top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | March 18, 2022


ree

Si Mocha Uson ay isa nang certified “Domagoso Diehard Supporter.”


Si Uson na isang high profile supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte ay pormal nang inanunsiyo ang kanyang pagsuporta sa presidential bid ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso matapos dumalo sa campaign rally nito sa Kawit, Cavite.


“Alam niyo, kaya po nandito na ako ngayon, ay dahil nag ‘Switch to Isko’ na din po ako,” ani Uson sa audience.


Ayon pa kay Uson, na siyang nagpasikat ng terminong Duterte Diehard Supporters (DDS), nakikita niya ang ‘young Duterte’ kay Moreno.


“Ako po ay naririto, upang ipakita ang aking suporta sa ating susunod na pangulo, dahil nakita ko po kay Mayor Isko ang batang Pangulong Duterte,” pahayag ni Uson.


Sinabi rin ni Uson na binoto niya si Moreno noong tumakbo ito sa pagka-alkalde ng lungsod.


Binigyan naman ni Moreno ng bagong kahulugan ang acronym na DDS — Domagoso Diehard Supporters — dahil maraming tagasuporta ni P-Duterte ang nagpapahayag na ng kanilang pagsuporta kay Mayor Isko.

 
 

ni Lolet Abania | March 14, 2022


ree

Nakaranas si presidential candidate at Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno ng tinatawag na costochondritis habang nangangampanya sa Sorsogon, ayon sa kanyang running mate Dr. Willie Ong ngayong Lunes.


Sa isang Facebook post, sinabi ni Ong na nilapitan siya ni Moreno dahil nakaramdam ito ng chest pain.


“Tinanong ko siya, ilang minuto o oras na ‘yan sumasakit? Sabi niya ay buong umaga na, more than 1 hour na,” pahayag ni Ong.


Sinabi ng vice presidential bet ng Aksyon Demokratiko, ang sakit ay nag-ugat mula sa naranasang fatigue ni Moreno.


“Ayos naman ang pakinig ko sa puso niya. Ang sabi ko ay balewala ‘yan, sa buto lang ang sakit dahil sa sobrang pagod. Ang diagnosis ko ay costochondritis. Hindi ‘yan sakit sa puso,” giit ni Ong.


Nabatid na inasistihan at minonitor din ng misis ni Ong na si Dr. Liza Ramoso-Ong sa pagtsi-check kay Moreno. Ayon sa team ni Moreno na base sa paliwanag ng Mayo Clinic, “costochondritis is an inflammation of the cartilage that connects a rib to the breastbone, while the pain it causes may mimic a heart attack or other heart conditions.”


Tiniyak naman ni Ong, isang internist at cardiologist, na si Moreno ay malusog ang kondisyon. Sa isang ambush interview matapos ang town hall meeting sa Sorsogon, sinabi ni Moreno na ang kanyang lagay ay hindi ganoon kaseryoso.


“Nagkakaroon ako ng ano, eh, muscle pain lang pala. Kaya maswerte nga ako, sabi ko.


Kaya ‘wag niyo na kami paghiwalayin. Biruin mo saan ka nakakita, may vice president na ako, may doktor pa ko,” ani Moreno.


“Pero nothing serious… ‘Yung change nu’ng weather condition, plus ‘yung tedious schedule lang,” dagdag nito. “Okay naman, so far. Nothing to worry at all, as in literally zero,” giit pa ni Moreno.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 6, 2022


ree

Hindi umano dapat gamitin ng mga political candidates ang mga simbahan sa pagsasagawa ng campaign rallies, ayon kay presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno.


Sa interview ng mga reporter, sinabi ni Moreno na “abnormal” ang pagdadaos ng campaign rally sa church buildings at pagpapaskil ng mga campaign poster dito.


“Sana huwag natin gamitin na rally area ‘yung loob ng simbahan. Katoliko rin po kami, hindi lang po kayo ang may-ari nyan, ‘yan po ay pag-aari ng lahat na kasapi ng simbahang Katoliko,” ani Moreno.


“Ewan ko ang opinyon ng taongbayan na Katoliko na ginagamit ‘yung simbahan as rally area. Hindi ko alam sa kanila but ako sa akin, I am offended as a Catholic. Hindi ko alam kung na-o-offend din ang ibang Katoliko,” dagdag niya.


Hindi binanggit ni Moreno kung sinong kandidato ang kanyang tinutukoy.


Sa panayam noong Biyernes, pinabulaanan ni Vice President Leni Robredo na ginagamit niya ang simbahang Katoliko para sa kanyang presidential campaign. Ito ay sinabi niya nang tanungin ng media hinggil sa mga kritisismo sa kanyang desisyong pagdaan sa mga simbahan kung saan siya may campaign sorties.


Ayon pa sa bise presidente, ito ay insulto sa Simbahan at hindi umano papayagan ng institusyong ito na magamit para sa mga partisan activities.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page