top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | March 19, 2026



Liza Soberano - Tia Carrere IG

Photo: Tia Carrere IG



Mixed pa rin ang mga reactions ng mga netizens sa mga naglabasang photos ni Liza Soberano kasama si Tia Carrere at ilan pang Hollywood stars.


Sa katatapos lang na 98th Academy Awards o Oscars night, naglabas ng mga photos ang Fil-Am star na si Tia Carrere sa kanyang Instagram (IG) kung saan masayang

nakikipag-hobnobbing ang dating kilalang artista sa bansa na si Liza.


Pagpapatunay na tuluyan na ngang na-penetrate ni Liza ang mundo ng Hollywood kahit pa i-bash itong ‘starlet’ ng iba dahil hindi naman ito ganap na major star.


May mga nagsabi pa ngang ‘isang photobomber’ na lang daw ito sa Hollywood, unlike before na sa kanya talaga nakatuon ang limelight.





But then again, nakaka-proud pa ring makita si Liza sa mga ganu’ng eksena dahil iilan lang ba sa mga nagtangkang celebs natin ang nagkaroon ng ganu’ng moment?


In fact, early this year lang ay naging presenter si Liza sa 53rd Annie Awards sa LA kung saan pinag-usapan ang kanyang ganda at talino, kasama na ang pakikipag-bonding niya kay K-pop Demon Hunters (KDH) star Arden Cho at mga filmmakers ng upcoming movie na Forgotten Islands (FI).


May iba naman na binansagan si Liza na Gen-Z Madam Imelda Marcos na umano’y nakilala sa pakikipag-hobnobbing noon sa mundo ng showbiz at fashion at binibigyan ng magandang respeto at pagtingin.



NORMAL na sa showbiz na kapag may tandem na pinasisikat ay nilalagyan ng ‘romantic angle’ ang mga istorya ng kanilang project.


Pero ayon kay Joseph Marco na nagbibida sa My Husband Is A Mafia Boss (MHIAMB) ng Viva One, “We cannot please everyone, ‘di ba? Pero ours (with Rhen Escaño) is a true one. We really bonded well and we can say na lahat ng ginawa namin para sa show, be it during our workshops or takes, are all genuine. This is one of the best projects na nagawa ko.”


Sinang-ayunan naman ito ni Rhen na umano’y hindi rin inakalang may comedic side pala si Joseph dahil natural itong lumabas sa kanyang karakter. Pambalanse ito sa action-romance na tema ng series under Director Fifth Solomon.


Kilalang Wattpad series ang MHIAMB na isinulat ng yumaong si Diana Serrato alias YanaLovesYouu, at ngayon ay may daang milyong reads. 

Ang trailer naman ng show ay humamig na ng 14 million views.





Pagbalik ng aktor, malilipat uli ng time slot…

SERYE NINA KIM AT PAULO, PANAKIP-BUTAS LANG SA PAGKAWALA NI COCO



“BAKA sa April na,” sagot sa amin ng isang taga-CCM Film Productions na gumagawa ng Sigabo, ang bagong series nina Coco Martin at Julia Montes.


Dahil na-delay itong ipalabas last March 16, as promised ng actor-director na si Coco, ang show nina Kim Chiu at Paulo Avelino na The Alibi (TA) ang nag-occupy ng timeslot na iniwan ng Batang Quiapo (BQ).


Wala naman daw isyu sa naturang replacement, pero may mga usap-usapan ngayon na kapag ready nang umere ang Sigabo this April ay baka magkaroon ng ‘urungan’ ng oras na normal nang ginagawa ng ABS-CBN noon pa man sa kanilang mga teleserye.

Let’s see…

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | February 20, 2021





Nag-file ng divorce ang reality TV star na si Kim Kardashian sa asawang rapper na si Kanye West noong Biyernes, Pebrero 19.


Kinumpirma ng publicist ni Kim na nag-file ito ng divorce papers ngunit hindi binanggit ang dahilan, maliban sa hiningi nitong joint custody sa 4 nilang anak.


Noong May, 2014 nagpakasal sina Kim at Kanye na mas nakilala sa love team nilang “KimYe.”

 
 

ni Lolet Abania | November 29, 2020




Pumanaw na ang British actor na si David Prowse na gumanap na Darth Vader sa original na Star Wars trilogy sa edad na 85 matapos na magkasakit.


Isang dating bodybuilder si Prowse na nakilala sa kanyang natatanging pagganap bilang iconic super-villain sa tatlong orihinal na George Lucas movies.


Nagmula sa Bristol, ang 6’6” na aktor ang nai-cast bilang Vader dahil sa tikas ng kanyang pangangatawan.


Gayundin, mas nakilala si Prowse sa role niya sa Green Cross Code Man, kung saan umani siya ng MBE, isang parangal sa Order of the British Empire.


Ipinapalabas ito sa TV, kung saan nagbibigay-babala sa mga bata ng panganib ng paglalakad sa mga kalsada nang mag-isa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page