top of page
Search

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | October 3, 2023




Kamakailan lang hinarangan daw ng Chinese Coast Guard (CCG) ng boya ang pangingisda ng mga Pinoy sa Baja de Masinloc.


Saludo naman ako sa to the rescue na aksyon ng Philippine Coast Guard (PCG).


Agad nilang inalis ang harang na ikinatuwa ng ating fishermen.


Ayon naman sa Chinese Embassy officials, sila ang nag-alis ng anchor ng boya at napaalis daw nila ang PCG sa lugar. Pero todo tanggi ang ating PCG.


Sa ganang akin IMEEsolusyon na sa ganyang mga sensitibong isyu, maghinay-hinay tayong mabuti.


Tama ang IMEEsolusyon ng Department of Justice na tukuying mabuti kung nasasakop nga ba ng ating exclusive economic zone ang dagat na pinaglagyan ng boya ng mga Tsino.


Kapag ‘yan ay napatunayan, abah eh, talaga namang dapat i-call ang atensyon ng ating kapitbahay na China.


Remember, dapat hindi padalus-dalos, kailangang armado tayo ng legalidad at maging mahinahon.


IMEEsolusyon na idaan pa rin sa diplomasya ang lahat at dayalogo.


Take note, ayaw natin ng giyera. Agree?!


 
 

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | June 09, 2023



Oversupply ang mga inaning kalabasa sa Nueva Ecija maging sa General Santos City.

Dumadaing ang ating farmers na matumal ang bentahan, naiiwan lang na nakaimbak ang marami sa tone-toneladang ani na mga kalabasa at pinakamasaklap sa lahat eh, nabubulok na. Santisima!!!


Nangangamba tuloy ang ating farmers na kakatanim lang na malugi sila sa ipinuhunang P40,000 gastusin.


Masaklap pang kalbaryo ng ating farmers eh biruin n’yo naman, hindi na nga mabenta, binabarat pa ng mga traders. Aba, ang farmgate price na kakarampot na nasa P7 kada kilo, tinatawaran pa sa mga farmers ng P2.50 kada kilo?!


Que Horror! Kawawa naman talaga ang ating farmers, ‘di na nga nabebenta ang mga kalabasa binabarat pa!! Mahabaging Diyos!


Salamat naman at tutulong daw ang ating LGUs maging ang Department of Agriculture (DA) para mabenta ang sobra-sobrang supply na mga kalabasa.


Sa ganang akin... IMEEsolusyon na magkaroon ng mga training programs para sa mga magsasaka upang ma-improve ang kanilang mga pamamaraan sa pagtatanim, pamamahala ng supply, at pagbebenta ng kalabasa.


IMEEsolusyon na magsagawa ng mga kampanya at promosyon upang maengganyo ang mga konsyumer na bumili at kumain ng kalabasa.


IMEEsolusyon na palakasin ang mga kooperatiba at mga samahan ng mga magsasaka upang magkaroon sila ng mas malakas na boses at kakayahan na labanan ang pang-aabuso ng mga traders.


IMEEsolusyon na magpatupad ng mga insentibo at suporta mula sa gobyerno para sa mga magsasakang nagtatanim ng kalabasa, tulad ng subsidies at mga pautang upang matulungan silang malampasan ang mga hamon ng oversupply.


IMEEsolusyon na palawakin ang market para sa kalabasa, tulad ng paghikayat sa mga kumpanya at restaurant na gumamit ng kalabasa sa kanilang mga produkto at menu. Tulungan natin ang ating mga magsasaka, bumili po tayo ng maraming kalabasa, masustansya ‘yan! Agree?

 
 

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | May 16, 2023


Biglang sipa na naman ang presyo ng sibuyas! Noong una, nasa mahigit P100 lang ito nitong nagdaang mga buwan, pero ngayong Mayo, abah dumoble ang presyo!


Ang sabi ng mga tindera, wala na silang nakukuhang mga supply na imported na sibuyas, kaya lokal na supply ng sibuyas na lang ang kanilang ibinebenta.


Ayon naman sa ilang farmers, halos naubos na ng traders sa kanila ang supply at kumbinsido silang iniipit na naman ito ng mga traders para sa artipisyal na pagtaas ng presyo. Eh, ano pa nga ba ang purpose, ‘di ba, gusto namang kumita ng malaki!


Mula sa dating presyong P150, pumalo na naman ngayon nang hanggang P200 ang presyo ng sibuyas. Juskoday, hayan na naman ang mala-gintong bentahan ng sibuyas.


Sabi ng ating Department of Agriculture (DA), sapat hanggang Nobyembre ang ating supply.


Abah, eh tila, mayroon na naman akong naamoy na ginagapang na nilang magka-shortage para tumabo na naman sila ng kita?! Hello! Ano ba naman kayo, ang hirap-hirap na ng buhay ngayon!


Gagawin na namang ginto ng ilang mapagsamantalang trader o mga negosyante ang presyo ng sibuyas! Ano ito, isinusunod niyo na naman sa kasabihang, “History repeats itself?” ‘Kalokah!


Oy, aking mga frennie r’yan sa Department of Trade and Industry (DTI) at DA, IMEEsolusyon, pakibilisan ang pagsupil d’yan sa mga ganid na palaging utak-kita! Plis, i-monitor niyong mabuti ang galawan ng mga traders, mayroon atang maitim na balak na magdeklara ng shortage?!


DTI, plis paki-abatan na ‘yung mga nasa palengke, abah ikot-ikot na para wala nang magbenta ng mala-gintong presyo ng sibuyas! IMEEsolusyon din sa ating mga netizens, maging mapagbantay tayo! I-socmed na ‘yang mga mapagsamantalang negosyante!


Ipa-viral niyo ang mga grabe magpresyo ng sibuyas, ha! DTI, panagutin sila, parusahan din ang mga ‘yan para ‘di na makapagsamantala!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page