top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | April 30, 2023



ree

Masayang-masaya si Kim Chiu sa kanyang pagbabalik sa It’s Showtime noong Biyernes.


More than a week ding hindi napanood si Kim ng madlang pipol sa Kapamilya noontime show dahil sa pagkakaospital ng kanyang ate na si Lakambini Chiu.


Sa ospital na rin inabot si Kim ng kanyang birthday, kaya ‘di nakapag-celebrate ang aktres sa It’s Showtime last April 19. Although, sinorpresa si Kim ng kanyang mga kaibigan sa coffee shop sa labas ng ospital.


Isinalaysay ni Kim sa kanyang Instagram post ang labis na kasiyahan sa kanyang pagbabalik sa It’s Showtime na napapanood mula Lunes hanggang Sabado sa A2Z Channel 11, TV5, iWantTV at sa iba pang digital platforms ng ABS-CBN.


Ipinost ni Kim ang ilang pictures niya with her co-It’s Showtime host, pati na rin ang special guest nila that day na si Kim Hyun Joong ng Boys Over Flowers.


Caption ni Kim, “'Umulan man o umaraw. Kahit ang dulo ay 'di matanaw.' This line hits different now. #Faith


“Today I am back with my Showtime fam, after more than a week of being scared and wary.


As the saying goes 'There is no limit to what our limitless God will do in response to our limitless faith.'


“Thank you God for another day to witness your miracles and blessings. God is great, God is powerful. Thank you Lord for healing my ate @kamchiu. Thank you.”


Pinusuan naman ng mga kasamang hosts ni Kim sa It’s Showtime ang kanyang IG post.


“God is really good,” comment ni Vhong.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | April 1, 2023


ree

Todo-balandra na ang actress-businesswoman na si KC Concepcion ng kanyang Filipino-Swiss boyfriend na si Steve Michael Wuetrich sa kanyang mga non-showbiz friends.


Obvious na super proud si KC sa kanyang businessman BF kaya may pag-introduce na siyang eksena sa kanyang mga kaibigan dito sa 'Pinas.


Siyempre, nauna nang ipinakilala ni KC sa kanyang mga magulang na sina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ang BF na si Michael or simply "Mike."


Sa isang vlog ng kaibigan ni KC, tinanong ang BF niya kung ano ang name nito, and her boyfriend simply said, "Mike."


Sa naturang video rin, kapansin-pansin ang "paglaki" ng katawan ni KC. Malusog na malusog nga kung pagmamasdan ang katawan ngayon ng aktres.


Kaya naman, 'di masisisi ang mga Marites na mag-wan-plus-wan sa kondisyon ni KC.


Eh, ano pa nga ba? They are in unison sa pagsasabi na parang buntis daw ang panganay ni Mega.


Nakadagdag pa sa pagdududa ng mga netizens ang madalas na pagtatakip ni KC sa kanyang tiyan using her handbag.


Duda ng mga netizens, baka worried si KC na may makitang "umbok" sa tummy nito.


Baby bump, ganoon?


If ever true, baka naman nagbabalak na ring magpakasal si KC dito sa 'Pinas.


Napansin din kasi ng mga netizens sa vlog ng friend ni KC na nandoon ang very prominent "ninong" sa mga kasalang-celebrities — si former Ilocos Governor Chavit Singson.


Beke nemen kunin din nina KC at Mike si Chavit as one of the principal sponsors sa kanilang kasal.


If buntis si KC now, for sure, Gabby is the happiest father.


Imagine, pagkatapos i-reveal ng kanyang second "eldest" daughter kay Grace Ibuna na si Garie Concepcion, heto’t mukhang sumabay din ang kanyang "pinaka"-eldest daughter.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | March 4, 2023


ree

Kalat na sa social media ang balitang pagkawala ng kilalang TV executive na si Tony Tuvierra sa longest noontime show sa telebisyon, ang Eat…Bulaga!.


Makalipas ang dalawang araw ay naging usap-usapan ang pag-alis ni Tuviera or Mr. T among showbiz people, sa tsikahan among entertainment writers (including yours truly) sa one-month birthday celebration ng model and producer na si Marc Cubales sa office/home nila ng misis niyang si Joyce Peñas Pilarsky sa Baesa, Quezon City.


Si Mr. T ang executive producer ng Eat… Bulaga! for 44 years being financed ng prominent family in Zamboanga del Norte, ang mga Jalosjos. Ito ay sa pangunguna ni Romeo Jalosjos.


“Kay Jalosjos naman talaga ang EB!, nakulong lang kaya nag-take over ang business partner niya which is the Tuviera. Majority owner ang Jalosjos. Ngayon, nalulugi na ang EB! dahil sa maling pamamalakad.”


Si Romeo ay kapatid ni Zamboanga del Norte Representative Cesar Jalosjos. May anak si Romeo sa Diamond Star na si Maricel Soriano, si Sebastien nicknamed as “Tien.”


Bukod kay Tien, may dalawa pang anak si Romeo sa misis niyang dating singer na si Lourna Pal.


Nagkaroon sila ng dalawang anak, ang dati ring singer na si Lana Jalosjos at si Dapitan Mayor Bullet Jalosjos.


Gaya ni Tien, half-sibling din nila si dating Zamboanga del Norte Representative Romeo “JonJon” Jalosjos, Jr..


May mga tsika na sa pagkawala ni Mr. T as EP ng Eat… Bulaga!, posible raw na mag-takeover at maging active on television ang pamilya Jalosjos.


Habang ang pag-alis ni Mr. T sa noontime show ay nangangahulugan din daw ng pag-exit ng main hosts ng show na sina Tito, Vic and Joey. Super close kasi si Mr. T sa tatlong komedyante.


If ever daw, pinaplano nina Tuviera at TVJ na mag-launch ng bagong noontime show titled Dabarkads featuring Wally Bayola, Jose Manalo, Allan K and Maine Mendoza.


Ayon pa sa balita, si Romy Jalosjos ang gustong tanggalin si Tony Tuviera at sina Tito, Vic and Joey sa Eat… Bulaga!.


May mga tsika rin na inalok ang iba pang hosts ng show but with a lower talent fee. At ang ibang hosts, tila ‘di naman worried kung magpaalam na rin sila sa show.


“Mukhang may exodus na magaganap. Eh, 'yung EB! artists, esp. OGs, are fiercely loyal to TVJ and Mr. T. Pretty likely JOWAPAO will go where TVJ would go. Naka-ilang lipat-bahay naman na rin sila and rebrand ng Eat… Bulaga!.”


Ayon sa aming source, isa si Maine Mendoza sa mga hosts ng Eat… Bulaga! na okey lang daw na mawala na sa show.


Katwiran daw ni Maine, mag-aasawa na rin naman siya at magkakaroon na ng sariling pamilya.


Kaya mas may time siya na mag-concentrate sa bubuoin nilang pamilya ng kanyang fiancè na si Cong. Arjo Atayde.


Dagdag pa ng aming source, plano na raw nina Cong. Arjo at Maine na magpakasal this year.

Why not?


 
 
RECOMMENDED
bottom of page