top of page
Search

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | April 07, 2021



Over-to-the-max na ang penitensiya ng mga healthcare workers. Buwis-buhay na nga, ‘di pa sapat ang suweldo, kulang sa benepisyo at kapos na rin sila sa mga kasamahang makakatuwang sa giyera sa pandemya.


Aba, sa araw-araw ba naman na lumulobo ang numero ng tinatamaan ng COVID-19, juicekoday pumalo na nga sa halos kinse mil sa isang araw. Natataranta na ang healthcare workers, halos hindi malaman kung sinong pasyente ang uunahing asikasuhin. ‘Kalokah!


Hindi lang ‘yun, wala na talagang mapaglagyan ng mga COVID-19 patients, halos lahat ng ospital nasa waiting list na, mayaman o mahirap, wala nang mga kuwarto, ang iba ay sa mga improvised tent na inilalagay at mas marami na ang naka-home quarantine.


Kaya naman, mega-daing na ang ating mga health care workers, over-fatigue na sila, pero wala silang karapatang magpahinga, tila talagang aktuwal na giyera na anytime ay matutumba na lang sa pagod at exposed pa nga sa nakamamatay na sakit.


Sa tindi ng penitensiya ng ating frontliners, hindi na sila nakatiis at nagmamakaawa na silang dagdagan pa ang kanilang bilang at tapatan nang maayos na suweldo at benepisyo ang buwis-buhay nilang trabaho.


Sa totoo lang may IMEEsolusyon sa kanilang problema, may emergency fund na mahuhugot sa ating gobyerno. Kinakailangan lang na mailabas na agad-agad ang Php13 bilyon mula sa General Appropriations Act na 2021 Contingent Fund sa ilalim ng Office of the President.


Puwede ring hugutin ang Php20 bilyong calamity fund o National Disaster Risk Reduction and Management Fund. ‘Di ba?! Tutuldukan niyan ang kapos na health care workers, health care facilities, kapos na suweldo at benepisyo sa health care workers o frontliners!


Tayo pang mga Pinoy, lahat ng problema ay may IMEEsolusyon, basta nagtutulungan, kering-keri natin tapatan ng bayanihan ang giyera kontra sa pandemya! Gora na, ilabas na ang pondo!

 
 

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | April 05, 2021



Naka-isang linggo na tayo ng lockdown, harinawa'y natatapyasan na ang mga hawahan lalo na ng bagong COVID-19 variants.


Marami sa ating mga kababayan ang nagtatanong kung magiging epektibo na ba kaya ang panibagong lockdown?


Suportado natin ang lockdown. Pero sa ganang akin, IMEEsolusyon natin ang granular lockdown, partikular na per barangay o kalye kung saan mas marami ang tinamaan ng COVID-19 at ipaubaya na sa mga LGU ang implementasyon nito.


At IMEEsolusyon para mas maging epektibo ang mga lockdown, sabayan ito ng puspusang COVID-19 testing, contact tracing at vaccination.


Plus, ang IMEEsolusyon na maagap na pagbibigay ng ayudang food supply sa mga pamilyang apektado ng ECQ lalo na ang mga jobless at mga nagugutom.


Pakiusap naman natin sa mga kababayan nating saklaw ng NCR plus na nasa ECQ, siguraduhing istrikto ang gagawing pagsunod ng bawat indibidwal sa health protocols para "complete package" na ang ating giyera kontra sa pandemya and most of all ay samahan na ng dasal, agree?

 
 

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | March 31, 2021



Pinag-iisipan ng ating pamahalaan kung palalawigin ang Enhanced Community Quarantine sa NCR Plus, pagkatapos ng April 4 para makontrol pa lalo ang pagbaba ng mga bilang ng tinatamaan ng COVID-19 lalo na ng mga bagong COVID variants.


Harinawa, bumaba na at matapyasan na ang bilang ng mga may COVID itong ECQ at mabuti namang may nahugot pang badyet na pang-ayuda kahit paano ang ating pamahalaan na P23 billion.


Panawagan natin sa ating mga kasamahan sa LGUs na masigurong mabibigyan ng tama, 'yung mga karapat-dapat na mabigyan sa ayudang kakarampot na lang.


Inaasahan nating hindi na mauulit ang nangyari sa ibang mga LGUs sa mga nagdaang mga lockdown na may nadobleng nabigyan, meron namang hindi na nakarating pa ang ayuda.


Well, may mga ganyan talagang pangyayari na hindi natin naiiwasan, dahil na rin sa minsan, may mga listahang nakalilito at hindi naayos na mabuti. Ganyan talaga, 'Ika nga, "To err is human, to forgive is divine".


Noong mabigyan naman ng ayudang cash ang ilan, may iba tayong mga kababayang, itinabi o inipon at hindi muna ginamit, ang iba nama'y natukso na gamitin sa sugal, hay sayang!


But no worries, IMEEsolusyon d'yan, eh, repasuhin na mabuti ng ating mga LGUs na may hawak na listahan at may suggest sa ating gobyerno na baka puwedeng "I-voucher" ang ayuda para hundred percent sure na magagamit ng tama para sa kagutuman ng bawat pamilyang apektado ng ECQ.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page