top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | October 13, 2021



ree

Nagsalita na si Megastar Sharon Cuneta sa ibinabatong isyu sa kanya at sa mister niyang si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na makakalaban ni Sen. Tito Sotto sa pagka-bise-presidente sa 2022 elections.


Sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas, isang madamdaming mensahe ang ipinost ni Mega sa kanyang Instagram kalakip ang piktyur ng aerial view ng mga lugar na malapit sa paliparan ng Pilipinas.

Malamang ay nakarating na sa kaalaman ni Mega ang naging reaksiyon ng isa sa mga itinuturing niyang “sisters” na si Ciara Sotto, bunsong anak ni Sen. Tito at maybahay na si Helen Gamboa.


Si Helen ay kapatid ng yumaong ina ni Sharon na si Mommy Elaine. Madalas ikuwento ni Mega na itinuturing niyang “second mom” ang kanyang Tita Helen.


Sabi ni Sharon sa kanyang IG post, mabigat ang loob niya sa pagtatapatan ngayon sa pagka-VP nina Sen. Kiko at Sen. Tito, pero umaasa siyang pagkatapos ng eleksiyon ay maghihilom din ang mga sugat at babalik din sila sa dati nilang relasyon bilang magkakapamilya.


Mabilis namang dinagsa ng comment ng mga netizens ang latest IG post ni Mega. May nakaka-relate sa nararamdaman niya, may nagpapayo na suportahan ang kanyang asawa at ang iba ay naniniwala na time can heal all the wounds sa sigalot ng pamilya.

“It’s a call for Sen. Kiko. I’m sure your Sotto family will understand love rules! (two red heart emojis) You did not choose to be in that situation but your husband needs you more than anybody in this battle. We will vote for him 'coz we love our nation (two praying hand emojis).”


“Very well said, Mega, just hope and pray that everything ends well. This too shall pass.”

“Hugs ate. Everything happens for a reason. In the end, everything will be fine. 'Andito kami for you and Sen. Kiko (one red heart emoji).’


“Political aspirations can indeed divide a family. It’s hard and it’s going to be tough. (crying emoji) Time can heal all the wounds indeed. Forgiving heart (red heart emoji) is the key.”


“Not so long ago, Sen. Sotto blocked the Senate presidency of Kiko Pangilinan - but it’s been in the past! Your behalf compliments VP Leni’s and they are both with integrity, credible and fits for the positions.”


Say naman ng iba, sana raw, may nagpaubaya na lang.


“Nagpaubaya na lang sana…kasi nauna na si Sen. Tito, same lang naman ng hangarin mapabuti ang bansa (one peace sign emoji).”

“'Yan din isip ko, pero walang paki 'yung isa, sino pa masagasaan niya. But I will not vote anyone of them…”


On her latest IG post too, pagkatapos maglabas ng kanyang saloobin si Sharon, may cryptic message din siya sa kanyang IG story.

“The sad thing is, nobody ever really knows how much anyone else is hurting. We could be standing next to somebody who is completely broken and we wouldn’t even know it,” post ni Sharon.

May netizens din ang nagsabi na hindi dapat magdusa si Sharon sa tapatan nina Sen. Kiko at Sen. Tito for VP. At dito nabanggit ang pangalan ng anak ni Vic Sotto kay Angela Luz na si Paulina Sotto na very open sa paghayag kung sino ang kandidatong susuportahan sa darating na halalan.


“Well, anak nga ni Vic Sotto na si Paulina Sotto, ang ikinampanya ay si Leni Robredo. At sabi din niya, hindi raw porke kadugo, du'n ka na. Isipin daw ang bayan.”

 
 

BA'T KA MAGHAHABOL SA AYAW SA 'YO!


ni Julie Bonifacio - @Winner | October 11, 2021



ree

After more than 30 years ay nakausap namin uli ang misis ni Alvin ‘The Captain’ Patrimonio na si Cindy Conwi kahit via Zoom lang as our special guest ni Ateng Janiz Navida sa online show ng BULGAR sa Facebook na live every Saturday morning, ang #CelebrityBTS BULGARAN NA.


Happily married pa rin sila ni Alvin after 32 years. Parang kailan lang nu’ng maganap ang controversial wedding nila sa Malabon at the height ng career ni Alvin as one of top PBA players noong late '80s.


And not to forget, Alvin is being linked to Kris Aquino that time kung saan ang kanyang yumaong ina na si Cory Aquino ang presidente ng bansa.


Kuwento ni Cindy during our interview with her sa #CelebrityBTS BULGARAN NA, preggy daw siya that time kaya they both decided to get married kahit wala pa siya sa tamang edad.


Tinanong ni Ateng Janiz si Cindy kung pinagselosan ba niya si Kris noon.


“I think the whole country knows that. The whole country sensationalized ‘yung news and it stuck with us. But ano naman, we learned to live with it. Pero it doesn’t matter actually ‘yung nangyari in the past, basta kami pa rin hanggang ngayon. Thirty-two years going strong and it doesn’t really matter kung ano ‘yung belief of others.


“But ang masasabi ko lang, kung naging ganoon nga ang nangyari, I wouldn’t be here kung totoo ‘yung mga lumabas dati, I wouldn’t be hanging around.


“Saka ang dami-dami naman d’yang lalaki, why would you settle for someone who doesn’t want you, ‘di ba?


“Ibig kong sabihin, kung hindi ako ang pinili ni Alvin, there was no competition anyway. In the first place, kami na ni Alvin ever since. Bago pa siya dumating sa Pilipinas, kami na ni Alvin. So, she knew very well. And uhm, if we ended our relationship dahil gusto niya sa iba, then ‘yun nga, that’s what I mean, hindi kami ngayon,” lahad pa ni Cindy.


Sa ngayon ay may apo na sina Cindy at Alvin, si Athena. Anak siya ng tennis player na si Clarisse.


Next week ay ikakasal naman ang panganay nilang anak and former The Killer Bride star na si Angelo Patrimonio sa kanyang model fianceè na si Jasmone Maierhofer.


Tsika ni Cindy, isang San Miguel poultry farm ang regalo ni Alvin sa kanyang soon-to-be-groom son.


And two weeks before Angelo’s wedding, nag-file ng kanyang COC si Alvin for mayor ng Cainta.


Mismong ang incumbent mayor ng Cainta na si Johnielle Keith Pasion Nieto, popularly known in Cainta, Rizal as ‘Mayor Kit’ ang nag-alok kay Alvin na humalili sa kanyang posisyon.


Early 2000 pa lang daw ay kinukumbinse na si Alvin ng gobernador ng Cainta na tumakbong mayor ng tinaguriang isa sa pinakamayamang municipalities sa bansa. But only now that finally ay tinanggap na ni Alvin ang hamon to lead the people of Cainta.


Kuwento pa ni Cindy, wala siyang ginawa sa bahay kundi magluto nang magluto dahil doon nagmi-meeting si Alvin at ang mga tatakbong konsehal niya which includes Kapamilya star Arci Muñoz.


So, there.

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | October 10, 2021



ree

Binatikos nang todo si Karla Estrada sa pagsama niya sa isang partylist na bumoto sa Kongreso para ma-deny ang prangkisa ng ABS-CBN.


In fact, nag-top trending pa ang #WithdrawKarlaEstrada sa Twitter after she filed her COC.


And from what we saw sa Twitter that day, nagkagulo ang mga fans ng love team ng anak ni Karla na si Daniel Padilla at ng onscreen and offscreen partner nitong si Kathryn Bernardo, ang KathNiel.


Most of those netizens na nagpu-push na mag-withdraw si Karla ng kanyang COC ay ang KathNiel fans. At kahapon nga, nag-number one trending ang #KathNielGising.


Kahapon din ay naglabas ng pahayag ang ABS-CBN ukol sa pagtakbo ni Karla bilang kapanalig ng partylist na bumoto ng denial para mabigyan ng prangkisa ang Kapamilya Network.


"In her desire to continue serving her kababayans, Karla Estrada has decided to run for public office. We respect her decision and wish our Kapamilya well as she pursues her mission of service," mensahe mula sa ABS-CBN.


On her side, nagpaliwanag naman si Karla sa ginawa niyang desisyon.


"Nagpaalam ako sa aking mga bosses sa ABS-CBN at ako naman ay pinayagan nila at talagang susuportahan nila ako. Hangad ko na magkaroon ng boses ang aking mga Kapamilya sa Kongreso," esplika ni Karla.


Pramis ni Karla, kapag dumating daw sa usapin tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN, magiging bukas ang partylist na kinaaniban niya sa usapin ng “mother network” nila ng kanyang anak na si Daniel.


Pero mukhang hindi kumbinsido ang KathNiel fans sa sinabi ni Karla.


"‘Respect’ is different from ‘Support’. Pero Tita Karla, sana ikaw din po, natututong rumespeto. If you did, you would have never decided to run under that partylist #KathNielGising


“Tumatakbo bilang public servant para makatulong. Hindi po ba? But this is NOT the only option to help. NOT for the same party list who said yes to shutting down the company she and her son worked for.”


“Kaya nga.. hugas-kamay si Karla.. grabe na ang kakapalan.”


Si Karla ay isa sa mga hosts ng Kapamilya morning talk show titled Magandang Buhay with Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.


Ang Magandang Buhay ay napapanood mula Lunes hanggang Biyernes bago mag-It’s Showtime sa A2Z at Kapamilya Channel.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page