top of page
Search

TUTULOY NG BAGUIO.


ni Julie Bonifacio - @Winner | September 13, 2021



ree

Napanood namin ang duet performance ng celebrity couple na sina Rico Blanco at Maris Racal sa ASAP Natin 'To last Sunday. It was for the launch ng collaboration ng mag-"co-love" para sa awiting Abot-Langit.


Sabi sa socmed, marami raw kinilig kina Rico at Maris habang nagdu-duet. But some disagreed kasi raw, reserved na reserved ang galawan nu’ng dalawa. Parang 'di magdyowa, in short.


Aminado naman si Rico na hindi siya sanay sa ganu'ng sitwasyon. Maybe ang sinasabi ni Rico ay 'yung performing as an artist na ka-duet ang kanyang girlfriend at mas bata sa kanya.


At saka, hindi naman kasi heartthrob si Rico from the very start para magpa-tweetums kay Maris on stage. But it is undeniable na halata sa hitsura ang age gap ng magka-co-love.


On that same occasion, isinelebreyt din ng ASAP Natin 'To ang birthday ni Maris in two weeks’ time. Kaya naman, hiningan ng birthday wish si Maris ng mga hosts na sina Ogie Alcasid and Regine Velasquez.


"Pinapasalamatan ko 'yung parents ko for always supporting me. My fans, Maristelers, thank you. My sisters, thank you as well. And of course, Rico, thank you for always supporting me, and for loving me," lahad ni Maris.


Nu'ng hingan si Rico ng birthday wish for Maris, "Hindi ako handa rito,” aniya bago sinabi ang mensahe para sa GF, “Uh, marami kang gustong gawin, narinig ko 'yung mga bagong kanta niya, marami pa siyang ideas. So, sana, 'wag ka ma-frustrate na medyo challenging 'yung times ngayon. Just continue enjoying what you do. Because I think if you enjoy the process, you can dream whatever dream, mararating mo.”


Natawa naman kami nu'ng biglang mag-adlib ng joke si Ogie, "Naku, didiretso ng Baguio ito."


Nabanggit din ni Rico na amazing person daw si Maris kaya "heart" niya ang singer.

Tapos, tinanong siya ng isa sa ASAP Natin 'To hosts na si Regine Velasquez kung gaano niya ka-"heart" si Maris.


"Siya ang pinakamalaking heart dito. Lagpasan pa natin," sabay palinga-linga sa studio na sabi ni Rico.


Singit ni Ogie, "Ohhh, iba! In love ang Rico."


Pagpapatuloy ni Rico, "Batukan daw niya (Maris) ako."


Sabi naman ni Regine kay Rico, "Alam mo, nakikita ko sa mata mo, kinikilig ka."


"Ganoon ba? Parang kinakabahan ata," sabay tawa ni Rico.


Sa pagtatapos ng interview kina Maris at Rico, nagbiro ulit si Ogie na sa Baguio ang punta ng magkasintahan after ng guesting sa ASAP Natin 'To.


Naku, ha, mukhang may alam si Ogie!


Kunsabagay, ang Baguio naman kasi ang "Friendship Capital of the Philippines” ngayon, kahit itanong n’yo pa kina Paolo Contis at Yen Santos.

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 12, 2021



ree

Speaking of Jinkee Pacquiao, ibinabato sa kanya ang sisi kung bakit nalaglag sa listahan ng Top 10 na pinakamayayaman sa bansa ang kanyang mister na si Sen. Manny Pacquiao.


Panay shopping daw kasi ni Jinkee ng mga mamahaling damit, shoes, bags and jewelries. At mataas din daw talaga ang lifestyle ng mga Pacquiao kumpara sa mga businessmen na nakapasok sa list ng Top 10 Richest for 2021.


Kumpara nga naman sa mga Pacquiao, low-key lang ang misis at pamilya ng nasa Top 10 list ng mga bilyonaryo sa bansa.


Although, perang pinaghirapan din naman ni Sen. Pacquiao ang ini-enjoy ng kanyang misis at mga anak. They have all the right kung saan gustong i-spend ang kanilang yaman.


Eh, kung ikaliligaya ni Jinkee ang magkaroon ng worth million peso na branded bags and shoes, waley na tayo care. Or kung type niyang bumili ng six-figures na pajama, let her be.


In fairness, marami rin naman ang naaaliw sa pag-display-display ni Jinkee ng kanyang OOTD sa socmed. From formal wear hanggang sa kanyang pantulog, patuloy na naa-amazed ang mga netizens.


Like sa IG post niya on the fifth day ng kanyang quarantine, hinangaan ng mga netizens ang kanyang Louis Vuitton monogram light blue silk pajama set na nagkakahalaga ng $3,000 or P149,521, more or less.


Tinernuhan ni Jinkee ang kanyang LV monogram light blue pajama set ng Channel brand slippers na ang estimated worth ay $1,400 or P70,196.55.


So, more than P200K pala ang worth ng sleeping attire ni Jinkee, hah?


Anyway, in that same IG post, mababasa ang comment ng mga celebrity friends ni Jinkee.


"Loveeee," post ni Ruffa Gutierrez.


Say naman ni Claudine Barretto, "Miss you Mare. Luv u."


"Hello there beautiful @jinkeepacquiao," bati ni Bunny Paras.

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 11, 2021


ree

Inilabas na ang listahan ng Top 10 na pinakamayayaman sa Pilipinas sa taong 2021. Lahat sila ay pawang nasa larangan ng business at karamihan ay mga Chinese businessmen.


Isa lang ang nakapasok sa listahan ng Forbes para sa Philippines' Top 10 Richest for 2021 na talagang masasabing purong Pinoy, walang iba kundi si former Senator Manny Villar.


Pangalawa si Manny Villar sa pinakamayayamang tao sa ‘Pinas na may worth na $6.7 billion (P335 B).


Ang Top 1 ay ang mall magnate na mga anak ng original owner ng SM malls na si Henry Sy. Ang Sy siblings ay may $16.6 billion (P830 billion). Pero divided pa ‘yan sa kung ilan silang magkakapatid, unlike si Villar, solo niya ang P335 B, more or less.


Pumangatlo naman ang container tycoon at owner ng sikat na hotel & casino na si Enrique Razon, Jr. na may $5.8 billion (P290 B).


Pang-apat si Lance Gokongwei and siblings with $4 billion (P200 B). Sumunod si Jaime Zobel de Ayala na may worth na $3.3 billion (P165 B).


Pang-anim ang mag-asawang sina Dennis Anthony and Mary Grace Uy ng Converge na may worth $2.8 billion (P140 B). Then, si Tony Tan Caktiong ng Jollibee Foods Corporation na may $2.7 billion (P135 B).


Nasa eighth place si Andrew Tan with $2.6 billion (P130 B). Pang-nine si Ramon Ang with $2.3 billion (P115 B) and last but not the least, ang Ty siblings na may worth na $2.2 billion (P110 B).


Kung aanalisahin, si former Senator Villar pala talaga ang pinakamayamang indibidwal sa Pilipinas ngayon, ‘noh? At kahit pandemic, umangat pa rin ang net worth nila, hah?!


Ayon pa sa Forbes, ang pinagsama-samang kayamanan ng 50 Richest Filipinos ay tumaas pa raw ng 30% to $79 billion (P3.9 trillion) sa kabila ng pandemya.


Reaction ng mga netizens, "Eto ‘yung mga legit na ‘di kailangang mag-humble brag sa socmed or even mag-socmed, hahaha! Haaay, sana ol, haha!"


"‘Yung mga banyaga pa ang richest sa atin talaga, ha!? Si Villar lang yata ang purong Pinoy d’yan. Kaawa-awang ‘Pinas."


"Kasi ang mga ninuno nila ay nagsipagtrabaho at nag-invest. Nagsimula sa wala ang mga iyon hanggang sa naipasa na nila sa angkan nila ang pinaghirapan nila. Then ang mga ‘yan naman ay mga nagsisipagtrabaho rin, hindi natutulog o tsumitsismis lang. Kaya mo ring gawin ang ginawa ng mga ninuno nila, since hindi ginawa ng mga magulang o lolo at lola mo."


"Konting kembot na lang, magna-number one ka rin, Villar. Grab lang nang grab."


"Oo nga, tapos puwede na tayo magsabi ng Pinoy pride ‘pag si Villar na number one."


But wait, 'di yata nakapasok sa Top 10 si Senator Manny Pacquiao? Although for sure naman, pasok siya sa Top 20.


Natawa kami sa reaksiyong nabasa namin sa socmed kung bakit laglag si Sen. Pacquiao sa mga richest Pinoy.


“Eh, kasi naman, panay ang shopping ng luxury items ni Jinkee,” hirit ng netizen.


Winner! Lol!





 
 
RECOMMENDED
bottom of page