top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | November 25, 2021



Isinisisi sa isang kasalan ang pagkamatay ng 63 manok sa India.


Ayon kay Ranjit Kumar Parida, may-ari ng isang poultry farm sa Odisha sa India, nagdulot ng nakabibinging ingay ang paradang dumaan sa kanyang farm bago magmadaling araw nitong Linggo.


Sinabihan niya umano ang banda na hinaan ang patugtog dahil natatakot ang kanyang mga alagang manok, ngunit hindi siya pinakinggan at sinigawan pa ng mga kaibigan ng lalaking ikakasal.


Ayon sa propesor na si Suryakanta Mishra, na may akda tungkol sa animal behavior, sa Hindustan Times, na nagiging sanhi ng cardiovascular disease sa mga ibon ang malakas na tunog at ingay at nakaaapekto sa circadian rhythm at biological clock ng mga manok ang pagkagulat at stress dahil sa malakas na ingay.


Namatay umano sa atake sa puso ang mga manok, ayon sa isang beterinaryo.


Nagsampa na ng reklamo sa pulisya si Parida matapos tumangging magbayad ng danyos ng mga nag-organisa ng nasabing kasal ngunit kalaunan ay binawi rin ang reklamo.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 18, 2021



Ipinag-utos ng mga awtoridad sa Delhi, India ang isang linggong pagsasara ng lahat ng mga paaralan dahil sa lumalalang level ng air pollutions.


Kasama ring hindi pinapapasok ang mga construction workers.


Ito ay magtatagal hanggang Nobyembre 21.


Ayon kay Arvind Kejriwal, chief minister ngDelhi, ang desisyon na i-shut down ang mga paaralan ay upang hindi makalanghap ng polluted air ang mga bata.


Ang mga government officials naman ay magwo-work from home at maging ang mga private businesses ay hinihikayat na magsara o ipatupad ang work from home upang maiwasan ang vehicle emissions.


Nasa 5 lamang sa 11 coal-based power plants sa lungsod ang pinayagang mag-operate.


Tumindi rin ang toxic haze na naranasan sa Delhi mula nang isagawa ang Diwali festival kung saan maraming fireworks ang sinindihan.


Nagmula umano ang nasabing makapal na smog mula sa mga sasakyan, industrial emissions, dust at weather patterns.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 30, 2021



Pinalawig ng Pilipinas ang travel restrictions sa mga biyahero mula sa sampung bansa hanggang sa Agosto 15 upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 Delta variant, ayon sa Malacañang.


Saad ni Presidential Spokesperson Harry Roque, "President Rodrigo Duterte approved the recommendation of the Inter-Agency Task Force (IATF) to extend the travel restrictions currently imposed to 10 countries until August 15. These countries include India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Oman, United Arab Emirates, Indonesia, Malaysia and Thailand."


Samantala, inilabas na rin ng Malacañang ang listahan ng mga bansang ikinokonsidera bilang “green countries” o ang mga low-risk sa COVID-19 na binubuo ng: Albania, Antigua and Barbuda, Benin, Brunei, Cayman Islands, Comoros, Djibouti, Gabon, American Samoa, Australia, Bermuda, Bulgaria, Chad, Ivory Coast, Equatorial Guinea, Gambia, Anguilla, Azerbaijan, Bosnia and Herzegovina, Burkina Faso, China, Dominica, Falkland Islands, Ghana, Grenada, Kosovo, Marshall Islands, Montserrat, Niger, Northern Mariana Islands, Romania, Saint Pierre and Miquelon, Slovakia, Hong Kong, Laos, Federated States of Micronesia, New Caledonia, Nigeria, Palau, Saba, Singapore, Taiwan, Hungary, Mali, Moldova, New Zealand, North Macedonia, Poland, Saint Barthelemy, Sint Eustatius, at Togo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page