top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | October 09, 2021



ree

Gaya ng naibalita namin, opisyal na rin ang pagtakbo ni Bacoor City Mayor Lani Mercado bilang kongresista ng kanilang distrito sa Cavite. At si Bacoor City Congressman Strike Revilla naman ang kakandidato bilang mayor ng Bacoor City.


Kasabay ni Mayor Lani, nag-file rin ng COC ang panganay na anak nila ni Sen. Ramon 'Bong' Revilla, Jr. na si Bryan Revilla bilang congressman din sa Cavite.


Last month ay naisulat namin sa aming kolum ang balitang pagpasok na rin sa pulitika ni Bryan bilang partylist representative. At ayon sa aming source, katuwang niya dapat d'yan bilang co-nominee ng partylist si Hayden Kho.


Sinubukan naming tanungin ang misis ni Hayden at beauty surgeon na si Dra. Vicki Belo if true na papasok sa pulitika ang kanyang mister bilang nominee sa isang partylist.

Pero ayon kay Dra. Vicki, hindi tatakbo ngayong eleksiyon si Hayden. Tinanggihan daw ni Hayden ang offer sa kanya na maging partylist representative.


Dunno if that's the reason why Bryan finally decided na pumasok pa rin sa pulitika kahit na solo candidate as a congressman sa isang distrito sa Cavite.

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | October 08, 2021



ree

Magpapahinga na ang Star for All Seasons at kongresista na si Vilma Santos-Recto sa pulitika pagkatapos ng mahigit dalawang dekada.


Sa kanyang Facebook page, ipinost ni Rep. Vilma ang announcement ng kanyang “pamamahinga” sa pulitika, temporary man ito or baka maging permanente na.


For safety and health reasons ang naging major na basehan ni Rep. Vilma sa hindi niya pagtakbo sa 2022 national elections.


“After careful consideration of the present situation, especially the limitations in conducting a campaign during a pandemic, I have decided not to seek any elective post in the May 2022 elections,” panimula ni Rep. Vilma sa kanyang post.


Nilinaw ni Rep. Vilma na kahit 'di raw siya tatakbo sa darating na halalan ay hindi siya titigil sa pagtulong at pagbibigay-serbisyo sa kanyang mga kababayan sa Batangas.


“I have been serving the public for more than 23 years and will continue to serve, in the best way I can, even in my private capacity,” lahad pa ni Rep. Vilma.


Mukhang aprub naman sa mga fans and followers ni Rep. Vilma sa social media ang kanyang naging desisyon na hindi tumakbo sa COC. At ngayon pa lang ay inaantabayanan na nila ang pagiging aktibong muli ng aktres sa showbiz.


And of course, mas may time na ngayon si Rep. Vilma sa bago niyang kinaaaliwang gawin, ang pagba-vlog.


“Good decision, Ate Vi, showbiz uli.”


“You deserve to rest after a long and great public service.”


“Relax-relax muna Ate Vi. Enjoy your life, ok? Lahat ng pangarap mo, ibinigay na ni Lord.”

“Yesss Ate Vi, focus na lang sa pagba-vlog. We love you very much."


“We love you, Ate Vi, kung saan ka masaya, suportahan ka namin. God bless.”

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | October 05, 2021


ree

Sasabak muli sa pagtakbong kongresista ang aktor at mayor ng Ormoc City na si Richard Gomez.


Unang tumakbo bilang congressman si Mayor Goma noong 2001 bilang partylist representative ng Mamamayan Ayaw sa Droga (MAD). Nanalo ang partylist nina Goma, pero na-disqualified din dahil ang pondo raw nila ay galing sa gobyerno.


Muli siyang tumakbo noong 2010 as congressman ng Ormoc City, pero na-disqualified ulit dahil sa kakulangan daw ng residency sa bayan ng kanyang misis na si Congresswoman Lucy Torres.


Pagkatapos ay tumakbo ulit si Goma sa Ormoc bilang mayor noong 2013. Again, na-lost siya sa kanyang mayoralty bid. At noong 2016, finally, nakalusot si Goma at nanalong mayor ng Ormoc City at na-reelect pa noong 2019.


May one term pa sana si Goma to run as Ormoc City mayor, pero ang misis niya, last term na sa Kongreso.


Kesa mabakante ang political career ni Congw. Lucy, nag-swap na lang sila ni Mayor Goma. Si Congw. Lucy naman ang tatakbo bilang mayor ng bayan nila sa 2022 national elections.


Kapag nanalo si Goma as representative ng 4th District of Leyte province, ngayon lang pala siya magiging kongresista.


Na-excite kami sa pagtakbo ni Goma sa Kongreso sa darating na halalan. Ang tsika kasi, kapag nanalo raw si Goma, he will do his best to help restore the franchise of ABS-CBN.


Aminado kasi si Goma na kung wala ang Kapamilya Network, walang Richard Gomez sa showbiz. Malaki raw ang utang na loob niya sa ABS-CBN.


"I was a long-time employee of ABS-CBN. I worked in ABS for 18 years," sabi ni Mayor Goma in one of his interviews.


True naman si Mayor Goma d’yan. Kung puwede nga lang bumoto kami sa Ormoc, eh, di ginawa na namin para iboto siya. But, sure naman kami na mananalo na sa kanyang third attempt si Goma to run for a congressional seat next election.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page