top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Apr. 21, 2025




 

Back to reality na naman tayo, mga Ka-BULGAR, matapos ang ilang araw na pagmumuni-muni, pagtitika at pamamahinga sa nakakapagod na ikot ng mundo. Hahaha!


So, heto na nga ang paboritong chika ng mga Marites na laging nakaabang sa mga hiwalayan sa showbiz.


Though wala ngang kinukumpirma sina Kyline Alcantara at Kobe Paras na hiwalay na sila, mukhang ‘yun na talaga ang ending nila dahil nag-unfollow na sa Instagram ang tinaguriang “Kandong Queen” sa kanyang heartthrob cager boyfriend na may chickboy image naman.


And it seems confirmation na rin ang sinabi ng brother ni Kyline na si Robin Alcantara sa comment nito sa isang fake and edited photo kung saan makikitang magkasama raw sina Kyline at Kobe sa Bali, Indonesia amidst their breakup rumor.


Sabi ng utol ni Kyline, “‘Di ko alam may super powers pala kapatid ko. Di ko naman alam na nagte-teleport pala siya from here to Bali. Real quick.”


May nag-reply kay Robin at nangumusta kay Kyline. Sana raw ay okay lang ito.


Sagot ng utol ni Kyline, “As always, she handles things with grace.”


Feeling ng mga netizens, tuluyan nang in-unfollow ni Kyline si Kobe matapos kumalat na may iba itong kasamang babae sa Bali.


Samantala, netizens assume na para kay Kyline ang latest art card post sa IG Story ng dating aktres na si Jackie Forster, Kobe’s mom, na ganito ang nakasaad: “Manipulation is when they focus on how you reacted instead of how they treated you.”


Nag-speculate ang mga netizens na para kay Kyline ‘yun dahil ganyan din daw ang scenario matapos mapabalitang break na sina Kyline at Mavy Legaspi noon, kung saan tila may mga hugot at patutsada raw ang ina ni Mavy na si Carmina Villarroel laban sa ex na manugang na hilaw.


Hala! Parang dumarami ang dapat harapin at saguting issue ni Kyline, ha?




MASUWERTE ang QC District 5 councilor-actor-producer na si Alfred Vargas na nakagawa sila ng magandang pelikula ng Superstar na si Nora Aunor – at nagdala pa ng maraming awards ang Pieta movie – bago pa ito pumanaw last April 16.


Sa kanyang Instagram account, nagbigay-tribute si Konsi Alfred para kay Ate Guy sa pagpanaw nito last April 16.


Kalakip ang picture nila ni Nora na kuha sa shooting ng movie, aniya sa caption: “This scene was taken from one of Ate Guy's last ever films, PIETA. I played, Isaac, her long "lost" son.


“When Isaac finally returned home he was greeted by a mother who couldn't remember anything anymore.


“Instead of surprising his mother, he ended up the one being surprised... for the wrong reasons. Pieta is a story about love, family, truth, mistakes and forgiveness.


“This was a painful but loving scene at the same time.

“Painful because Rebecca, Nora Aunor's character, the mother of Isaac, couldn't recognize her son at all.


“Loving because she still showed how much she cared for and loved her son despite the incomprehensible situation.”


Mensahe naman niya sa Superstar, “Ate Guy, working with you has been one of the greatest honors of my life. As an actor and as a human being you have touched my heart. You have taught me so much without saying anything and you have inspired me tremendously by mentoring me through our scenes together. PIETA will always be one of the most special and favorite films l've done my entire life because of you.


“The most important lesson I learned from you is that: TRUE STARS SHINE BECAUSE OF THEIR HUMILITY AND GENEROSITY IN EVERYTHING THEY DO AND WHOEVER THEY MEET. Sa ‘yo ko naramdaman ito nang sobra, Ate Guy.


“Maraming salamat dahil tinanggap mo ako sa puso mo at nagkaroon ako ng chance to work at makilala ang ONE AND ONLY SUPERSTAR that we will ever have!


“Rest in peace, Ate Guy A A A Mahal na mahal kita. #restinpeacenoraaunor


Idinagdag pa ni Alfred na, “As a tribute to our one and only SUPERSTAR, I’m planning to show PIETA in selected SM Cinemas nationwide, for free, later this year. Para mapanood ng Noranians ang isa sa mga pinakahuling obra ni Ms Nora Aunor! 

“Rest in peace, Ate Guy 🙏🏽🙏🏽🙏🏽 Mahal na mahal kita.”


Ay, nice idea ‘yan and good news sa mga Noranians.

Kami po ay taos-pusong nakikiramay sa mga naiwan ng Superstar at National Artist, Ms. Nora Aunor.


Rest in eternal peace, Ate Guy.




 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Apr. 17, 2025




 

Napaiyak ang Kapamilya star na si AC Bonifacio nang aminin sa nakaraang Spotlight presscon ng Star Magic na ang nanay niya ang mas higit na nasaktan at naapektuhan sa misconception ng mga tao sa kanya na siya ay ‘backstabber’ habang nasa loob pa siya ng PBB house para sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.


Ani AC na laking-Canada, ugali lang talaga niya ang nagpapakatotoo at kapag may gusto siyang sabihin, sinasabi niya ang totoo at hindi siya plastic. Pero kinakausap din naman daw niya ang taong sinasabihan niya at ipinapaliwanag dito ang kanyang saloobin, kaya hindi raw pamba-backstab ang tawag sa ginagawa niya.  


Ibinahagi rin niya ang mga naging reflections niya matapos ang PBB: “Now, you guys know me as a human being na nagkakamali rin. Na I'm not perfect. Na may mga times na I accidentally say things that I have no intention of it being a bad way. But know that I am trying to be better, and I'm really taking in all your concerns and comments.”


Napakadiretso ngang magsalita ni AC at kahit ang relasyon nila ni Harvey Bautista ay lantaran niyang inaamin at proud na proud siya na may dyowa siya.

Hindi raw dapat ikahiya na in love siya at hindi naman niya nakikitang makakaapekto ang pagiging open nila kahit pa may ibang inila-love team kay Harvey sa ilang projects nito.


Bukod sa pagiging dancer at singer, may bagong acting project na aabangan kay AC. Kasama siya sa cast ng The Four Bad Boys and Me, kung saan gagampanan niya ang role bilang si Tiffany na ipapalabas very soon.


Sa pagpapakatotoo ni AC on and off camera, dumami rin ang mga patuloy na sumusuporta sa kanya at ang mga oportunidad na darating sa kanya. Isang dahilan kung bakit mas hinahangaan siya ng marami.



Show, tsinugi sa mismong b-day ng APO Hiking member… JIM KAY CHARO: WALA KANG PUSO! 


MAY pa-story time ang host ng nagbabalik na longest drama anthology on TV na Maalaala Mo Kaya na si Ms. Charo Santos sa kanyang latest Instagram post.

Ayon kay Ms. Charo, may huge lesson siyang natutunan sa isa sa APO Hiking Society members na si Jim Paredes nang sabihan siya nito na “You know, Charo, you’re so heartless.”


Kuwento ni Ms. Charo, taong 1995 nang mag-start ang Tatak Pilipino sa ABS-CBN hosted by Jim Paredes and Gel Santos-Relos at nu’ng umpisa ay maganda ang ratings nito at naging award-winning show pa.


But after a year daw, nagsimula nang bumaba ang ratings at unti-unti na ring nawala ang mga advertisers, kaya bilang programming director ay siya ang naatasang kausapin ang dalawang hosts para ipaalam na kailangan nang tapusin ang show.


Maayos naman daw niyang kinausap sina Jim at Gel at ipinaliwanag ang reason kung bakit kinailangang tapusin na ang programa at tinanggap naman daw ng dalawa.

Until one day daw, nagkaroon ng team building kasama ang APO Hiking Society at du’n nga raw sinabi sa kanya ni Jim na wala siyang puso.


Nabigla raw si Ms. Charo at napatanong kung ano ang ginawa niya para sabihan nang ganito ni Jim.


At du’n sinabi ni Jim na birthday pala niya nu’ng araw na kinansela ang Tatak Pilipino, kaya napa-“Oh, my God!” na lang daw si Ms. Charo at natunaw sa hiya.


“I realized that actors and talents are not just a cog in the showbiz machine, they’re persons who get hurt,” sabi pa ng dating presidente ng ABS-CBN.


Mula raw nu’n, inalam na niya lahat ng birthdays ng kanilang mga talents at never na rin silang nag-cancel ng show sa kaarawan ng mga ito. Itinuro rin daw niya ‘yun sa kanyang mga minentor.


Samantala, ang message niya kay Jim Paredes ay, “Jim, if you’re watching, thank you very much for teaching me this huge lesson in humility.”


Nakakabilib din naman talaga si Ma’m Charo, ‘di ba? To think na ang laki-laki na niyang tao pero napaka-down-to-earth pa rin at marunong tumanggap ng pagkakamali.

Sana, ‘yan din ang matutunan ng maraming celebrities, lalo na ‘yung mga baguhang nagsusulputan ngayon na wala pang napapatunayan, eh, feeling mga ‘untouchables’ na, ha?


Kalat na sa Tate… SIKAT NA CELEB-BUSINESSWOMAN, MAY LUNG CANCER



BLIND ITEM:

KALAT na at pinag-uusapan pala ngayon sa US ang health condition ng isang sikat na celebrity-businesswoman na maraming kaibigang artista.

Kung ‘di kami nagkakamali, dati nang nagkaroon ng cancer ang naturang sikat na celeb at sabi niya ay survivor na siya.

Kaya naman nagulat kami sa chika ng isang informant na maraming kaibigan sa US at usap-usapan nga raw doon na may lung cancer ang sikat na celeb-businesswoman.

Hindi lang nasabi sa amin kung ano’ng stage na ng lung cancer ng mabait pa namang celeb-businesswoman, pero sana ay maka-survive uli ito dahil maraming nagmamahal sa kanya.



 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Apr. 15, 2025





Habang papalapit ang 2025 midterm elections, mas nagiging mainit ang laban ng mga mayoralty candidates ng Manila na sina dating Manila Mayor Isko Moreno at TV host-Tutok to Win Partylist Rep. Sam Verzosa.


Sa ginanap na Pandesal Forum kahapon sa Kamuning Bakery ng writer-entrepreneur na si Wilson Lee Flores, diretsahan ang mga binitawang pahayag ng businessman boyfriend ni Rhian Ramos na si Sam “Dear SV” Verzosa patungkol sa kalaban sa pagka-mayor sa Maynila na si Isko.


Sa huling survey kasing ginanap, tila dumidikit na sa ranking si SV kay Isko habang napag-iiwanan naman ang incumbent mayor na si Mayor Honey Lacuna.


Kaya naman, nakakarating na rin daw kay Sam ang mga simpleng banat sa kanya ni Isko na siyempre pa ay ikinasama ng loob ng BF ni Rhian dahil para sa kanya, isang araw lang naman ang eleksiyon at ang mahalaga ay ‘yung pagtupad nila sa mga ipinangako nila sa mga botante ng Maynila habang sila ay nangangampanya.


At dahil tila umiinit na nga ang iringan nila, tinanong namin si SV kung papayag ba siyang makipagdebate kay Mayor Isko kung sakaling hilingin ito ng mga taga-Maynila.

Diretsong sagot ng independent candidate, “Kung magkakaroon man ng debate, handa po tayong lumaban at sumagot. Sabi ko nga po, kailangang magkaroon ng debate, kailangang magkaroon ng talakayan para malaman ng mga tao, ano ba talaga ‘yung plano ng bawat isa.


“Sobrang importante ‘yan, makilala ng mga botante ang bawat kandidato, ang kanilang mga plano. At bukod du’n sa salita, maramdaman din nila kami.


“Kasi, maraming magagaling magsalita, maraming matatamis ang dila, sasabihin ‘yung gusto n’yo lang marinig. Pero nu’ng nabigyan sila ng pagkakataon, hindi naman nagawa.

“Kaya napakaimportante na magkaroon ng debate para malaman ng mga tao kung sino ba talaga ang nagsasabi nang totoo, nang tapat at naaayon sa kanyang puso at may magandang plano sa mga Manilenyo,” dire-diretsong pahayag ni SV, na kung noon ay mahiyain pa at hindi masyadong masalita, ngayon ay napakahaba nang sumagot sa mga tanong.   


Dagdag pa nga nito, “Kaya sana po, magkaroon na ng debate. At gusto ko lang pong sabihin, hinding-hindi po ako aatras d’yan, anytime, anywhere, haharapin ko po si Isko sa isang debate.”


Ano’ng gusto niyang sabihin kapag nakaharap niya nang personal si Isko?

Sagot ni Sam, “Sana po, ‘wag kayong umatras sa isang matalinong pagdedebate. Hindi ho ito personalan, ito ho’y para sa kinabukasan ng mga Manilenyo. Ano’ng plano mo, ano’ng kaya mong gawin, ano’ng kaibahan mo ngayon du’n sa dati, at masagot na po lahat ng mga issues sa Maynila.


“Ang request ko lang po sa kanya, eh, sana, ‘wag kang umurong sa debate at harapin natin ‘yung mga Manilenyo para po malaman kung sino talaga ‘yung karapat-dapat at may kakayanan talaga na magdala ng pag-asa at pagbabago sa Maynila.”


Samantala, sinagot din ni SV ang banat sa kanya ni Isko na diumano ay ‘walang laman ang utak’ niya at buti pa raw ang pandesal ay may laman.


Sabi ni Sam Verzosa, “Grabe naman ‘yun. Mayor Isko, ‘wag naman po sanang ganu’n. Ako po’y nagsikap sa aking pag-aaral. Ewan ko sa ating lahat, ako yata ‘yung naging valedictorian at UP graduate. Battle of the Brains winner po ako nang ilang beses. Civil engineer. Twenty yrs. na po akong nagnenegosyo.


“Hindi naman po sa pagmamayabang at pagtataas ng bangko, pero sabi ko nga, sana magkaroon ng debate para malaman natin kung sino talaga ‘yung walang laman ‘yung (sabay turo sa utak),” ani Sam na sinundan na lang ng tawa.


So, wait na lang natin kung tatanggapin ni dating Yorme Isko ang hamon na ‘yan ni Dear SV, ha?!


Ihanda na ang cookie ni Rhian Ramos, este ang popcorn. Hehehe!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page