top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | November 24, 2021


ree

From Paris, France, punta naman tayo sa London, England kung saan nandu'n ngayon ang aktres na si Bela Padilla.


Nag-post si Bela ng isang makahulugang mensahe sa kanyang Twitter account last Tuesday.


"So, I moved to London a few months ago. And I tried to find my footing first before sharing what it’s really like (red heart emoji) now, I’m ready to let you in to my life and tell you more about it! Ask me anything you’d like to know about my move and I’ll answer as much as I can in a video," tweet ni Bela.


Hindi naman binigo si Bela ng kanyang mga Twitter followers at dinagsa ng tanong ang kanyang reply section.


Karamihan sa mga tanong ay kung ano'ng ginagawa niya sa London, may isinu-shoot ba siya na movie at kung mag-i-stay na ba siya roon.


"Are you not pursuing acting??? Why there is a big change for you?? Are you planning to settle down for good????"


"What do you do in London? Source of income I mean."


"When you say 'I moved to London,' does that mean for good, indefinitely, or for the time being?


Don't be gone for so long, we will miss you here…"


"Are you planning to write a book about your stay there or about po sa kahit na anong bagay, and if yes, ano pong magiging tema or title ng book?"


May nagtanong kay Bela na kaya ba siya nag-i-stay ngayon sa London ay para maging closer sa favorite singer niya na former One Direction member na si Harry Styles.


"Did you move to London so you can get closer to Harry Styles?"


"How does it feel to be around with someone who looks exactly like Harry Styles every day? I genuinely want to know! Hehe."


Ilan naman sa mga nag-post ng question sa Twitter account ni Bela ay ni-like niya, tulad nito, "The first months of a move is always a bit challenging. Hope everything's alright, Bela."


Pero naintriga kami sa nag-post ng question na ito, "How did you find yourself being away from the one you love and found too good to start or rebuild it again?"


May kinalaman kaya ito sa Swiss boyfriend ni Bela na si Norman Ben Bay?

Pumunta kaya si Bela sa London para makasama si Norman for good?


Last time na nakitang magkasama sina Bela at Norman ay sa kanyang post na picture sa Italy noong July. So, from July until now, nasa Europe si Bela to be with Norman and to give priority sa kanilang relationship?


Nakilala ni Bela si Norman nu'ng mag-shoot siya sa Switzerland para sa pelikulang Meet Me In St. Gullen. Naging friends daw sila for four years pero hindi niya binigyan ng chance na mag-blossom into a romantic relationship ang pagkakaibigan nila.


Hanggang sa dumating ang pandemya at doon na nagsimula. Last October, 2020, inamin ni Bela sa public ang relasyon nila ni Norman.


Join na rin kaya si Bela sa bandwagon ng celebrity weddings during pandemic? Let's see.


 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | November 1, 2021


ree


Rumampa ang singer/actor na si Markki Stroem suot ang pink six-inch-high boots at bulaklaking pink-and-orange silk full-body robe with pink-feathers hood sa Arab Fashion Week na ginanap sa Dubai.


Idinispley din ni Markki ang kanyang katawan pagbukas ng suot niyang robe. Ang tanging suot ni Markki ay men’s bikini underwear na katerno ang texture at textile ng kanyang suot na robe.


Ipinost ni Markki ang mga larawan at video ng pagrampa niya ng kanyang outfit na gawa ng Filipino Hollywood fashion designer na si RC Caylan at sapatos na gawa ng isa ring Pinoy na si Omar Santos Sali sa closing week ng Arab Fashion Week.


“Magnificent experience being able to help change and mould the fashion world to be more inclusive. Ever since @harrystyles started the androgyny revolution, it is time for people to stop hating, and start embracing inclusivity.


“Everyone has their right to wear WHATEVER they want to feel THEIR FABULOUS OATS. I am personally a plain t-shirt and jeans kinda guy. I live a simple life as Markki. I am also an ARTIST.


I am not SCARED to wear something different to MAKE A DIFFERENCE. Being able to pick up the courage to wear Platform HEELS AND UNDERWEAR on an international runway, I hope I was able to inspire others to LIVE THEIR AUTHENTIC TRUTH,” caption ni Markki.


At sa huling bahagi ng caption ni Markki, inunahan na niya ang mga ‘Marites’ sa social media sa reaksiyon nila sa kanyang ginawa.


Let them bash, let them TALK! Do your booboo, ‘cuz all that TRASH is WHITE NOISE. Have a wonderful day everyone! Proud to have represented the Philippines for #Arabfashionweek.”


Sa kanyang pinakahuli at separate na IG post, idinispley ni Markki ang napakaseksi niyang katawan na may muscles at six-pack abs suot ang white bikini na prototype ng ilalabas pa lang na bagong underwear na ie-endorse niya habang nakasakay sa kanyang “dream yacht.” That photo was taken after ng fashion show.


Makikita rin sa likuran ni Markki sa kanyang latest IG post ang nasa background niya na edifice ng most iconic hot sa Dubai, ang Burj Al-Arab.


“Now time to enjoy the rest of this lovely sunset on the Dream Yacht and party until Halloweeeeeennnnn.


“Thank you@michaelcinco5 for this wonderful experience.”


Rumampa rin kasi si Markki sa finale show ng sikat na designer na si Michael Cinco sa Arab Fashion Week.


Hoping si Markki na makakarampa rin siya sa stage sa ibang fashion week like in Paris, Milan and New York.


Bongga ni Markki, ‘noh!


 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | October 17, 2021



ree

Born and raised pala ang komedyanteng si Inday Garutay, na ang tunay na pangalan ay Christopher Borja, sa San Juan.


Dahil d’yan, gusto niya na makatulong sa kanyang mga kadistrito sa San Juan. And the best way na matulungan sila ni Inday ay ang pagtakbo niya ulit as a public servant sa San Juan.


Isa sa mga plataporma ni Inday sa kanyang pagtakbo bilang konsehal ay ang magkaroon ng guidance counselor sa bawat barangay sa kanilang lugar para mapangalagaan ang mental health ng kanyang mga kadistrito.


Based on her personal experience kaya napili ito ni Inday na bigyan ng pansin sa kanilang lugar.


Nakausap namin si Inday sa online show na #CelebrityBTS BULGARAN NA sa Facebook page ng BULGAR kahapon, Sabado.


Inamin niyang minsan na rin siyang nag-consult sa psychiatrist nang may matindi siyang pinagdaanan, kaya nakikita niyang malaking tulong ang guidance counselor sa mga barangay para magbigay ng professional help sa mga nagdadaan sa depression and mental health problem.


The night before ng aming tsikahan ni Ateng Janiz Navida kay Inday sa #CelebrityBTS BULGARAN NA ay kasama raw niya ang tatakbong muli bilang senador na si Jinggoy Estrada.


Kabilang si Inday under Jinggoy and former President Joseph ‘Erap’ Estrada’s political party, ang Partido ng Masang Pilipino (PMP).


And speaking of former Senator Jinggoy, proud siya sa naging accomplishments niya noon sa Senado.


“The Senate records will bear witness to my performance as a senator,” lahad ni former Sen. Jinggoy.


Habang siya ay nanunungkulan sa Senado, nakapag-akda si Sen. Jinggoy Estrada ng 617 bills at mga batas na naglalayong matulungan ang mga kababayan nating biktima ng kahirapan.


Nariyan ang ilang batas na nagsagip sa mga inabusong OFWs sa Middle East, pati na rin ang Kasambahay Law na nagpatibay ng mga karapatan at seguridad ng mga kasambahay.


Pinalawig din ni Sen. Jinggoy ang mga batas kaugnay ng Public Employment Service (PES) at Special Program for the Employment of Students (SPES) na pinakinabangan ng ating mga kabataan.


Bukod pa riyan ay mayroon din siyang mga naipasang pag-amyenda sa Labor Code at marami pang iba.


Nagpakita naman ng pagsuporta ang mga netizens sa pagtakbong muli ni Jinggoy sa Senado.


“My family supports Jinggoy Estrada.”


“Go Senator Jinggoy, gawa ka naman ng batas para sa mga OFWs na overage na, 'yung magandang benepisyo para sa mga active at non-active OFWs. Thank you po, Mr. Senator, we will support you.”


So, 'yun.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page