top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | October 04, 2021



ree

Tatakbong muli sa pagka-senador si Jinggoy Estrada. Naghain ang dating senator ng kanyang COC kahapon.


Kinuwestiyon ng mga netizens ang pagpa-file ni Jinggoy ng kanyang kandidatura dahil daw sa plunder case na kasalukuyang dinidinig pa rin sa korte.


“Nag-file ng candidacy... ano ang record sa @NBIPH clearance nito? K_p_l ng mukha. @COMELEC, ‘di ba, dapat automatic ligwak na ito?”


“While ordinary citizens are being required an NBI Clearance to apply for work.”


“Ganyan, say it as it is… imagine kung ikaw ordinaryong Pilipino at may kaso ka, makakapasok ka ba sa trabaho ng ganu’n-ganu’n na lang???”


And again, maghaharap silang muli for senatorial race ng kanyang half-brother and former senator na si JV Ejercito.


“@jvejercito sinabihan mo ba ulit na ‘Ayusin muna kaso n’ya,’ tigas-ulo, pareho na naman kayong talunan n’yan.”


“Parehong talo na naman itong sina JV at Jinggoy.”


Tatakbo si former Sen. Jinggoy Estrada sa ilalim ng partidong Pwersa ng Masang Pilipino.

So, ‘di true ang balitang sa Maynila “makikipagbakbakan” si former Senator Jinggoy bilang mayor sa 2022 National Elections.

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | October 03, 2021



ree

In just one week, meron na agad mahigit 85K subscribers ang YouTube channel ng Star for All Seasons na si Lipa City Congresswoman Vilma Santos-Recto.


Daang libo na rin ang views ng kauna-unahan niyang vlog tungkol sa mga napanalunan niyang acting trophies.


Hindi lang sa Facebook at YouTube active si Congw. Vi, or should we say Ate Vi sa showbiz, kundi pati ang online platform na Kumu ay pinasok na rin niya.


At naganap nga ang unang appearance ni Ate Vi sa Kumu community. As expected, inulan ng malalaking “gifts” sa Kumu ang live kumustahan ni Ate Vi with the “Kumunistas.”


May lechon, crown, diamond, kotse at kung anu-ano pang gifts with malalaking corresponding points/pesos.


Na-overheard namin during Ate Vi’s live appearance sa Kumu with son Luis Manzano na sa dami ng nagbigay ng diamond, naitala agad na pasok sa Top 10 most number of ‘diamond gifts’ na nabigyan sa isang Kumu event ang Star for All Seasons.


Enjoy na enjoy naman si Ate Vi sa ginagawa nila ng kanyang eldest son.


May mga nagtanong from the Kumu community din ang sinagot ni Ate Vi like kung sinu-sino ang gusto niyang maka-collab sa pagba-vlog.


Parang may nag-mention ng name ni Megastar Sharon Cuneta kay Ate Vi na gusto nilang magkasama sa isang vlog.


“Pero sana 'pag puwede na ‘yung physical, Anak, eh. I hope soon may vaccine na tayo, Anak. Fully vaccinated. 'Pag medyo mas clear na ang environment, I’m looking forward na mag-collab kami ni Shawie, my friend, oo.”


Definitely, top on her list ang names nina Megastar, Diamond Star Maricel Soriano, and of course, ang Superstar at kumare ni Ate Vi na si Nora Aunor.


“Marami akong iko-collab. Marami akong puwedeng i-collab. Puwedeng si Maricel, si Maria, meron na ring vlog, si kumare ko, si Ate Guy! Meron na rin,” na ikinagulat naman ni Luis.

Hindi na-inform si Luis na may YouTube channel na ang Superstar.


“So, maraming puwedeng pag-usapan namin na maise-share namin sa kanila,” say pa ni Ate Vi.


 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 29, 2021



ree

Tinanggihan ng King of Talk na si Boy Abunda ang alok na tumakbo bilang senador sa 2022 elections. ‘Yan ang kanyang rebelasyon sa isang interbyu sa kanya ng ABS-CBN news kamakailan.


Ito na rin ang tumuldok sa alingasngas na papasukin na ni Kuya Boy ang political arena. Inaantabayanan kasi ng madlang pipol kung dyo-join na rin siya sa ibang celebrities na nagdeklara ng kanilang intensiyon sa pagtakbo sa 2022 national elections.


Ayon kay Kuya Boy, "Sabi ko, ‘In all humility, hindi ako handa.’ You need an on-the-ground level political organization and logistics. Wala ako nu’n! I have my own money pero galing ‘yun sa dugo at pawis ko!”


Isang malaking desisyon daw ito na dapat ay may makinarya. Wala raw pera at lakas si Kuya Boy para gamitin sa isang national campaign.


"It's a major decision. I'm not ready to run for the Senate. I don't have the tenacity. I have been invited to run for the Senate, I don't have the strength to run a national campaign. I don't have the money," lahad niya.


Nangangailangan din daw ng malaking organization para sa pagtakbo on national level.


“I don't have the national political organization. It takes a national organization to run a national campaign. Kailangan mo ng logistics. I don't have that. And most important of all, wala akong apoy sa bituka. I don't have fire in my belly for the Senate."


Inamin din ni Kuya Boy na pinag-isipan niyang tumakbo sa local level nu’ng nag-off-the-air ang kanyang show for 23 years. Pero naisip niya raw ito bunsod ng pagkaka-deny ng franchise ng ABS-CBN.


In fact, he was advised by her sister, Eastern Samar Rep. Fe Abunda, na tumakbo para maibalik ang prangkisa ng Kapamilya Network.


Samantala, mas pinili ni Kuya Boy na suportahan na lamang ang isang partylist, ang Ang Probinsyano.


"I said yes because it’s part of my core, probinsyano ako, taga-Borongan, Samar ako, maraming galing sa kahirapan at aligned ang values namin sa buhay," esplika niya.


Sa ngayon ay tuluy-tuloy ang online shows ni Kuya Boy sa iba’t ibang digital platforms gaya ng The Best Talk on Kumu, at ang The Interviewer sa kanyang YouTube channel.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page