top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 6, 2021


ree

Bumagal ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin o inflation rate, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Martes.


Ayon kay PSA Chief and National Statistician Claire Dennis Mapa sa virtual press conference, naitala ang 4.1% inflation rate sa buwan ng Hunyo na mas mabagal kumpara sa naitalang 4.5% noong Marso, Abril at Mayo.


ree

Saad ni Mapa, “Ang dahilan ng pagbaba ng antas ng inflation nitong Hunyo 2021 ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng transport na may 9.6% at 95.4% share sa pagbaba ng presyo.”


Samantala, target ng pamahalaan na mapababa sa 2% hanggang 4% ang inflation rate sa bansa.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | June 4, 2021



ree


Tatlong buwang magkakasunod nang nananatili sa 4.5% ang inflation rate sa bansa, batay sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong umaga, June 4.


“Ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa ay naitala sa 4.5 percent nitong May 2021,” tweet pa ng PSA.


Matatandaan namang 4.5% din ang inflation rate noong nagdaang Abril at Marso, samantalang umakyat sa 4.7% ang inflation rate nu’ng Pebrero.


Sa ngayon ay patuloy pa ring nararamdaman ng mga konsumer ang nagtataasang presyo ng bilihin at bawat serbisyo sa bansa.


Gayunman, inaasahan pa rin ang dahan-dahang pagbaba nito sa kabila ng lumalaganap na pandemya.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 5, 2021



ree

Nanatili sa 4.5% ang naitalang inflation rate ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa buwan ng Abril, katulad sa naitalang datos nitong Marso, ayon kay PSA Chief and National Statistician Claire Dennis Mapa sa ginanap na virtual press conference ngayong Miyerkules, Mayo 5.


Aniya, “Ang magkakaibang paggalaw ng presyo sa mga commodity groups nitong Abril 2021 ay nagresulta sa magkaparehong antas ng inflation nitong Abril 2021 at Marso 2021.”


Matatandaang umakyat sa 4.7% ang inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa noong Pebrero.


Kabilang sa naapektuhan ay ang presyo ng elektrisidad, transportasyon at mga bilihin, partikular ang baboy na tumaas sa 20.7% mula sa 17.1% kumpara noong Enero.


Sa ngayon ay patuloy pa ring nararamdaman ng mga konsumer ang nagtataasang presyo ng bilihin at bawat serbisyo sa bansa.


Gayunman, inaasahan pa rin ang dahan-dahang pagbaba nito sa kabila ng lumalaganap na pandemya.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page