoy sa foreign film na may titulong Plane. Kaya, hiniling niya sa Senado na ipatigil ang pagpapalabas sa pelikulang ito na pinagbibidahan ng sikat na Hollywood action star na si Gerard Butler.


Ang kuwento ay tungkol sa isang international plane called Trailblazer na nag-force landing sa bandang Davao nu’ng aksidenteng tamaan ng kidlat ang eroplano.


"Alam n'yo po, napakasakit," saad ni Sen. Robin.


“Dito sa pelikula, sinasabi na ang atin pong awtoridad ay naduwag na sa mga rebelde. Hindi na po sila umaaksiyon.


"At sinabi pa rito, ‘They went down somewhere down in the Jolo cluster. It’s run by separatists and militias. The Filipino armies weren’t there anymore.’"


Suhestiyon ni Sen. Robin sa Senado, hindi raw dapat tanggapin ang ganitong uri ng pelikula sa ating bansa.


"Sana po, nakikiusap ho tayo sa ating MTRCB na sana po, sa mga ganitong ganap, kumakatok po tayo sa opisina nila. Hindi po ito dapat ipinapalabas sa Pilipinas. Dito po dapat sa ating bansa, ipinagbabawal ito at kino-condemn po natin ito.”


Agad namang sumagot ang MTRCB sa panawagan ni Robin at naglabas sila ng official statement, "We acknowledge the sentiments expressed by our honorable Senators concerning the film, Plane.


Although the film is fictional, we still would not want our country to be portrayed in a negative and inaccurate light. The MTRCB will re-evaluate the film in view of their concerns and will take all necessary measures if found to be in any way injurious to the prestige of the Philippines or its people."


Iba naman ang naging pananaw ng mga bashers ni Sen. Robin.


“Robin Padilla 'pag may bumagsak na eroplano sa parteng 'yan ng Pilipinas. 80% puwede naman talagang mangyari 'yan! 'Wag na magmalinis. MIM n'yo nga, pilit n'yong inilabas sa buong mundo.”


“Nakakatawa naman 'to. Movie lang 'yun, sa Tagalog, eh, kathang-isip, istorya lang. Mas matindi pa nga 'yung totoong nangyayari. Konting utak naman sana.”


“Eh, sa mga pelikula mo, ok lang? 'Di kasi siguro pang-international. Instead mag-focus sa mga issues na mas nakakaapekto sa sambayanan, 'yan pa talaga inatupag. Dami namang time mag-movie marathon. The No. 1 senator everyone."


“Hay naku, sa napakadaming problema ng bansa, 'yung Plane talaga binigyan niya ng oras."


“Pelikula lang 'yan, kathang-isip. Ang daming mas mahalagang dapat seryosohin, Sir. Ang daming dapat asikasuhin. Sayang naman ibinabayad naming buwis.”


‘Yun na!


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | January 30, 2023


ree

Isinampol ni Jesus is Lord Church Worldwide founder at Deputy Speaker of the House of Representatives in the 18th Congress Bro. Eddie Villanueva sina Unkabogable Vice Ganda at King of Talk Boy Abunda na members ng LGBTQIA+ na hindi naging hadlang ang kanilang sexual preference para magtagumpay sa buhay.


‘Yan ang binanggit ni Bro. Eddie during his preaching sa Sunday service ng JIL Church Worldwide sa Bunlo, Bocaue, Bulacan.


Napunta ang paksa sa LGBTQIA+ dahil sa nakatakdang privilege speech ni Bro. Eddie sa Kongreso ngayong araw in connection sa pagdiriwang ng bansa para sa National Bible Day na ginaganap every last Monday sa buwan ng Enero.


Idi-discuss ni Bro. Eddie ang mga dahilan sa pagtutol niya na maipasa ang SOGIE bill sa Kongreso.


Isa sa mga nakapaloob kasi sa SOGIE bill ay ang magkaroon ng pantay na karapatan at mawala ang diskriminasyon sa mga LGBTQIA+ members.


Feeling ni Bro. Eddie, ibang-iba na ang pagtingin ng publiko sa LGBTQIA+ members lalo in this day and age. Mataas na rin ang pagtingin ng mga tao sa kanila at malaya naman nilang nagagawa ang kanilang gusto.


At inihalimbawa nga niya sina Vice Ganda at Kuya Boy na mga inirerespeto sa kani-kanilang larangan dahil they were given an equal chance gaya ng iba. Hindi naging isyu ang kanilang pagiging gay to achieve their success.

Sa true lang.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page