top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Oct. 18, 2024



Photo: Sen. Imee Marcos at dating Sen. Ping Lacson - Kamuning Bakery Cafe


Dinagsa ang Kamuning Bakery ng writer-businessman na si Wilson Flores nu'ng Miyerkules dahil sa ginanap na World Pandesal Day kung saan namigay ng 100,000 pandesal sa mga tao at may mga reading glasses pang kasama.


Special guests din sina dating Sen. Ping Lacson at Sen. Imee Marcos na nakikiisa sa advocacy ni Wilson na makatulong sa mahihirap at mga nagugutom.


Maraming celebrities ang suki ng Kamuning Bakery tulad nina Marian Rivera and Dingdong Dantes, Julia Barretto, Jose Mari Chan, Karylle, Ian Veneracion at marami pang iba, pero buti na lang din at walang artistang dumating dahil baka mas nagkagulo ang mga tao.


Sa Q&A portion bago nag-distribute ng free pandesal na pinangunahan din nina Sen. Ping at Sen. Imee, naitanong ng isang reporter kung sa tingin daw ba ng ate ni Pangulong Bongbong Marcos ay nao-overpower ng mga advisers niya si PBBM kesa makinig ang pangulo sa mga totoong nagmamahal at nagmamalasakit dito tulad niya?


Pahayag ni Sen. Imee, “Lagi nating sinasabi na napakabait ng kapatid ko, pero palibhasa mabait, ‘wag naman pinagsasamantalahan.”


At sa tanong uli kung nabibigyan pa ba niya ito ng payo, sagot ng senadora, “Siyempre, nag-e-effort naman tayo, pero bisi-busy-han na ngayon at lagi kaming nagkikita, maraming-maraming tao, kaya kung minsan, nasasabihan ko, pero kung minsan, mahirap, eh, kasi ang dami nang nakapaligid.”

‘Yun lang! 


Basta ang tiniyak naman ni Sen. Imee, sa kabila ng mga bashers ng kanilang pamilya, tuloy lang siya sa kanyang trabaho at paglilingkod at dedma na lang sa mga bashers.


Anak na si Bryan lang ang nanood…

SEN. GRACE, NO SHOW SA PREMIERE NG MOVIE NI LOVI


Lovi Poe - Instagram

Photo: Lovi Poe / Instagram


TUWANG-TUWA at halos mapaiyak si Lovi Poe sa ginanap na premiere night ng kanyang latest movie na Guilty Pleasure kung saan co-produced ito ng kanyang C'est Lovi Productions with Regal Entertainment.


Puro positive feedback kasi ang natanggap ni Lovi mula sa mga nakapanood ng movie. Halos lahat ay nagsasabing magkaka-Best Actress award siya sa GP dahil sa kakaibang acting na ipinakita niya rito.


Kahit nga ang mommy ni Lovi ay dumating sa premiere night last Wednesday para suportahan siya. Hindi lang namin nakita si Sen. Grace Poe na laging nakasuporta sa mga projects ni Lovi pero dumating naman ang anak ng senadora na si Bryan Llamanzares para sa kanyang tita.


Nasa abroad pala ngayon si Sen. Grace kaya pagbalik nito, saka na lang daw ipapapanood ni Lovi ang Guilty Pleasure sa kanyang Ate.


Ang ganda-ganda ng movie, ang daming sexy and daring scenes na tatatak sa manonood, lalo na ‘yung eksenang dinilaan ni JM de Guzman si Lovi habang nagla-lovemaking sila at ‘yung reaction ni Lovi nang i-rape siya ni JM.


Marami rin ang tiyak na magpapantasya kina Jameson Blake na nagpakita ng hubo't hubad sa kama though back exposure lang naman. At ‘di rin nagpatalbog si JM na may butt exposure rin.


Kung sino ang may1 mas makinis na wetpaks sa dalawang leading men ni Lovi, watch n'yo ang Guilty Pleasure na showing na ngayon in cinemas nationwide.


Nu'ng hingin namin ang reaksiyon ni JM sa ginawa niyang pagdila sa katawan ni Lovi, nangingiting pahayag nito, hiyang-hiya raw siya sa aktres.


Hmmm, paano kaya kung kasama niyang nanood ang GF na si Donnalyn Bartolome that time, di lalo na siyang nadyahi, haha!


Congrats kay Direk Connie Macatuno, sa Regal Entertainment, C'est Lovi Productions at sa lahat ng bumubuo ng Guilty Pleasure.

 
 

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | Abril 12, 2024



Patuloy na lumolobo ang bilang ng mga tinatamaan ng pertussis o tusperina sa bansa at kaliwa’t kanan na ang nagdedeklara ng state of calamity.


Karamihan dito’y mga taga-probinsya.


Ayon sa DOH, pumalo na sa 1,112 ang naitalang kaso ng pertussis sa bansa.


‘Yan ay mula Enero 1 hanggang Marso 30 lang ng taong ito.


Ako eh, nagulat kasi laban-bawi lang ang peg ng DOH. Sabi nila noong una, kontrolado na ‘yan, eh, bakit ngayon, patuloy pa pala ang pagtaas ng bilang ng tinatamaan nito, ha!  

Abah eh, nasa 54 na raw ang nasawi mula noong Enero hanggang ngayon, ayon sa datos ng DOH! Juicekolord! Dumarami ha! 


At kabilang sa mga rehiyon na nakitaan ng patuloy na pagtaas ng kaso ay sa Eastern Visayas, Cagayan Valley, CARAGA, Central Luzon, at Cordillera Autonomous Region.


Una rito, kinumpirma ng World Health Organization na ang tigdas at pertussis ay concern na sa maraming bansa dahil sa COVID-19 pandemic lockdowns... ‘di ba alarming ‘yan?! Santisima!!


Isa pang naging problema, ayon kay Health Secretary Ted Herbosa ang vaccine hesitancy.


Aminado naman ang DOH na mababa na ang suplay ng pentavalent o 5-in-1 vaccine sa bansa ngayon na nasa 64,400 doses na lamang.


Umorder na nga raw ang gobyerno ng dagdag na 3 milyong doses ng bakuna.


Sa ganang akin, IMEEsolusyon ang maging maagap na tayo… “prevention is better than cure”.


Magboluntaryo na tayo magsuot ng face mask, lalo na ‘yung ating mga batang tsikiting! Hihintayin pa ba natin na magkasakit sila?! Hello!!


IMEEsolusyon din na ngayong tag-init kung may mga outing kayo dahil sa sobrang init ng panahon, pili kayo ng lugar na ‘di matao lalo na kapag may kasama kayong mga bata at mga baby! Eh, ‘di ba nga ambilis ng hawahan sa pertussis-mala-COVID!


IMEEsolusyon na kung hindi naman necessary na isama ang bata lalo na sa mga mall o grocery o anumang public place, ‘wag nang isama, plis lang! Iwan na sa bahay para ‘di magkasakit!


‘Wag nang isugal ang buhay ng ating pamilya… sa matataong lugar! Super-ingat tayo mga ka-IMEEsolusyon! Agree?!


 
 

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | Marso 25, 2024

 

May mala-COVID na namang banta sa kalusugan natin. 


Nitong mga nagdaang linggo, nakapagtala ang Quezon City government ng apat na namatay dahil sa nakahahawang viral o bacterial infection na tinawag na pertussis.


Tinawag din nila itong whooping cough at ayon nga sa Department of Health, mala-COVID talaga ito dahil mabilis makahawa na naisasalin din sa droplets at hangin.


Kaya talaga ring nakakaalarma bagama’t mas marami na ang naiulat na kaso nito sa QC kaya nagdeklara na sila ng pertussis outbreak!


Sa huling tala, halos nasa 500 ang mga tinamaan na ng pertussis sa buong bansa.


Ayon pa sa DOH, mas prone rito ang mga sanggol o mga bata. Kaya naman plis, mag-ingat naman tayo. ‘Wag na nating hintayin pang maging COVID-19 na naman ito.


IMEEsolusyon na agapan na natin ang sakit na ito. Well whether we like it or not, abah eh, IMEEsolusyon na magbalik-face mask na tayo para makasiguro ‘di bah?!


Lalo na ‘yung mga pumapasok sa eskwela, abah eh, magsuot muli ng face mask!


IMEEsolusyon rin na umiwas-iwas na muna tayo sa mga pagtitipon malapit sa mga lugar na sinasabing may mga taong dinapuan nito.


IMEEsolusyon na ibalik na rin natin ang paggamit ng mga alcohol at iba pang health protocols na ginawa natin noong kasagsagan ng pandemya.


Remember, iba na ang nag-iingat, kaysa muling mabiktima ng panibagong viral infection na mabilis na makahawa. ‘Wag maging kampante! Agree?

 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page