top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 15, 2021




Umakyat na sa 34 ang bilang ng mga nasawi sa naganap na magnitude 6.2 na lindol sa West Sulawesi, Indonesia ngayong Biyernes nang umaga, ayon sa awtoridad. Pahayag ni Ali Rahman, head of the local disaster mitigation agency, 26 sa mga nasawi ay mula sa Mamuju City.


Aniya, “The latest information we have is that 26 people are dead… in Mamuju City. That number could grow but we hope it won't... Many of the dead are buried under rubble." Ayon naman sa national disaster agency, tinatayang aabot sa 8 katao ang nasawi sa south ng Mamuju.


Samantala, patuloy pa ring nagsasagawa ng search and rescue operations at nagbabala na ang meteorological agency sa posibilidad na aftershocks at tsunami. Pahayag ni Dwikorita Karnawati, chief of the meteorological agency, “The aftershocks could be as strong, or stronger, than this morning’s quake.


“There is potential for a tsunami from subsequent aftershocks… Don’t wait for a tsunami first because they can happen very quickly.”

 
 

ni Lolet Abania | January 15, 2021




Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang lalawigan ng West Sulawesi, Indonesia ngayong Biyernes nang umaga, batay sa ulat ng US Geological Survey.


Ayon sa USGS, ang epicenter ng lindol ay nasa 36 kilometro o 22 miles south ng Mamuju, ang kabisera ng West Sulawesi, at may lalim na 18 kilometers.


Wala pang ibinigay na report sa pinsalang naidulot at nasaktan sa nangyaring pagyanig na tumama nitong alas-2:18 ng umaga ngayong Biyernes (18:18 GMT Thursday) sa nasabing lugar.


Tinatayang may 110,000 populasyon sa Mamuju, Indonesia.


 
 

ni Lolet Abania | January 13, 2021





Tumanggap na ng unang dose ng COVID-19 vaccine si Indonesian President Joko Widodo, kauna-unahang nagpabakuna sa kanilang bansa, ngayong Miyerkules, Enero 13.


Isinagawa ang pagbabakuna kay Jokowi (kilalang tawag sa nasabing pangulo) sa Presidential Palace sa Jakarta, Indonesia, kung saan ang event ay naka-broadcast live sa national television. Ang CoronaVac na gawa ng Sinovac Biotech ng China ang tinanggap na vaccine ni Widodo. Bukod kay Widodo, tatanggap din ng unang shot ng bakuna ang kanyang mga gabinete ngayong araw.


“This COVID-19 vaccination is important for us to break the chain of this coronavirus transmission and provide health, safety, and protection for all Indonesians," sabi ni Widodo.


Pinaalalahanan naman ni Widodo ang kanyang mga kababayan, kung saan target ng Indonesian government na mabakunahan ang 181.5 milyong populasyon, na patuloy na sumunod sa mga health protocols, kahit mayroon nang isinasagawang vaccination.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page