top of page
Search

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | Nov. 8, 2024



Imeesolusyon ni Imee Marcos

Mga kumare kong komadrona, kayo ang OG na bayani sa malalayong barangay — unang rumeresponde para masiguro ang kaligtasan ng mga mudrakels at kanilang junakis. Walang kaarte-arte, rain or shine!


Kaya naman, oras na para itaas ang inyong suweldo at benepisyo — talagang dasurv dahil buhay ang hatid niyo, hindi lang serbisyo! May panukala akong isinampa sa Senado, Senate Bill No. 1724, para siguradong ma-level up ang sahod at well-being ng lahat ng mga komadrona.


Sino bang hindi mabubuang sa ratio na isang midwife para sa 80,000 katao?


Burnout to the max, tapos ghosted pa ang mga hinaing niyo! Kakatapos lang ng Midwifery Week noong Oktubre, at say niyo, ang tatay kong si yumaong Presidente Ferdinand E. Marcos pa ang nagdeklara ng selebrasyong ito — huwag niyo sanang ma-forget. Panahon na para ipanganak ang bagong batas — para mas dumami ang gustong maging komadrona. Dasurv na dasurv mabigyan ng tamang kompensasyon at pagpapahalaga ang mga superwoman na itech! 


Grabe, hindi lang sila nagdadala ng buhay, kundi sila rin ang tila one-woman show sa mga RHU mula Luzon hanggang Mindanao! Kaloka, ‘di ba?



Push na natin ‘to, mga mare! Keri?


 
 

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | Oct. 29, 2024



Imeesolusyon ni Imee Marcos

Narinig niyo na ba ang latest? October is Coop Month, mga mars! Pero hindi lang ‘yan — may dagdag-chika pa ako!Since outdated na ang Cooperative Code, finile ko na ang Senate Bill No. 2811 o ang “Revised Cooperative Code of the Philippines.” 


Siyempre, dapat updated na rin, kasi sino ba ang gustong maiwan, ‘di ba?Kailangang makasabay ang mga coop sa latest trends — tax exemption, lower capital, at mas bonggang freedom sa joint ventures. Ganern! Haller! Nu’ng panahon ng ‘pandemonyo’, over-over ang hirap ng mga farmer, fisherfolk, at small business owners. As in! Sino ba naman ang hindi nawindang? 


Kaya naman, bet ko talaga itong panukalang ginawa ko for our coops — kasi dasurv na dasurv nila ‘to!Para ‘to sa kinabukasan ng mga coop, beshies! I-level up na natin ang mga coop para walang ma-left behind sa tagumpay! Keri?So tara na, i-push na natin itong bonggang bill!


Dasurv ito ng mga coop! Agree?!


 
 

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | April 25, 2024



Imeesolusyon ni Imee Marcos

Hey, mga beshie! Nandito na ako para ipaalam ang pinakabonggang desisyon ko: tumatakbo ako bilang independent sa 2025 elections! Bakit? 


Kasi, ayokong madamay ang aking ading at mga friends sa gulo ng pulitika. Gusto ko, libre akong makapagserbisyo para sa bayan — hindi para sa isang partido! Gets niyo ba, mga mare? Sa aking kampanya, dala-dala ko ang lahat ng nagawa ko sa Senado. ‘Yung loan condonation para sa 600,000 agrarian reform beneficiaries — wow, ‘di ba? ‘Yung Centenarians Act na nagbibigay ng P100,000 sa ating mga lolo’t lola na abot na sa 80 years old! At siyempre, wala nang palusot — nag-extend pa tayo ng termino ng mga barangay official natin ng anim na taon! At marami pang mga balitang bongga na parating! Lahat ng ginagawa ko, para sa inyo ‘yan — pambata, pang-tanders, panlahat-lahat! Kayo ba, game na game kamo?


Turo nga ni Apo Lakay, maglingkod nang maayos at walang kinikilingan. Kaya naman ako, dire-diretso lang — pure na serbisyo, walang chika! Ang mga plano ko? Swak na swak para sa kapakanan ng lahat ng Pilipino, walang kulang, walang labis.


Alam kong hindi madali ang maging independent, pero tuloy lang, besh! Kahit wala akong partido, handa akong makipagtulungan kahit kanino — anuman ang kulay, basta’t bayan tayong lahat dito. Walang “team-team,” team bayan lang, ‘teh!


Kaya, mga besh, tara na! Wala nang drama, wala nang eme — IMEEsolusyon para sa lahat! Para sa inyo, para sa bayan! Sama-sama tayo rito, mga kababayan! Let’s make this journey fabulous. Are you in?! 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page