top of page
Search

ni Mai Ancheta @Overseas | June 4, 2023



ree

Halos 300 katao ang nasawi matapos ang malagim na salpukan ng tatlong tren sa Lungsod ng Balasore, Eastern Odisha state sa India.


Sa ngayon ay nakapagtala na ang mga otoridad ng 288 na kumpirmadong nasawi sa trahedya at inaasahang tataas pa ito, habang mahigit 1,000 ang nasugatan.


Dalawang pampasaherong train at isang freight train ang nasangkot sa insidente nitong Biyernes.


Nagpapatuloy ang search and rescue operations sa mga biktima na pinaniniwalaang na-trap sa mga bagon ng train.


Halos panghinaan na rin ng loob ang hepe ng Fire Services ng Odisha state na si Sudhanshu Sarangi dahil sa dami ng mga naapektuhan ng trahedya.


"We are not very hopeful of rescuing anyone alive," ani Sarangi.


Hindi pa matukoy ng mga otoridad ang ugat ng salpukan ng tatlong train at nagsasagawa na umano ng malalimang imbestigasyon batay sa direktiba ng Railway

Minister ng India.


Sa nakuhang video footage sa crash site, nagkalat ang bangkay ng mga biktima sa loob ng mga wasak-wasak na bagon, at inaalalayan ng mga otoridad ang mga nakaligtas na biktima.


Nagkalat din ang mga personal na kagamitan ng maraming pasahero sa pinangyarihan ng insidente.


 
 

ni Lolet Abania | March 12, 2022


ree

Ipinahayag ng gobyerno ng India na aksidente umano silang nakapagpalabas ng missile sa Pakistan nitong linggo dahil sa tinatawag na “technical malfunction” sa ginagawa nilang routine maintenance, kung saan nagbigay na sila ng kanilang bersyon sa nangyaring insidente, matapos na ipatawag ng Pakistan government ang kinatawan ng India bilang protesta.


Una nang nagbabala ang mga military experts hinggil sa panganib ng aksidente o miscalculations ng mga nuclear-armed neighbors, kung saan nakipaglaban na sa tatlong giyera at nagkaroon ng maraming armed conflict o maliliit na sagupaan, na karaniwan ay patungkol sa disputed territory ng Kashmir.


“On 9 March 2022, in the course of a routine maintenance, a technical malfunction led to the accidental firing of a missile,” ayon sa Indian Ministry of Defence sa isang three-paragraph statement.


“It is learnt that the missile landed in an area of Pakistan. While the incident is deeply regrettable, it is also a matter of relief that there has been no loss of life due to the accident,” dagdag na pahayag nito. Batay sa ministry, “the government had taken a serious view and ordered a high-level Court of Enquiry.”


Ayon sa mga Pakistani officials, “the missile was unarmed and had crashed near the country’s eastern city of Mian Channu, about 500 kilometers (310 miles) from the capital, Islamabad.”


Agad na ipinatawag ng foreign office ng Pakistan ang charge d’affaires in Islamabad ng India para maghain ng protesta hinggil sa tinatawag na isang unprovoked violation of its airspace, na anila ang insidente ay maaaring magdulot ng panganib sa mga passenger flights at buhay ng mga sibilyan.


Nagbabala naman ang Pakistan sa India na anila, “to be mindful of the unpleasant consequences of such negligence and take effective measures to avoid the recurrence of such violations in future.”


Sa tweet ni Ayesha Siddiqa, isang eksperto sa military affairs at may kinalaman sa South Asia, “India-Pak should be talking about risk mitigation.” “Both states have remained confident about control of nuclear weapons but what if such accidents happen again & with more serious consequences?” saad pa nito.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 13, 2021


ree

Kinoronahan bilang Miss Universe 2021 si Miss India Harnaaz Sandhu.


Nangningning si Sandhu sa 80 kandidata sa ginanap na final night ng pageant na ginanap sa Eilat, Israel, nitong Lunes nang umaga (Philippine time).


Itinanghal na 1st runner-up si Miss Paraguay habang si Miss South Africa placed as the 2nd runner-up.


Ang pambato ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez ay nakapasok naman sa Top 5 finalists.


Sa final question, ang mga finalists ay tinanong kung ano ang kanilang maipapayo sa mga batang kababaihan sa pagharap sa iba’t ibang pressures na kanilang kinahaharap sa panahong ito.


Ang winning answer ni Miss India ay:


Well I think the biggest pressure the youth of today is facing is to believe in themselves to know that you are unique and that’s what makes you beautiful. Stop comparing yourselves with others and let’s talk about more important things happening worldwide. Come out and speak for yourself because you are the leader of your life. You are the voice of your own. I believed in myself and that’s why I’m standing here today.


Congratulations, Miss India for a well-deserved win!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page