top of page
Search

ni BRT @News | July 19, 2023




Hindi pa mangyayari ang pinangangambahang pag-phaseout ng mga tradisyunal na dyip sa bansa.


Ito ang tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).


Gayunman, mangyayari pa rin umano ito na posibleng ipatupad sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon mula ngayon.


Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, base sa 40 konsultasyong isinagawa ng pamahalaan, ang pangkalahatang daing ng sektor ng transportasyon ay ang phaseout ng traditional jeepney.


Pero tiniyak naman ng opisyal na maaari pa ring pumasada ang jeepney drivers sa kanilang mga ruta basta’t roadworthy o ligtas bumiyahe ang kanilang sasakyan o pumasa sa basic tests ng Land Transportation Office (LTO).


 
 

@Letter To The Editor | March 10, 2023





LETTER TO THE EDITOR


MABUHAY ANG PHILIPPINE JEEPNEY!

Itigil ang Maling Impormasyong Kampanya:

Kung talagang gusto ng gobyerno na tugunan ang mga pangangailangan sa transportasyon ng mga Pilipino, ang prayoridad nila ay ang pagtulong sa karamihan sa mga single-operator na sumusuporta sa kanilang mga pamilya sa araw-araw na gawain ng negosasyon sa nakakabaliw na trapiko sa Pilipinas. Ang mga jeep ay parang tangke kumpara sa pagkakalantad ng mga motorsiklo o tricycle, ang mga tsuper na ito ay nagbibigay ng subsidiya sa tunay na halaga ng transportasyon para sa maraming tao sa kanilang oras at talento. Ang mga gastos ay tiyak na tataas nang malaki kung ang pang-ekonomiyang paraan ay aalisin.


DONN LISTON

donn@donnListon.net




 
 

ni Mylene Alfonso | March 9, 2023



Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na walang isang tsuper o operator ang mawawalan ng trabaho kapag naisulong na ang modernisasyon sa mga pampublikong sasakyan.


Ito ang inihayag ni Marcos matapos ang pulong sa mga lider ng grupong Manibela at Piston kay Presidential Communications Operations Office Secretary Cheloy Garafil sa Palasyo at nagpasyang itigil na ang isang linggong tigil-pasada.


“Ang problema na kanilang sinasabi ay baka hindi sila mapautang para makapagbili ng bagong sasakyan kaya’t iyan ang tinitingnan namin ngayon na tiyakin na walang mawawalan ng trabaho dahil hindi nakapagbili ng electric vehicle pagdating ng panahon, wala pa tayo doon, pero sa ngayon ang ginagawa lang natin tiyakin lang natin na safe ang ating mga sasakyan, na hindi malagay sa alanganin ang mga pasahero, ang mga commuter,” sabi ng Pangulo.


Nauna nang nagdesisyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na palawigin pa ito ng hanggang sa Disyembre 31.


Umaasa rin ang Pangulo na ang anim na buwang palugit ay sapat na upang ayusin ang sistema ng pag-inspeksyon at pagpapalit ng mga lumang jeepney.


“I’m glad that, ako’y nagpapasalamat naman sa kanila na sa palagay ko ay naramdaman nila. They have made their point very clearly na kailangan natin tingnan at pag-aralan nang mabuti. Ito ay sinabi ko na noon na balikan natin itong sistema sa pagpalit iyong sa jeepney at saka sa mga bus at saka sa iba’t ibang transport areas ay kailangan natin tingnan nang mabuti na hindi tayo nagbibigay ng dagdag na pahirap para sa ating mga transport workers. Of course, napakaimportante na safe ang kanilang mga sasakyan at kapag tayo nga ay papasok sa era ng electric vehicles ay dahan-dahanin natin,” dagdag pa ng Pangulo.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page