top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 28, 2021



ree

Pormal nang idineklara ang kandidatura ni dating Pinoy Big Brother Big Winner Ejay Falcon bilang vice-governor ng Oriental Mindoro para sa 2022 national elections. Tatakbo si Ejay sa ilalim ng partidong PDP-Laban.


Kung pagbabasehan ang reaction ng mga netizens, hindi sila pabor sa pagtakbo ni Ejay sa mataas na posisyon.


"He hasn’t even finished high school?! Lol! Sana, mas mababang posisyon muna, Ejay. Look how he talks sa interview. Jusko ‘wag naman ganu’n. Hahaha!"


"Aral ka muna, Ejay. Sa acting, sablay, pa’no pa sa pulitika? Hmmm."


"Ang kakapaaaaaal talaga ng mukha ng mga ‘to! Vice-gov. agad-agad?!? ‘Di man lang mag-kagawad muna?"


Akusa ng ibang netizens, laos na raw si Ejay kaya sa pulitika naman sasabak.


"True, basta artista, ‘yan ang fallback nila, hays. Pera rin kasi ‘yan. Dirty money, that is."

"Grabe mga artista, ‘no??? Ginawa nang sideline ang pagiging pulitiko."


"Jejomarjosepmaryosep. Ginawang day job ng mga laos na artista ang pagiging pulitiko."


Sey ng mga netizens, dapat daw, may qualifications ang isang public official.


"Dapat talaga may qualifications lahat ng public officials, ‘yung mas mahigpit compared sa ordinary workers!”


"Exactly. Kaming mga hamak na manggagawa ng mga ahensiya, napakadaming hinihinging requirements. Dapat passer ng civil service, dapat nakatapos sa relevant course, may relevant training, may action research, etc. etc. Tapos, sahod namin, maliit. ‘Tong mga uupo sa gobyerno, basta-basta lang, tapos taas ng mga sahod."


Suggestion naman ng ilan, sana raw ay gawing qualification sa mga tatakbo ang civil service exam.


"Jusko, sana isa sa gawing qualifications sa lahat ng tatakbo, eh, civil service exam. Mas madali pa ata requirements sa pagtakbo kesa sa pag-apply ng totoong trabaho."


"True!! Civil service exam is a must! Dito lang ‘ata sa ‘Pinas ‘yung kahit sino, puwedeng tumakbo. Napakababa ng standard sa public officials."


Sabeee.

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 23, 2021



ree

Kinumpirma ni Senador Manny Pacquiao na titigil na siya sa boxing. Ito ang kanyang deklarasyon during his interview with Toni Gonzaga sa YouTube channel nito na Toni Talks.


Pagkatapos ng pormal na pag-a-announce ni Sen. Pacquiao ng kanyang kandidatura sa presidential race sa May, 2022 elections, tinanong siya ni Toni kung ipagpapatuloy pa rin niya ang pagboboksing kapag presidente na siya ng Pilipinas.


"Boxing career ko? Tapos na ang boxing career ko. Tapos na," pahayag ni Sen. Pacquiao.

Inamin niya na matagal nang sinasabi ng pamilya niya na tumigil na sa pagboboksing. Susuporta na lang daw siya na magkaroon ulit ng boxing champion ang ‘Pinas.


"Kasi, matagal na rin ako sa pagboboksing. At uh, 'yung pamilya ko, laging nagsasabi, tama na. Nagtuluy-tuloy lang ako kasi passionate ako sa larong ito. Magsu-support na lang ako ng boksingero para magkaroon tayo ng champion ulit," sabi pa niya.


Dapat naman, devah? Wala namang ganu'n sa totoong buhay, ikaw mismo na lider ng isang bansa ang maglalagay sa sarili mo sa kapahamakan?


Anyway, may 22 agenda raw si Sen. Pacquiao na siya mismo ang gumawa kapag naging presidente siya ng bansa. Number one na raw d'yan ang pagsugpo sa korupsiyon sa gobyerno.


At kapag naipakulong na raw niya lahat ng corrupt sa gobyerno, titigil na rin siya pati sa politics.


"(Kaya) Magdasal na d'yan lahat ng kawatan sa gobyerno. Magdasal na huwag manalo ako. Kasi, hindi ako nagbibiro, totohanin ko talaga 'yan," banta niya.


Naaawa na raw kasi siya sa mga kababayan natin na hirap na hirap sa buhay dahil sa korupsiyon.


"Kung hindi ako, sino? Sino'ng magtatanggol sa kanila? Sino'ng magpoprotekta sa kanila? Hindi ko ipinagmamalaki ang sarili ko, pero 'yan ang nararamdaman ko, eh. Hindi kasi ako materialistic na tao na pera-pera. In short, hindi ako worldly person."


Hindi raw siya materyoso pero ang misis niyang si Jinkee Pacquiao ay paboritong batikusin dahil sa kanyang OOTD na hindi bababa sa five to six figures ang halaga.


Dinepensahan naman ni Sen. Pacquiao si Jinkee pagdating sa mga mamahaling damit, shoes, bags and jewelries/accessories ng misis niya.


"Ang depensa ko lang doon ay ‘yung perang pinaghirapan ko, hard-earned money ko, ine-enjoy lang namin. Ine-enjoy lang ng asawa ko. Ano'ng masama roon? Kumbaga sa ano, makita naman namin, ma-enjoy namin. Biro mo, dugo at pawis ang puhunan, tapos hindi mo ma-enjoy."

Ini-reveal ni boxing legend na hindi raw naaapektuhan si Jinkee ng mga pamba-bash dito.


"Uh, hindi. Kasi kami ano, 'yung wife ko, strong kami sa word of God," diin ni Sen. Pacquiao. "Lagi kong sinasabi sa kanya, Winston Churchill quote, 'You will never reach your destination if you stop and throw at every dog that barks.’"


‘Yun na.

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 22, 2021



ree

Ipinaalam ng ina ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo na may sarili nang digital space ang Kapamilya actress.


Ipinost ni Mommy Min sa kanyang Instagram ang isang 'public service announcement' tungkol sa pagkakaroon ng official business domain ng anak kasama ang litrato ni Kathryn.


"Finally, Kathryn has her own domain! We have chosen to create a new digital space, which Kathryn will use this as her official business domain. She may be contacted via business@everydaykath.com," laman ng announcement ni Mommy Min sa kanyang IG Story.


Nanawagan din ang ina ni Kathryn sa mga fans ng Kapamilya actress na huwag nang gamitin ang pangalan at imahe ng kanyang anak sa anumang uri ng digital platform na maaaring makalito sa opisyal na socmed account nito.


"We are also appealing to Kathryn's fans to refrain from using her name and her image in the creation of any digital platform which can be confused as official accounts, merchandise, or additional social media handles being managed either by Kathryn or her team," mensahe pa ng ina ng aktres.


Sa caption ng IG Story ni Mommy Min ay inihayag niya ang reason sa pag-create ng official business domain ni Kathryn.


"'Yung FB (Facebook) ni Kath around 4 yrs. ago na that time ay may 12M+, matagal na hinawakan ng fans since Goin' Bulilit days, pinagkakitaan, ayaw ibalik sa amin," lahad ni Min.


May isa pa raw account na unang nakakuha at gumamit ng pangalan ni Kathryn na hiningan sila ng malaking halaga when they requested na baka puwede nilang gamitin.


"Ngayon naman, itong bernardokath.com, may unang nakakuha and gumamit ng name, sad to say, ini-request namin na baka kami ang puwede naman gumamit, nag-ask kami if they willing to let go the domain, how much… na-shock lang kami sa asking amount niya. Fan pa daw siya since 2013… Sad to say, sarili mo nang pangalan, ‘di mo puwedeng gamitin. So, WE DECIDED TO MAKE A NEW ONE," emote pa ng ina ni Kathryn.


Mahirap i-let go kasi malaki talaga ang kitaan sa socmed. Tapos, Kathryn pa 'yan na may 15.7 million followers sa kanyang official Instagram page, 4 million sa Facebook, at 3.52 million subscribers sa kanyang YouTube channel na Everyday Kath.


So, paano nga naman nila ibibigay sa mababang halaga ang matagal na rin naman nilang "investment" sa socmed?


"Grabe naman talaga. ‘Yung ‘pag ginamit ang name mo, ikaw pa nahihiya na sabihin na pls. ‘wag mo nang gamitin dahil kailangan ko na!!!"


“Pinagkakakitaan."


"Tita Min, I'm so sorry to hear these stories. Some people can't resist the temptation when it comes to money, even if they are fans. Just let the Lord teach them, I believe in karma. Remember that there are many of us who love Kath (and DJ of course) unconditionally and they always have our backs come what may. Never get tired of supporting KathNiel from afar."


"Mommy, ipa-cancel n’yo sa mga fans. ‘Wag suportahan dahil halatang ginagamit lang si Kath."


Gaano kaya kalaki ang halagang hinihingi nu'ng fan ni Kathryn na ikina-shock ng kanyang ina?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page