top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | December 27, 2021



Nakatakdang magbigay ng ika-apat na dose ng COVID-19 vaccine ang isang Israeli hospital sa 150 staff nito bilang trial upang makita kung gaano kaepektibo ang pagtuturok ng dalawang booster.


Ayon sa Sheba Medical Center, magbibigay-linaw ang trial na kanilang gagawin hinggil sa pagiging epektibo ng fourth dose at upang matulungan ang decision-makers na mag-set ng health policy sa Israel at iba pang bansa.


Nakapagtala na ang Israel ng 1,118 confirmed cases ng Omicron variant, kung saan dumodoble pa ito kada dalawang araw.


Nirekomenda ng Health Ministry panel of experts ang pagbibigay ng fourth dose ng Pfizer BioNTech vaccine sa mga Israeli na nasa edad 60 pataas na nakatanggap na ng booster shot at least 4 months ago.


Ngunit ang final approval ng ministry's director-general ay nananatiling pending dahil sa public debate kung talagang kinakailangan ang pagbibigay ng karagdagang booster shot.


Sa ngayon ay wala pang sinasabi ang Sheba Medical Center kung gaano katagal ang kanilang trial.


"We will examine the fourth dose's effect on the level of antibodies and morbidity and we will gauge its safety," ani Gili Regev-Yochay, ang director ng pag-aaral. "We will understand whether it is worthwhile to administer a fourth shot, and to whom."


Ang 150 Sheba medical workers na kaisa sa trial, kung saan sinabi ng ospital na pinayagan ng Health Ministry, ay nakatanggap ng booster shots nang hindi lalagpas noong Agosto 20.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 22, 2021



Kinumpirma ng isang Israeli hospital ang unang pagkamatay ng pasyenteng may Omicron variant.


Ayon sa Soroka Medical Center sa Beersheba, ang pasyenteng nasa edad 60 ay namatay nitong Lunes matapos ang dalawang linggong pagkaka-admit nito sa Covid ward.


Sa inilabas na pahayag ng ospital, sinabing namatay ang pasyente dahil sa iba’t ibang malalang karamdaman.


“His morbidity stemmed mainly from pre-existing sicknesses and not from respiratory infection arising from the coronavirus,” pahayag nito.


Nagkaroon ng hinala ang ospital na Omicron variant ang dumapo sa pasyente kaya agad itong isinailalim sa DNA analysis.


Nakaturukan din umano ang pasyente ng dalawang dose ng COVID-19 vaccines.


Nitong Martes lamang ay nagtala ang Israel ng 340 kaso ng Omicron variant ng COVID-19.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 30, 2021



Nagpositibo sa COVID-19 ang isang kandidata ng Miss Universe pagdating nito sa Israel, ayon sa Miss Universe Organization.


Hindi pinangalanan ng organizers ang nasabing kandidata at hindi pa rin tukoy kung ito ay may kinalaman sa Omicron variant.


Agad naman itong dinala sa government-run isolation hotel ng Israel.


Ayon pa sa Miss U organization, fully vaccinated ang kandidata at sumailalim sa COVID test bago pa man ito bumiyahe patungo sa host country.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page