top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | Dec. 16, 2024



Photo: Sofronio Vasquez - IG


Hahaha! May pagka-Marites din itong si The Voice USA 26th Season Grand Champion Sofronio Vasquez.


Sa pinag-uusapan kasing TikTok o vlog entry nito after winning The Voice (TV), naitsika nitong kaya raw pala malapit at may very special part sa puso ng sikat na si Michael Bublé ang Pilipinas ay dahil sa kumpare ito ni Martin Nievera.


At ‘yun na nga, sometime in the past pala ay nai-date o naireto rito ang isang dyosa na kilalang-kilala raw ng lahat.


Marami agad ang nagsabing si Kristine Hermosa raw ito dahil minsan na nga itong naging laman ng balita noon. May mga humirit namang si Regine Velasquez daw ‘yun, at may nagsabi pang si Anne Curtis, though may mga iba pang names na lumabas. Hahaha!


Well, for sure alam din ito ng isa pang Marites na si Mega Sharon Cuneta dahil naka-duet na niya si Michael at dahil same circle of friends lang naman sila ni Martin, malamang na may inireto rin si Mega. Hahaha!


Wala lang, nakakaaliw lang na malaman this time na kahit noon pa pala ay pusong Pinoy na ang sikat na sikat na balladeer at pop icon.


Oooppss, may mga grupo nang naghahanda sa pag-uwi ni Sofronio sa bansa. Deserve raw nito ang isang hero's welcome. Ang tanong, pansinin kaya niya ang Malacañang invite dahil isa siyang lantad at kilalang kakam-pink (sumusuporta sa adbokasiya ni Leni Robredo)?



From their Cebu City mediacon event, saglit lang na bumalik sa Manila ang tropa ng Uninvited bago ito muling lumipad papunta sa Davao noong weekend.


As expected, very warm welcome ang ibinigay ng mga taga-Mindanao sa Uninvited cast and production people, led by no less than the Star for All Seasons herself Ate Vi, Vilma Santos.


Ang saya-saya pa ng tropa dahil hindi pilit ang mga pagsayaw at pagkanta nila, na sinasabayan ng mga Bisaya at mga taong dumagsa sa mga venues ng event.


Nakita naming bongga ang bonding moment nina Ate Vi at Nadine Lustre na game na game sa pag-indak sa mga viral TikTok dance craze. 


Si kapatid na Pipo (Tirso Cruz III) ay wapakels na kumanta ng mga pambato niyang awit, habang si Aga Muhlach naman ay kumembot lang nang konti, naghihiyawan na ang mga tao.


Si Mylene Dizon ay laban na laban din sa pagsigaw kahit sinasabi ng maraming komento na mala-kontrabida pa rin ang boses nito. Hahaha!


Si RK Bagatsing naman ay idinaan na lang sa paghalakhak ang tila hindi niya makuhang dance steps na kinagiliwan ng mga tao.


Ultimo si Direk Dan Villegas ay hindi nakaligtas sa mga dance and singing challenges.

Sino’ng magsasabing at 71 years old ay super graceful pa ring sumayaw si Ate Vi at bongga pa ang energy nitong bumirit ng kanta? Hahaha!


Sadyang kakaiba nga ang MMFF 2024 para sa mga artistang may entry - family bonding, good friendship, camaraderie and of course, ‘yung advocacy ngang pasiglahin ang mga sinehan, ang mga layunin at nagagawa ng promo campaigns nila. 

‘Yun na!



GUSTO lang naming personal na magpasalamat sa La Visual Corp, ang naghatid ng 2nd Southeast Asian Premier Business and Achievers Awards. Kinilala po ang inyong lingkod bilang Premier Multi-Media Publicist of the Year noong nakaraang December 8 awards night nila na ginanap sa Winford Hotel sa Manila.


Kasabayan ko pong tumanggap ng award sa hanay ng entertainment sina Kim Chiu (Premier Actress), Vhong Navarro at Jhong Hilario (Male TV Hosts), Mc and Lassy (Comic Duo), Gretchen Fullido (Female TV Host), Miles Ocampo (Female TV Host), Andrew de Real (Comedy Bar Master), ang mag-asawang Dr. Jay and Dra. Sheila Recasata ng Faces and Curves, Marc Logan,


Michael Pangilinan, Daryll Ong, Bugoy Drilon, Jona at Marian Rivera (Best Actress), Paulo Avelino at iba pang mga taga-TV at radio.


Malaking karangalan po ito para sa inyong lingkod na patuloy na pinagtitiwalaan ng mga nasa hanay ng multi-media at mga organisasyong sakop ng showbiz, sports and lifestyle.


Mabuhay po tayong lahat at sa mga Ka-Bulgar family po, para sa atin po ang tagumpay!


 
 

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Dec. 12, 2024





Bongga! Isa na namang Pinoy ang gumawa ng marka sa mundo ng musika. 

Si Sofronio Vasquez, ang dating Tawag Ng Tanghalan (TNT) semi-finalist sa It’s Showtime (IS) ay ang kauna-unahang Pilipino at Asian na nanalo sa prestihiyosong The Voice USA matapos ang 26 seasons nito.


Ito ang journey ni Sofronio, mga Ka-BULGARians, from local stage to global spotlight. Bago siya naging ultimate bet ng Amerika, si Sofronio ay nakilala bilang ‘King of Versatility’ ng TNT


Sa kabila ng kanyang paglalakbay sa mga lokal na singing contests gaya ng The Voice Philippines (TVP), hindi naging madali ang kanyang daan patungo sa tagumpay. Kung tutuusin, hindi pa nga siya umabot sa grand finals ng TNT noong 2019, semi-finals lang, mga Mars! (Kumusta naman kaya ang judging ng TNT kumpara sa The Voice USA judges, aber?). 


Ganunpaman, pinatunayan niya na hindi hadlang ang pagkatalo para makamit ang pangarap.


Pinabilib ni Sofronio ang mga hurado ng TNT sa kanyang mala-butter na boses at pagiging game sa iba’t ibang genre — pop, R&B, jazz, rock, at standards. Dahil sa talento niyang ito, nagkaroon din siya ng sariling kanta, ang Bakit Hindi Ko Sinabi sa ilalim ng ABS-CBN Music.


Pero hindi ru'n natapos ang kuwento niya. Kumbaga, parang Phoenix na muling bumangon si Sofronio, at ngayon, hindi lang Pilipinas ang kanyang pinahanga kundi pati buong mundo. 


Bigating mentor, bigating tagumpay ang drama ng ating kababayan.

Sa The Voice USA, naging mentor ni Sofronio ang international superstar na si Michael Bublé. Ani Bublé, “America, please lend your ears and vote to this man! He is the real deal. HE IS THE VOICE!” 


At hindi nga binigo ni Sofronio ang kanyang coach at fans. Sa grand finals, binirit niya ang A Million Dreams mula sa The Greatest Showman (TGS) — isang performance na talagang humugot ng emosyon mula sa mga manonood.


Ang pagkapanalo ni Sofronio sa The Voice USA ay isang malaking tagumpay ng lahing Pilipino. Ngayong siya na ang Grand Winner ng The Voice USA, hindi lang si Sofronio ang panalo kundi ang buong sambayanang Pilipino. Isa siyang patunay na kahit saang bahagi ng mundo, ang talentong Pinoy ay walang kapantay.


Ang kanyang kuwento ay paalala sa atin na kahit ilang beses ka mang mabigo, hindi ito katapusan ng laban. Tulad ng kanyang boses na tila umaabot hanggang langit, ang kanyang pangarap ay lumipad din sa kabila ng mga pagsubok.


Isa lang ang masasabi natin — angat na angat ang Pilipinas dahil kay Sofronio Vasquez, ang boses ng bagong henerasyon at ng American dream. Pak! 


Huge congratulations, Sofronio Vasquez!

Mabuhay ka. ‘Yun na! Ambooolancia! #ChairmanNgChikahan #MaritesInChief #Talbog


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | Dec. 5, 2024



Photo: Elton John - Instagram


Emosyonal na ibinalita ng sikat na singer na si Elton John na siya ay bulag na.

Sa harap ng audience sa Dominion  Theatre, London, ini-announce ng British music icon that he lost his sight.


Pinilit umano niyang ma-recover ang kanyang paningin nang magkaroon siya ng eye infection na nagsimula nu’ng July lang.


Nanood ng show ang batikang mang-aawit sa isang theater performance na ginanap sa Dominion Theatre. Pagkatapos ng show, saka ibinalita ng icon singer ang nangyari sa kanya.


Ani ng music legend, “As some of you may know I have had issues and now, I have lost my sight. I haven’t been able to see the performance but I have enjoyed it.”


Komento ng kanyang mga fans:


“My heart is aching for him. He is one of my favorite singers.”


“That’s ok. It’s good that he’s still alive, so he’s not alone, there are three of them, Jose Feliciano and Stevie Wonder.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page