top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | April 26, 2022


ree

Ang dami naming nabasang reaksiyon tungkol sa bulgarang ‘di pag-eendorso ng Diamond Star na si Maricel Soriano kay Senator Francis “Kiko” Pangilinan bilang susunod na vice-president sa nalalapit na eleksiyon sa ginanap na grand rally sa Pasay ng Team Leni-Kiko, last Saturday.


Bukod-tanging si Vice-President Leni Robredo lang ang inendorso ni Maricel na kanyang iboboto for president during the rally at wa' mention kay Kiko kahit buong-ningning pa siyang ipinakilala at tinawag sa stage ni Megastar Sharon Cuneta that night.


Reaksiyon ng mga netizens…


“Masyado naman kayong demanding! Don't force other people! Sure ako, maraming artista d'yan support Leni pero iba ang gusto na VP and that's okay! Freedom of choice nga, 'di ba?”


“Big deal. Allow people to have their own political beliefs that might be different from yours.”


Basa namin d’yan, nakalaan na para sa ibang kandidato ang endorsement at boto ni Maricel for vice-president. At ang duda namin, ang ieendorso ni Marya ay walang iba kundi si Senator Tito Sotto.


It’s given na matagal nang kaibigan ni Marya ang mga taga-Eat… Bulaga! mula sa mga executives hanggang sa mga hosts ng show particularly sina Tito, Vic and Joey.


Hindi nga ba’t kaya nakilala ni Marya ang ama ng kanyang anak na si Sebastien na si Cesar Jalosjos na isang pulitiko ay dahil sa mga taga-Eat… Bulaga!, if 'di kami nagkakamali, ha?


Tumatakbo rin ngayon si Cesar bilang kongresista sa 3rd District ng Zamboanga del Norte.


At kung si Sen. Tito man ang “manok” ni Marya at ‘di ang mister ni Mega na si Kiko, tingin namin, ‘di ito mamasamain ni Sharon.


After all, kamag-anak din naman ni Sharon si Sen. Tito at very open si Mega sa paglalabas ng kanyang damdamin na ipit talaga siya sa eleksiyong ‘to.


At least, ang Uncle Tito ni Mega ang iboboto ni Marya at ‘di ibang kandidato.

'Yan ay kung tama ang hinala namin na si Sen. Tito ang “manok” ni Marya, ha?


Say nga ng netizen, “Okay lang 'yan, guys, I'm sure Sharon doesn't mind, love niya pa rin si Marya.”


Agree.






 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | April 25, 2022


ree

Tila pinagsasabong sina Angel Locsin at Toni Gonzaga ng kampo ng dalawang presidentiables na sinusuportahan nila.


Viral sa socmed ngayon ang pahayag ni Angel tungkol sa Malacañang during her speech sa ginanap na rally ng Kakampink na partido ni presidential aspirant VP Leni Robredo sa Pasay City, last Saturday.


Prior to Angel’s speech ay umani na ng batikos si Toni dahil sa sinabi niya sa rally ng BBM-Sara team na babalik na sa kanyang tahanan sa Malacañang ang anak ng diktador na si Ferdinand Marcos na si Bongbong.


Sabi ni Toni, “Konting-konting panahon na lang, babalik na si BBM sa kanyang tahanan — ang Malacañang.”


Sa Twitter ay ipinost ng mga netizens ang pahayag ni Angel, "Ang Malacañang ay para sa taumbayan... ‘yung tungkol du’n, ayoko nang pag-usapan."


Sigaw ng nag-tweet, “SHEEEEEET, UNGKATAN NG PAST!!!!”


Kasunod nito ay ang sunud-sunod na reply ng ibang netizens by posting pictures na mula sa ilang eksena sa movie na Four Sisters and A Wedding kung saan magkasama sina Angel at Toni.


Pinaglaruan ng netizen sa Twitter ang ilang eksena nina Toni at Angel sa movie.


May nag-tweet ng linya ni Coney Reyes na siyang gumanap na ina nina Toni at Angel on the said movie.


Say ni Coney, “Nag-aaway ba kayo?”


Sagot nina Angel at Toni, “Naglalaro lang po kami ng… charades, Ma.”


May linya si Toni sa movie tungkol sa nakaraan nilang magkakapatid kasama sina Bea Alonzo at Shaina Magdayao na ikinonek ng mga netizens.


Linya ni Toni sa movie, “Oh, my goodness! Ungkatan ng past!”


Geleng-geleng ng mga netizens mang-intriga, deeevah?!






 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | April 24, 2022


ree

Nilait ng mga bashers ang pagpapakita ni Angelica Panganiban ng kanyang baby bump sa kanyang latest post on her social media account.


May inilagay si Angelica na “Baby Moon” sa kanyang IG post, habang nakatayo sa buhanginan sa tabing-dagat na nakalitaw ang malaking tiyan.


Obvious na ang kanyang partner na si Gregg Homan ang kumuha ng piktyur ni Angelica.


Say ng basher ng preggy actress, “Buntis pala si Angelica, akala ko, natural lang na malaki ang tiyan niya.”


“Agree. Akala ko talaga, ganu'n na ang tiyan niya ever since.”


Umani rin ng panlalait ang mga bashers ni Angelica mula sa ibang netizens.


“Ignorant much? OA naman sa laki ng tiyan, ha?”


“Pa-witty? Hindi naman normal ang ganyang paglaki.”


“Rude.”


“Sa tingin mo, may pakialam si Angelica sa mga comments n'yo dito? Number one rule sa mga buntis ay umiwas sa stress. Hindi 'yun mag-lurk dito. Echosera ka.”


Pero ang ibang netizens, excited nang malaman kung ano ang gender ng first baby ni Angelica.


“Kelan kaya ang gender reveal? Hehe, mukhang boy ito. 'Pag medyo may-edad na kasi, mas high chance na boy ang anak.”


Pero may duda ang iba na girl ang gender ng baby nina Angelica at Greg. Bilugan daw kasi ang porma ng tiyan ni Angelica at mukhang maganda pa rin ang Kapamilya actress.





 
 
RECOMMENDED
bottom of page