top of page
Search

ni Lolet Abania | January 22, 2021




Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang Professional Regulation Commission (PRC) na isagawa ang licensure examinations sa unang tatlong buwan ng taon, ayon sa pahayag ng Malacañang ngayong Biyernes.


Matatandaang ipinagpaliban noong nakaraang taon ng PRC ang licensure examinations na nakaiskedyul mula Oktubre hanggang Disyembre upang maiwasan ang mass gatherings dahil sa posibleng pagkalat ng coronavirus infections.


"The request of the Professional Regulation Commission to conduct and administer the licensure examinations for professionals scheduled for January to March 2021 was approved," ani Presidential Spokesperson Harry Roque kasabay ng lingguhang pulong ng IATF.


Ilan sa nakaiskedyul na kukuha ng PRC exams ngayong unang quarter ng taon ay ang mga medical technologists, architects, veterinarians, physical therapists, geologists, psychologists, mechanical engineers, graduates of medicine, at teachers. Makikita rin sa kanilang website ang buong listahan ng PRC exams.


Una nang nabanggit ng commission na pinag-aaralan nilang palitan ang pen-and-paper test at gawing online na lamang para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.


"We might be able to start with the smaller boards which may be more manageable," ani PRC Chairman Teofilo Pilando Jr. sa naganap na Senate hearing noong Oktubre.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 27, 2020



Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagdagdag sa bilang ng mga pasahero sa commissioned shuttle services para sa mga empleyado ng ilang opisina at establisimyento.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, puwede na ang one-seat apart arrangement o ang full seating capacity ng mga empleyado ng ilang opisina sa shuttle services ngunit nilinaw niyang kailangang maglagay pa rin ng mga dividers at sumunod sa health and safety measures katulad ng pagsusuot ng face mask at face shield.


Saad ng IATF, “Private establishments are enjoined to commission their own shuttle services for the benefit of their own employees.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page