top of page
Search

SI DAWN PANG-ASAR KAY SHARON.


ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 26, 2021




Naku po, may bago na namang inaabangan ang mga ShaGab fans — ‘yan ay ang magiging reaksiyon ni Megastar Sharon Cuneta sa latest Instagram post ng kanyang ex-hubby na si Gabby Concepcion.


Nu’ng September 24 kasi, a day after ng anniversary ng church wedding nina Sharon at Gabby nu’ng Sept. 23, 1984, nag-post ang Papa Gabs ni KC Concepcion sa kanyang IG ng video clip ng mga throwback photos nila ni Dawn Zulueta na naging leading lady niya noon sa ilang movies.


Caption ni Gabo sa video clip, “Leading ladies are hard to find. @dawnzulueta @itsdawnzulueta with matching hashtags na #class at #elegant.


Na-hurt ang mga solid ShaGab fans dahil instead si Sharon ang binati ni Gabby, si Dawn ang pinuri nito.


Comment tuloy ng isang fan ng ex-sweethearts, “Ano ba ‘yan, idol, parang suntok sa mga ShaGab ang ipinakita mong clips or video, sana bukas na lang ‘yan.”


Sabi naman ng isa pa, “Ginamit mo pa si Dawn para mang-asar! Nge!! BTW, happy 37th wedding anniversary.”


May nagtanong din kay Gabby na ayaw ba niya sa hashtag na “vampire” na hashtag ng isang dating post ni Sharon kung saan proud ang Megastar na hindi siya tumatanda kaya mala-vampire raw siya.


Tapos, may nang-intriga rin na “Change partner ba ito?” dahil oo nga naman, ex ni Dawn si Richard Gomez na naging boyfriend din ni Sharon na ex-wife naman ni Gabby.


Hahaha! So, ‘di pala sina Derek Ramsay, Ellen Adarna, John Lloyd Cruz at Andrea Torres ang ‘orig’ sa galawang ‘exchanging partner’.


‘Yun na!

 
 

NEGOSYO SA SOUTH KOREA.


ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 05, 2021




Tiyak na ikatutuwa ng mga adik na adik sa K-Pop stars and K-dramas ang nasagap naming balita na posibleng kapag normal na ang sitwasyon, madala rito sa 'Pinas ng produksiyon ni Narvacan, Ilocos Sur Mayor Chavit Singson ang mga sikat at hinahangaang K-Pop idols ng mga Pinoy.


May bago kasing business-investment si Mayor Chavit sa South Korea, na hello… tumataginting na 100 million dollars lang naman (yes, 'wag n'yo nang ipa-convert sa pesos para 'di na sumakit ang ulo ko mag-compute! Char!)!


Kapipirma lang ni Mayor Chavit ng Memorandum of Understanding para sa 1.7 billion dollars resort development project sa South Korea kasama ang Gangwon Province government, East coast Free Economic Zone Authority, Korea Investment & Securities Co. at Hyundai Asset Management Co.


Kasali sa proyektong ito ang pagpapatayo ng resort centers at ocean complexes sa Donghae City, nasa 260 km silangang bahagi ang layo mula sa Seoul.


Plano rin ng LCS Group na pinamumunuan ni Mayor Singson ang bumili ng mga properties para sa mga sarili nitong businesses doon.


Ang LCS group ang pinakaunang Philippine company na nag-invest para sa real estate development project sa South Korea, samantalang dito sa 'Pinas, ang group of companies ni Mayor Chavit ay nakatutok sa mining, transportation, defense, logistics at telecommunication towers.


Kaya kung magiging successful ang kanyang bagong investment sa South Korea dahil sa kanyang partnership sa Korean government, eh, hindi nga malayong next niya nang project ang pagdadala rito ng mga Korean stars.


Samantala, we heard na tinututukan din ngayon ni Mayor Singson ang pagpapalagay ng solar panel para sa bagong parking lot ng public market sa bayan ng Narvacan, Ilocos Sur. Ang solar panel ang pagmumulan ng supply ng kuryente para sa charging stations ng electric jeepneys sa nasabing lugar.


So, ang bongga lang, 'di ba?

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 02, 2021



Tinutukan namin ang pagpapainterbyu ni LJ Reyes kay Tito Boy Abunda na lumabas sa YouTube channel ng TV host kagabi, Miyerkules, at 6 PM.


Isang oras tumakbo ang interbyu at tiniyaga talaga naming tapusin dahil ang dami-daming nagtatanong sa amin kung ano talaga ang rason ng hiwalayan nila ni Paolo Contis.


Waiting galore ang mga chismosa inside and outside of showbiz kung totoo bang may third party sa hiwalayan nila. Tipong hindi sila na-convince sa ibinigay na rason ng manager ni Paolo na si Manay Lolit Solis na 'na-outgrow' lang ng celebrity couple ang kanilang relasyon kaya naghiwalay.


Sobrang emosyonal si LJ sa naturang interview, which is understandable dahil 6 years nga naman silang nagsama ni Paolo na parang mag-asawa kahit hindi sila kasal, tapos ay mauuwi lang pala sa hiwalayan ang kanilang matamis na samahan.


Habang iniinterbyu ni Tito Boy si LJ, nasa New York na pala ang aktres kasama ang dalawang anak na sina Aki at Summer. Sa bahay daw muna ng mommy at kapatid ni LJ sila tumutuloy ngayon.


Inamin ni LJ na ang 'difficult at painful' na hiwalayan nila ni Paolo ang rason ng pag-alis nila sa 'Pinas ilang araw bago nagtapos ang Agosto.


Gusto raw niyang protektahan ang mga anak mula sa kaliwa't kanang espekulasyon na naglalabasan ngayon kaugnay ng hiwalayan nila ni Paolo.


At kaya raw siya nagsalita at nagpainterbyu kay Tito Boy ay upang ituwid ang mga 'twisted stories' na naglalabasan ngayon sa social media na parang kasalanan pa niya kaya sila naghiwalay ni Paolo.


Ilang ulit tinanong ni Tito Boy kung totoo nga bang may third party sa hiwalayan, pero ilang ulit ding hindi sumagot nang diretso si LJ.


Pero kung pagbabasehan ang mga binitiwan nitong pahayag na, "It's been so hard for the past several months, the past two months have been revelation after revelation," at "May mga taong out of concern would message me about events or sightings, pero I would ask (Paolo), siyempre po, walang confirmation," of course, ang iisipin mo ay may mga nakarating na info kay LJ na nakita si Paolo na may ibang kasama sa iba't ibang pagkakataon o panahon.


'Pag tinatanong naman daw niya si Paolo tungkol sa mga nakakarating sa kanyang balita, ang palusot nito ay paano siya makikilala ng mga nakakakita sa kanya gayung naka-face mask at face shield siya?


Inamin din ni LJ na hindi mutual ang hiwalayan katulad ng sinabi ni Manay Lolit dahil matagal na raw niyang nararamdamang humihiwalay na sa kanila si Paolo at hindi na ito tulad ng dati na homebody. Napansin daw niyang lagi na itong wala sa bahay kaya bilang babae ay kinutuban na siya.


When asked kung mahal pa rin niya si Paolo, iyak nang iyak na sabi ni LJ, "Hindi ko po masagot 'yung tanong n'yo kasi all throughout this happening, grabe talaga 'yung kapit ko sa Diyos na tulungan ako kasi hindi lang naman sa akin 'yung pinagdadaanan ko, pati sa mga anak ko. It's been difficult Tito Boy, tinry kong i-balance, tinry kong saluhin lahat.


"Umabot ako sa puntong 'Lord, Kayo na po ang bahala, 'di ko na kaya. Sabihin N'yo po sa akin ano'ng kailangan kong gawin at ano'ng gagawin ko.'"


Sa tanong kung sinubukan ba niyang alamin kay Paolo ang totoo sa mga nakakarating sa kanyang balita, ani LJ, "Tito Boy, ayoko po siyang makausap. Parang natatakot po akong kausapin siya kasi parang pakiramdam ko, totoo 'yung sinasabi niya sa akin, pero Tito Boy, marami kasi akong nalaman na hindi totoo.


"Parang na-manipulate 'yung alam kong facts. 'Yung revelations and information na dumating sa akin nu'ng mga past 3 months, hindi po 'yun madaling i-digest."


At kaya matindi ang paniniwala ni LJ na may 'something' talaga kay Paolo ay, "'Yung ibang bagay, meron po akong proof. Siyempre, alam mo naman kung kailan nagsasabi nang totoo sa 'yo o hindi."


Dagdag pa niya, "I can't be wrong, siguradung-sigurado po ako na totoo 'yun. Ang dami ko na pong nakausap na nagpakita sa akin ng katotohanan kung paano siya kapag nakatalikod ako or… Kaya ang hirap po sa akin kasi ito 'yung nakita ko, and may ibang katauhan 'pag nakatalikod na ako."


When asked kung sinubukan ba niyang i-save pa ang relasyon nila, sagot naman ni LJ, "Yes Tito Boy, sa totoo lang, for the past several months, 'yun po ang ginagawa ko. Umabot na nga sa point na nag-break na po kami, after few days, na-realize ko, hindi puwedeng ganito dahil may mga bata. Nagbaba po ako ng pride kahit alam kong ako ang nasasaktan. Titiisin ko po 'yun para sa mga bata.


"Tinanong ko siya, 'Do you want to take us back?' pero hindi na raw," iyak pa nang iyak na rebelasyon ni LJ.


Sayang lang at hindi naitanong ni Tito Boy kung bakit sa kabila ng mga kuwento ni LJ, bakit parang si Paolo Contis pa ang galit sa aktres kaya una itong nag-unfollow sa Instagram?


Magsasalita rin kaya si Paolo ngayong nagsalita na si LJ?


Abangan!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page