top of page
Search

ni Jenny Rose Albason (OJT) | March 19, 2023



ree

Naghain ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban kay Russian President Vladimir Putin at kanyang Children Rights Commissioner na si Maria Lvova-Belova.


Kaugnay ito ng sapilitan nilang pagpapalikas mula Ukraine patungong Russia.


Ayon kay ICC President Piotr Hofmanski, responsable ang dalawa sa war crime, kung saan pinapalikas nito ang mga kabataan.


Iginiit ni Lvova-Belova na aampunin umano ang mga bata ng mag-asawang nasa Russia.


Samantala, responsable umano si Putin sa nasabing war crimes.


Ang nasabing anunsiyo na ito ng ICC ay ilang araw mula nang ilabas ang mga balita na plano ng korte na magbukas ng dalawang war crimes cases na may kaugnayan sa pag-atake ng Russia sa Ukraine.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 20, 2021


ree

Pansamantalang itinigil ng International Criminal Court (ICC) Office of the Prosecutor ang kanilang “investigative activities” sa alegasyong “crime against humanity” kaugnayan sa kontrobersiyal na war on drugs ng Duterte administration.


Ito ay upang magsagawa ng assessment sa scope at effect ng isinumiteng deferral request ng Pilipinas.


"The Prosecution has temporarily suspended its investigative activities while it assesses the scope and effect of the deferral request," ani ICC Prosecutor Karim Khan.


Sa sulat ni Philippine Ambassador to the Netherlands Eduardo Malaya kay Khan, sinabi nito na nadiskubreng mayroong administrative liability sa mga sangkot na police personnel sa 52 drug war cases.


Sinabi naman ni Khan na inaasahan na magbibigay ng karagdagang impormasyon ang ICC sa Pilipinas hinggil sa Rule 53 ng Rules of Procedure and Evidence na mahalaga upang mabalasa kung maghahain ba ng aplikasyon sa Pre-Trial Chamber sa ilalim ng Article 18(2) of the Statute para mabigyan ng authorization na ipagpatuloy ang kanilang imbestigasyon.


Sa kabila nito, ipagpapatuloy pa rin naman daw ng ICC ang pag-analisa sa mga hawak nilang impormasyon gayundin ang mga bagong datos na kanilang matatanggap mula sa third parties.


Matatandaang patuloy na iginigiit ng Malacanang na walang hurisdiksiyon ang ICC sa Pilipinas.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 22, 2021


ree

Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang International Criminal Court (ICC) sa kanyang weekly address noong Lunes kaugnay ng laban ng pamahalaan kontra droga.


Noong nakaraang linggo, nais ni ICC Chief Prosecutor Fatou Bensouda na magsagawa ng imbestigasyon sa madugong war on drugs sa Pilipinas.


Saad ni P-Duterte, "Itong ICC, bullsh*t itong... I would not... Why would I defend or face an accusation before white people? You must be crazy.


"'Yung mga colonizers ito noon, they have not atoned for their sins against the countries that they invaded, including the Philippines. Tapos ito ngayon sila, they're trying to set up a court outside our country and making us liable to face them.


"Our laws are different. Our criminal procedures are very different. How are you supposed to get justice there?"


Saad pa ni P-Duterte, “‘Di ba sinabi ko sa inyo, do not destroy my country because I will really kill you.


“Do not destroy the youth of our land because I will kill you, period.”


Aniya, matagal nang nakikipaglaban ang bansa sa droga at patuloy pa rin ang mga transaksiyon kahit nakakakumpiska pa ang pamahalaan ng bilyong halaga nito.


Saad pa ng pangulo, "Itong droga, matagal na ito. Maraming mayor ang namamatay na and yet it goes on and on everyday, transactions there, transactions there and we are able to seize in bulk. Minsan umaabot nang bilyon. Kaya gusto ko minsan sampalin ang mga judges na ‘yan. Loko-loko pala kayo. You want my country to go down the drain.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page