top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 29, 2021



Pinalawig pa ng pamahalaan ang ipinatutupad na travel ban sa mga biyaherong manggagaling sa India, United Arab Emirates (UAE), Pakistan, Sri Lanka at Bangladesh hanggang sa July 15 dahil sa banta ng mas nakahahawang Delta COVID-19 variant, ayon sa Malacañang ngayong Martes.


Ang Delta variant ay unang na-detect sa India.


Samantala, unang ipinatupad ang travel ban sa mga biyahero mula sa mga nabanggit na lugar noong Abril dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 15, 2021



Pinalawig pa ng pamahalaan ang travel ban sa mga biyaherong manggagaling sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates at Oman hanggang sa katapusan ng Hunyo.


Unang ipinatupad ng Pilipinas ang travel ban sa mga biyahero mula sa India noong Abril dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19.


Noong Mayo naman, nagpatupad na rin ang bansa ng travel ban sa Pakistan, Bangladesh, Nepal at Sri Lanka na sinundan ng Oman at United Arab Emirates.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 5, 2021



Pumanaw ang 9-year- old na Asiatic lion matapos tamaan ng COVID-19 sa Chennai, India, ayon sa state-run zoo noong June 3.


Pahayag ng Arignar Anna Zoological Park, "A 9-year-old lioness Neela succumbed to the disease on the evening of 3rd June."


Nagkaroon umano ng outbreak na unang napansin noong Huwebes at karamihan sa mga leon ay asymptomatic.


Isinailalim din sa quarantine ang mga leon at binigyan ng antibiotics.


Saad pa ng naturang zoo, "Samples of tigers and other large mammals are being sent for testing."


 
 
RECOMMENDED
bottom of page