top of page
Search

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | Nov. 22, 2024



Imeesolusyon ni Imee Marcos

Mga kababayan, huwag magpahuli dahil may malaking kaganapan sa international stage na tiyak makakaapekto sa atin. Ito na nga ang greatest comeback ni Donald Trump sa White House.


At isa sa mga pangunahing target ni Trump ay ang mahigit 220,000 undocumented Pinoy sa Amerika. Kaya’t huwag nating ma-forget ang mga sismars nating TNT na nanganganib ma-deport at umuwi nang luhaan. 


Hindi pa naman sapat ang budget ng DFA para rito, parang ‘di natin keri! Need ng at least P12.4B mga besh. Anoney? Kailangang maghanda ng bongga mga teh-NT!


Dapat gurl, now na ang pag-push ng mga bonggang reintegration programs, skills training, livelihood support, at direct cash para sa inyo! Siyempre, katuwang ang DSWD, DOLE, at DFA para mas keri ang lahat ng ito. No time for etchos, let’s make it happen, mga besh!


Hindi lang ang mga hanash n’yo sa trabaho ang at risk, kundi pati na rin ang inyong mga bebebels, jowabels, at dreams na ilang taon ninyong pinaghirapan! OMG talaga!


Pero keribels lang mga mars, huwag ma-shokot kahit nakaka-shook naman talaga ‘yang balita na ‘yan! Kalma lang dahil hindi ko kayo hahayaang mag-isa. Expect na itotodo natin ang kuda at ganap para sa inyo sa gitna ng eksenang ‘to!


Bear in mind, mga kababayan, ang fight na itiz ay malayo pa sa finish line! Teamwork talaga at push lang sa mga susunod na challenge!


Pilipino tayo, dasurv nating maging safe at ready saan man sa mundo! Agree?


 
 

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | Nov. 18, 2024



Imeesolusyon ni Imee Marcos

Mga sismars, here we go again with the Senate pasabog! Noong Nobyembre 5, nagbigay ako ng sponsorship speech para sa Senate Bill No. 2816, at ang tea? Pahabain na ang 3-year term ng barangay officials at SK, gawin na itong 6 years — yes mga mare, hindi ito chismis, legit ito!


Bakit, kamo? Eh, baka ipabarangay na talaga tayo sa dami ng pinapasan nila! Ang 3 years? Haller, puh-lease! Hindi ‘yan sapat para matapos ang lahat ng pinaglalaban at proyektong sinimulan nila — kalerki talaga! Super bitin, as in!


Itong mga barangay captain at kagawad natin, sila ang mga certified frontline divas sa mga komunidad. All day, all night na dilat, talagang kailangan ng retouch pero wala na ngang time, wala pang pondo! Sila na nga ang first on the scene, sila pa rin ang last to leave. Over ‘di ba?! Ang plot twist? Imbes na sunud-sunod na elections na juicy sa budget, ilaan na lang ito sa mga proyekto para sa mga sangkabeshihan natin sa barangay. I mean, ‘di ba? Mas maraming paandar na proyekto, mas todo ang serbisyo, mas feel ng mga ka-village natin ang tunay na pagbabago!


So mga besh, ito na talaga — para sa isang mas maayos, mas fierce, at mas produktibong termino ng ating barangay leaders, gora na ‘to! Kasi naman, dasurv na dasurv nila ang spotlight at suporta! Agree?


 
 

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | Nov. 15, 2024



Imeesolusyon ni Imee Marcos

Mga mars at tsismars, ready na ba kayo sa juicy chika?Matapos tayo bagyuhin nang bongga nina ‘Kristine’, ‘Leon’, ‘Marce’, ‘Nika’ at ‘Ofel’, heto na ang nakakawindang na balita: super daming casualty! Anyare mga teh?Itanong mo sis sa PAGASA, nasaan na ang early warning? May budget naman tayo, ‘di ba? 


O ayan, halos P2 bilyon pa ang hinihingi para sa 2025! Pero ano itey, walang pondo para iligtas ang mga tao? Parang eksena sa teleserye — may badyet, pero wiz ang action?


Kung naging klaro lang sana ang warning, baka hindi ganito karaming kababayan ang naghirap. Pero ang ganap, ibang level ng horror, mga sis! Habang nagsi-swimming sa baha ang mga kababayan natin, nawala ang kuryente, tubig, at lahat ng essentials. At ang pinaka-shocking? Walang matinong abiso! Jusko, ilang araw silang stranded, walang tulong?


Eto ang latest na hanash: ayaw na ng madlang pipol sa mga weather advisory ng PAGASA! Bakit kaya? Eh kasi naman, mga besh, sino bang makaka-relate sa “torrential rain,” “coastal inundation,” at “gale-force winds”? Parang script lang ng showbiz press release! 


Dapat diretsahan na lang, “Mars, uulan ng bongga, maghanda na kayo!” Mas effective, ‘di ba?


Kaya PAGASA, take note: no more pasikat sa technical terms. Real talk ang kailangan ng madlang pipol, hindi pang-showbiz na English!


Dasurv ng mga Pinoy ang malinaw, mabilis, at swak na abiso! Agree?!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page