top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 27, 2021



Magpapatupad na ng travel ban sa bansa sa mga galing sa India simula sa April 29 hanggang May 14 dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19, ayon sa Malacañang ngayong Martes.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sakop din sa naturang restriksiyon ang mga Pinoy na manggagaling sa India at ang mga mayroong travel history sa naturang bansa sa loob ng 14 na araw.


Pahayag ni Roque, “Inaprubahan ng ating Presidente ang rekomendasyon ng IATF na i-ban ang lahat ng pasahero, kasama ang mga Pilipino na galing sa India.”


Hindi naman umano kasama sa travel ban ang mga pasahero na nakalabas na sa India at ang mga mayroong travel history sa nasabing bansa na dumating sa Pilipinas bago mag-April 29.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 26, 2021



Pinalawig pa ang lockdown sa New Delhi, India dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa naturang bansa.

Pahayag ni Delhi Chief Minister Arvind Kejriwal, “We have decided to extend the lockdown by one week.


“The havoc of corona(virus) continues and there is no respite. Everyone is in favor of extending the lockdown.”


Puno na rin ang mga ospital ng mga pasyente at bukod sa kakulangan sa mga gamot, nakararanas din ang naturang bansa ng severe oxygen shortages.


Samantala, sa nakaraang 24 oras, nakapagtala ang India ng 349,691 bagong kaso ng COVID-19 at 2,767 na bilang ng mga pumanaw, ayon sa Union Health Ministry.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 26, 2021




Napagkasunduan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Health (DOH) na pagbawalang makapasok sa ‘Pinas ang mga biyaherong galing India upang maiwasan ang banta ng COVID-19, ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire ngayong araw, Abril 26.


Aniya, “Pinag-uusapan na po namin ngayon with DFA so that we can recommend to IATF if ever we will find that cause para po talagang i-ban muna temporarily just for us to prevent further spread of the disease here in the country.”


Kahapon ay naging record breaking ang naitalang 349,691 na nagpositibo sa India sa loob lamang ng 24 oras.


Lumalaganap na rin sa iba’t ibang bansa ang Indian variant ng COVID-19 kaya upang mapigilan ang pagpasok nito sa ‘Pinas ay inirerekomenda na ng DOH at DFA ang travel restriction na inaasahang sasang-ayunan ng Inter-Agency Task Force (IATF).


Giit pa ni Vergeire, “Up until now, we can say that we still have not detected it here although we are still looking at our records, baka meron tayong nakita before.”


Sa ngayon ay United Kingdom variant, South African variant, Brazilian variant at P.3 variant ng COVID-19 pa lamang ang mga nade-detect sa bansa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page