top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 19, 2021


ree

Naaksidente ang bunsong anak ni Comedy Concert Queen Ai Ai delas Alas na si Shaun Nicolo sa US. Nahulog ang minamanehong sasakyan ni Nicki, pet name ni Ai Ai sa anak, sa bangin pagkatapos mabiktima ng hit-and-run.


Taong 2012 pa nakatira sa US si Nicki kung saan nandoon din ang kanyang ama at dating singer na si Miguel Vera. Kasama ring naninirahan sa US ni Nicki ang kanyang ate na si Sofia na bumalik na rin sa 'Pinas kapiling ang kanilang ina at panganay na kapatid na si Sancho.


Si Sancho naman ay nagsimula na sa locked-in taping sa panibagong season ng hit action serye ng ABS-CBN na pinagbibidahan and directed by Coco Martin, ang FPJ's Ang Probinsyano.


Sa pagkakaalam namin, member ng US military men si Nicki. Not sure if sa Marine Corps or sa Army siya belong.


Mismong si Ai Ai ang nagbahagi ng nangyaring aksidente sa kanyang bunsong anak sa Instagram account ng komedyana. Ipinost ni Ai Ai ang mga larawan ng nayuping kotse ni Nicki.


"Na-hit-and-run kotse niya at nahulog sa bangin pero sa milagro ng DIYOS, walang galos anak ko. Pero ipina-X-ray pa rin siya para malaman namin kung wala siyang internal damage sa katawan niya. Pero grabe, LORD, salamat po sa pagliligtas sa anak ko... Walang hanggang pasasalamat," caption ni Ai Ai.


Sinundan pa ng isang post sa IG ni Ai Ai ang naganap na pangyayari sa buhay ng kanyang anak. Dito ay ipinost ni Ai Ai ang usapan nilang mag-ina pagkatapos ng aksidente.


Sa conversation ng mag-ina ay malalaman na to the rescue rin si Miguel kay Nicki. At sinabi ni Nicki sa ina na doon muna siya mag-i-stay sa bahay ng kanyang Papa Miguel.


Ipinaalam din ni Nicki kay Ai Ai na nagpa-X-ray na siya. Wala naman daw na-damage sa loob ng katawan ni Nicki at bruises lang sa kanyang hips. At pagkatapos, nagbiro pa si Nicki kay Ai Ai na yelo lang daw ang katapat ng mga pasa sa kanyang katawan.


Labis naman ang pasasalamat ni Ai Ai sa Maykapal sa pagkakaligtas ng buhay ng kanyang anak sa aksidente.


"Walang galos, pasa lang sa hips... kotse nahulog sa bangin... I PRAISE AND GLORIFY YOU LORD GOD... Salamat sa kabutihan mo at sa milagrong ito sa buhay namin... Salamat sa pangalawang buhay ng anak kong si Shaun... I love you, GOD... I love you, LORD JESUS... I love you, Shaun Nicolo," lahad pa ni Ai Ai.


Marami naman ang nagpaabot ng concern at panalangin for recovery ni Nicki sa comment section ng IG post ni Ai Ai from her celebrity followers at iba pang netizens.

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 18, 2021


ree

Kahina-hinala ang pananahimik ni Kris Aquino pagkatapos mailantad ang kanyang bagong love life.


Isang linggo na ang lumipas nu’ng mabukelya ang bagong lalaki sa buhay ni Kris na si former DILG Secretary Mel Senen Sarmiento.


Kunsabagay, mas maigi na rin na sarilinin at i-enjoy na muna nina Kris at ex-DILG Sec. Mel ang kanilang relasyon kesa ipangalandakan pa sa social media.


Baka nga before we knew it, eh, nagpakasal na pala sina Kris and Mel. 'Yan naman ang uso ngayon. At 'di naman sa dahil uso lang, 'noh, nasa tamang edad na sila para magseryoso.


Ang tanong lang, eh, kung natuto na kaya si Kris from her past mistake na nagpakasal kay James Yap na walang prenup agreement. Kaya hayun, nagkaroon pa tuloy ng malaking kontrobersiya.


Hindi dahil sa pinagdududahan si ex-DILG Sec. Mel na pera ang habol kay Kris. Mukhang self-made, disente, matured at financially stable naman ito.


Pero para na rin sa security ng mga anak ni Kris, and based sa past interviews, natuto na raw siya, kaya malamang, may prenup arrangement na magaganap sa kanila ni Mel kung saka-sakali.


At saka, maging si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, who incidentally ay kasamahan ng BF ni Kris ngayon sa Liberal Party, ay siya mismo ang nag-alok ng prenup arrangement kay Sharon Cuneta. Kaya 'di malayong si ex-DILG Sec. Mel rin mismo ang mag-alok ng prenup kay Kris.


Ganyan talaga ang mga matured, disente at financially stable men.


Nakahinga na rin nang maluwag for sure si Atty. Gideon Peña na palaging inili-link kay Kris.


Ayaw kasing tantanan si Kris ukol kay Atty. Gideon kahit sinabi na mismo ng TV host na hindi niya ito manliligaw at good friends lang sila.

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 17, 2021


ree

Below the belt ang ilan sa mga comments na nabasa namin sa Instagram post ng boxing legend na si Senator Manny Pacquiao recently. Isa na d'yan ang naglagay ng comment kung saan tinawag na "ape" o unggoy si Sen. Pacquiao habang ito ay nasa Amerika ngayon.


Ang naturang IG post ay naglalaman ng video ng mga anak ni Sen. Pacquiao na sina Jimuel at Michael Pacquiao habang namimigay ng bag na may lamang school supplies para sa mga bata.


"So proud of my sons @pacquiao.emmanuel and @pacquiao.michael for having a heart to help others. Thank you#pacquiaofoundation and @localheartsfoundation volunteers for giving away over 1,000 backpacks with school supplies today," caption ni Sen. Pacquiao.


Naganap ang pamumudmod ng school supplies sa mga bata ilang araw bago ang inaabangang laban ni Sen. Pacquiao sa US. Kaya hindi maiaalis na marami ang nagduda sa tunay na intensiyon ng pamimigay ng school supplies sa US ng "Team Pacquiao."


"Sa 'Pinas ba 'yan o sa States? Dapat sa 'Pinas."


"Is this in LA? The children in the Philippines need it more."


"Publicity to join the fight??? Asking lang. 'Pinas children need badly those school supplies too."


"That's crazy y'all helping in the US, a privilege country? Where Philippines needed all the help. Smh. US have food stamps, rent help, electric help all that help they can get from the govt., Philippines don’t get that. Just sayin'!"


May dumepensa naman kay Sen. Pacquiao sa comment sa itaas.


"Helping people in any form is always great, especially the population where it is the most need. Whether in the Philippines or here in the US. So to those who make negative comments, just ask yourself what have you done lately to help others."


At mas marami pa rin ang nagbigay ng magaganda at positive comments hindi lang kay Sen. Pacquiao kundi pati na rin sa mga anak niya na namigay ng school supplies.

"Nice job, guys, like father like sons."


"You are the best Manny... Keep the way of hopes."


"Kindhearted like you, Manny."


Pero sadyang 'di nawawala ang mga bashers sa social media. Bukod sa netizen na nag-comment ng "ape," may nag-post din ng 'di maganda kay Sec. Pacquiao bilang public servant.


Comment ng netizen sa kanya as a lawmaker, "Most absentee senator in Philippine history."

 
 
RECOMMENDED
bottom of page